HINDI nakapalag ang suspek sa gunrunning activities sa Guadalupe Viejo, Makati City nang dambahin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa tinutuluyang entreswelo sa Laperal Compound dakong alas-9:40 gabi noong Biyernes. Ayon sa ulat, ilang minutong naghintay ang mga operatiba, may 100 metro ang layo mula sa entreswelo ng suspek, sa senyas ng police poseur buyer. Nang mag-miss call ang police poseur buyer sa mga kasamang operatiba ng CIDG RGU NCR bilang hudyat na positibo ang suspek na si Dominic Malate y Gaut alyas “Idong”, sa gunrunning, sinalakay ng mga…
Read MoreAuthor: admin 2
2 WELDER NA-SUFFOCATE SA BARGE
BATANGAS – Binawian ng buhay ang dalawang welder matapos ma-suffocate sa loob ng manhole ng nakahimpil na barge sa shipyard sa bayan ng Bauan. Kinilala ang mga biktimang sina Jomari Carpio at Rachelle Magsino, kapwa taga Barangay Bolo ng nasabing bayan. Batay sa report ng Bauan Police, pumasok ang dalawa sa manhole ng barge na pag-aari ng Katapatan Shipping habang ito ay naka-dry dock sa AG&P Shipyard upang maglinis at mag-repair ng tangke noong Biyernes ng tanghali. Subalit bandang ala-1:30 ng hapon nang mawalan ng malay ang dalawa. Agad isinugod ang mga…
Read MoreNAUNA PA SA HOUSE SPEAKER?
Naging kapansin-pansin para sa netizens at political pundits ang tarpaulin na nakasabit sa isang event sa Camiguin kung saan isang Mr. Sofonias Gabonada ang nagpapakilala at nagpapatawag na agad ng “House Deputy Secretary General” gayong wala pa ngang naluluklok ang bagong Kongreso na House Speaker at kahit Secretary General. Ang masaklap, ibinalandra pa ni Gabonada ang kanyang picture at pangalan katabi ng litrato at pangalan ni outgoing House Majority Leader at presumptive House Speaker Martin Romualdez. Sa July 23 magbubukas ang 19th Congress kung saan pipiliin ang mga bagong House…
Read MoreNPA LEADER NALAMBAT
CAGAYAN – Huli ang isang ranking executive committee member ng Communist Party of the Philippine armed wing New People’s Army, sa inilunsad na joint AFP at PNP operation sa Barangay Bulala, sa bayan ng Camalaniugan, sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na ipinarating ng Northern Luzon Command na pinamumunuan ni Lt. Gen. Ernesto Torres, sa punong himpilan ng Philippine Army, nagkasa ng joint law enforcement operation ang PNP at 77th Infantry Battalion sa Barangay Bulala, Camalaniugan, Cagayan. Bandang alas-9:30 noong nakaraang linggo, armado ng mandamiento de arresto na inilabas ni RTC Presiding…
Read More2 PRESO NAMATAY SA CAVITE CUSTODIAL CENTER
CAVITE – Dalawang preso ang iniulat na namatay makaraang nakaramdam ng hirap sa paghinga habang nakakulong sa Custodial Center sa magkahiwalay na insidente sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Isinugod sa Pagamutan ng Dasmariñas City si Bryan Bituel y Sibal, nasa hustong edad, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas. Nauna rito, nakaranas ng hirap sa paghinga si Bituel sa kanyang kulungan sa Dasmariñas City Police Station (Isolation 2 Humayao) sa Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City kaya agad isinugod sa ospital dakong alas-12:10 noong Sabado ng hapon. Sa Bituel ay naaresto…
Read MoreMAGDYOWA TIMBOG SA P1.4-M DROGA
IBINALIBAG sa magkahiwalay na selda ang sinasabing magdyowang nasakote sa anti-drug operation sa Caloocan City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Myka Ofalsa y Espedido, 28, at Joel Mang y Velasquez, 32. Nasakote ang dalawa dakong alas-11:50 ng gabi noong Hulyo 14 sa Blk. 4, Lot 15, Neo Vista Homes, Barangay 171, Caloocan City. Nasamsam sa mga suspek ang 200 gramo ng umano’y shabu na may presyong P1,360,000. (ALAIN AJERO) 225
Read MoreWANTED SA KIDNAPPING KALABOSO SA MARIKINA
ARESTADO sa kasong kidnapping, serious illegal detention at robbery ang wanted person na 46-anyos na call center agent sa Marikina City. Kinilala P/Col. Gerson Bisayas ang nadakip na si Rafael Cristobal y Santiago, nasa hustong gulang at nakatira sa Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod. Ayon sa ulat, dakong 1:10 ng hapon noong Hulyo 13 nang maaresto ang suspek sa kanyang bahay. Nabatid mula sa magkasanib na puwersa nina P/Maj. Monico Aliado, chief ng SIDMS, at P/Maj. Federico Halog, Jr. ng 2nd MFC RMFB, dinakip nila ang suspek na top 5 most wanted…
Read MoreP1.5-B KONTRABANDO NASABAT SA VALENZUELA
UMABOT sa P1.5 bilyong halaga ng puslit na pekeng luxury items at mga sangkap sa paggawa ng sigarilyo ang nasabat ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa Valenzuela City. Ayon sa pahayag ng BOC noong Biyernes, ginawa ang operasyon noong Miyerkoles sa bisa ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) na inisyu ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero laban sa mga kinatawan ng CTeknik Development Corporation sa #143 C.P. Gregorio St., Lingunan, Valenzuela City. Sa nasabing pagsusuri ay nadiskubre ang tinatayang P1.5 bilyong halaga ng mga kontrabando na…
Read MoreMobility leader sees promising growth in light commercial vehicle segment
(L-R) Senior Vice President and Overall Head of Marketing, New Mobility Business and Vehicle Logistics Department Jing Atienza, TMP President Atsuhiro Okamoto, Vice Chairman David Go and Senior Vice President for Marketing Masatoshi Toiya The country’s leading automotive and mobility company Toyota Motor Philippines (TMP) has reintroduced one of its most iconic nameplates, the Toyota Lite Ace, as a Light Commercial Vehicle (LCV) stepping in as the reliable business partner for Filipino business owners and entrepreneurs. The All-New Toyota Lite Ace was officially unveiled today at Farmers Plaza in Araneta…
Read More