WANTED SA MURDER NABITAG SA SACLEO

BULACAN – Isang 19-anyos na binata na wanted sa kasong murder ang nasakote ng mga tauhan ng Valenzuela City Police sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Meycauayan, Bulacan. Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Col. Salvador Destura Jr. ang naaresto na si Aldrin Dalagan, residente ng Tugatog, Meycauayan City, Bulacan. Ayon kay Col. Destura, nakatanggap si P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela City Police, ng impormasyon na nakita ang suspek sa kanilang lugar. Bunsod nito, agad nagsagawa ang mga awtoridad ng…

Read More

2 WANTED SA RAPE NALAMBAT NG PULISYA

QUEZON – Dalawang nakatala bilang mga most wanted person sa kasong rape sa lalawigang ito, ang nadakip ng mga awtoridad sa dalawang operasyon noong Huwebes. Unang naaresto ng mga tauhan ng Lucena City PNP at ng Sta. Maria,  Laguna Police Station noong Huwebes ng umaga  ang suspek na si Reynante Concepcion sa operasyon sa Brgy. Laurel, Sta. Maria. Si Concepcion na residente ng Pagbilao, Quezon ay isa sa most wanted persons ng Lucena PNP dahil sa kasong panggagahasa sa pamangkin ng kanyang kinakasama sa nasabing lungsod. Matapos ang paghahalay ay nagtago ang suspek sa…

Read More

LALAKI HUMIGA SA RILES, PATAY SA TREN

LAGUNA – Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang lalaking nasagasaan ng tren noong Biyernes hapon. Ayon sa mga nakasaksi, nakitang nakatayo ang lalaki sa isang tindahan sa gilid ng riles sa Barangay Ibabang Iyam dakong alas-3:00 ng hapon. Nang paparating na ang tren na patungong San Pablo City, bigla na lamang humiga sa riles ang biktima. Base sa nakuhang voter’s ID, kinilala ng Lucena PNP ang biktimang si Noel de Los Santos, 61, taga Barangay 9, Lucena City. Nakaladkad pa ang biktima hanggang sa magkalasog-lasog ang katawan nito bago…

Read More

EX-VICE MAYOR NG DOLORES, QUEZON PATAY SA PAMAMARIL

LAGUNA – Patay ang dating vice mayor ng Dolores, Quezon makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa San Pablo City, Laguna dakong alas-7:30 ng gabi noong Biyernes. Kinilala ng San Pablo City Police ang biktima na si Danilo Amat. Batay sa report ng San Pablo City PNP, dakong alas-6:30 ng gabi, minamaneho ng biktima ng kanyang kosteng Ford Mustang nang tambangan at pagbabarilin ng suspek sa Seven St., Brgy. San Francisco. Pagkaraan ay naglakad lamang palayo ang suspek Agad namang isinugod sa SPC General Hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng…

Read More

SIGA TIKLO SA BOGA

kulong

IBINALIBAG sa selda ang isang lalaking umano’y siga makaraang mahulihan ng baril sa Malabon City. Kinilala ang suspek na si Geoffrey Asejo y Caspillo alyas “Jeff”, 46, may asawa, tubong Barangay Diclum, Antique Province at naninirahan sa Barangay 12, Caloocan City. Natiklo ang suspek sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations noong Hulyo 21 bandang 6:30 ng gabi sa Pampano Street, Barangay Longos, Malabon City. Kinumpiska sa suspek ang isang 9mm pistol at magazine nito na may tatlong bala. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions. (ALAIN AJERO) 227

Read More

P4.2-M SHABU KUMPISKADO, 5 SUSPEK ARESTADO

NAGKASA ng anti-illegal drugs operation ang mga pulis ng Makati City na nagresulta sa pagkakadakip sa lima katao at nakumpiska ang tinatayang P4,250,000 halaga ng ilegal na droga noong Biyernes ng gabi sa Amarillo St., Brgy. Rizal, Makati City. Kabilang sa nakumpiska ng SDEU operatives ang apat na plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu, at boodle money na ginamit sa operasyon. Kinilala ang mga suspek na sina Jebert Baluarte, driver; Leopoldo Montes, driver; Myrafe Montes; Paul Graham Gonzalez, at Reinsher Anne Jamero, online seller. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Makati City Police…

Read More

ES VIC RODRIGUEZ BUFFER NI PBBM VS MAPAGSAMANTALANG TAO SA GOBYERNO

HINDI na ipinagtaka ni Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat kung bakit may ilang hanay sa pamahalaan ngayon ang tila kabi-kabilang umaatake kay Executive Secretary Vic Rodriguez. Aniya, bagaman hindi maganda para sa administrasyon ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang ginagawang pag-atake sa kanyang executive secretary, normal lamang ito lalo’t naninindigan si Rodriguez na gawin ang dapat sa pamahalaan. “Buffer siya. Talagang ‘yan naman ang trabaho ng ES, to take the hit – H I T- and take the heat – H-E-A-T. So dapat talaga he should step up and…

Read More

Hinirit sa Kamara FOOD TERMINAL KADA REHIYON

KUNG nais ng administrasyon makamit ang target na sapat at abot-kayang pagkain para sa lahat, higit na angkop ang pagtataguyod ng sa food terminal kada rehiyon. Giit ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gamiting gabay ang programang isinulong kanyang namayapang ama, si dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr. “President BBM can take his cue from his late father, former President Ferdinand Marcos Sr., who had, during his presidency, launched programs to rev up the supply chain such as the establishment of the Food Terminal Inc. (FTI)…

Read More

6 HULI SA P 1.4-M SHABU SA ANTIPOLO

ANTIPOLO CITY – Nadakip ng mga awtoridad ang anim katao makaraang makumpiskahan ng mahigit sa P1.4 milyong halaga ng ilegal na droga sa back to back operation sa lungsod na ito. Ayon sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, chief ng Provincial Intelligence Unit (PIU), kay Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga nadakip na sina Jeffrey Esguerra, Anastacio Hementiza at Rodel Dizon, pawang high value target, Abdul Barazar, Ronald Dela Cruz at Yoshihara Narabe, mga residente ng Sitio Pandayan, Brgy., Inarawan ng lungsod. Unang nadakip sa anti-drug…

Read More