KWENTO NI GRACIOSO PALPAK?

Kurdapyo ni Toto Nabaja

INULAN ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang paglantad ng nagpakilalang tauhan ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, itong si PCpl. Rodulfo Gracioso Jr., na nagpakilalang head security ni Velasco ay lumutang sa isang eksklusibo ng GMA NEWS at ibinunyag na naghatid siya ng pera sa pamilyang Duterte na mahigit sa dalawang bilyong piso. Aray naku! Pakak!

Kinumpirma naman ng Pambansang Pulisya, na dating miyembro ng PNP si Gracioso subalit sinibak ito dahil sa three counts of less grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer, epektibo noong Biyernes, Sept 11. Aruy naku po! Naloko na.

Dahil dito, forfeited ang kanyang retirement benefits at disqualified din siya sa pagtatrabaho sa alinmang government services.

Ops! Teka lang! Sa kanyang sinumpaang salaysay ay sinabi nito na naghatid siya ng pera nang mahigit 20 beses sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at Davao. Eh ‘di wow!

Sinabi ni Gracioso na utos diumano ni Velasco na maghatid ng pera para sa mga Duterte na kanyang pinangalanan na sina dating pangulong Rodrigo R. Duterte, bise Presidente Sara Z. Duterte at Davao City 1st District Cong. Paolo Duterte.

Hmmmp… Binalikan ng mga DDS ang kanyang salaysay na bawat deliver niya ay may kasamang luxury bags, relo at Royce chocolates na paborito ni Tatay Digong.

Sinabi ng mga DDS na isa itong kasinungalingan, dahil noon pa man ay sinabi na ni Digong na hindi siya mahilig sa chocolate dahil nasusuka ito.

Ito pa! Inihayag ni Gracioso na minsan ay nagkape pa sila ni PRRD. Ambot sa bakang biyuda. Hahaha!

Dito na kinuwestyon ni dating Department of Agriculture Sec. Manny Piñol na kahit siya na kumpareng buo at malapit kay Tatay Digong ay dumaan sa Palace appointments noong siya ay nasa Gabinete pa at sinabi nito na hindi mahilig sa kape si Duterte. Ayayay! Boom! Panes!

Hindi rin nakaligtas sa mga DDS ang picture na ipinakita nito na nagpapatunay na may picture siya kasama ang iba pa na nag-deliver ng pera.

Ayon, pinuna ng mga DDS, bakit wala silang mga face mask dahil sa mga panahon na iyon ay nanalasa ang COVID-19 at pinaiiral ang social distancing.

Maging ang larawan na sinasabing nilagyan ng pera ay hindi nakaligtas sa mga DDS.

Bakit naka-karton ang pera at hindi naka-maleta, saan ba raw galing si Gracioso? Sa Supermarket nag-grocery? Hahaha! Mga DDS talaga, mabusisi.

Ay abaw ah! Kwarta na idedeliber hindi sa maleta inilagay kundi sa karton… Kwarta sa karton o kwarta sa maleta?

Kaya hindi maiwasan ng mga DDS na kwestyonin itong paglutang ng tinanggal na pulis, bakit ngayon lang siya lumutang?

Dahil tagilid nga ba ang prosekusyon sa “impeachment trial” ni VP Sara Duterte kaya meron silang ibang plano?

Kaya naman nagsasagawa na ng imbestigasyon itong si NBI Director Melvin Matibag. Ayon sa kanya ay pasado sa polygraph test ang dating pulis, 99% pasado sa lie detector test.

98

Related posts

Leave a Comment