NAT’L PEACE CONSCIOUSNESS MONTH GINUNITA

INIHAYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinapos na nito ang paggunita sa National Peace Consciousness Month sa pamamagitan ng isang simpleng aktibidad na isinagawa kasabay ng seremonya ng pagtataas ng watawat sa DSWD Central Office nitong Lunes, Setyembre 28.

Gamit ang temang “Kapayapaan Pagtibayin, Kaunlaran Paigtingin,” pinangunahan ang aktibidad ni Director Miramel Laxa ng Peace and Development Buong Bansa Mapayapa (PDBBM) – National Program Management Office (NPMO), na kinatampukan ng isang espesyal na pagtatanghal na musikal na may temang pangkapayapaan.

Kaugnay nito, naghatid din ng mensahe si Undersecretary Evelyn Aribon ng Office of the Secretary Group mula kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, kung saan binigyang-diin ang patuloy na pagsisikap ng Kagawaran na isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa pamamagitan ng mga programa at serbisyo sa social protection na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga komunidad.

Dumalo rin sa aktibidad sina Undersecretary for Operations Monina Josefina Romualdez, Asst. Secretary for Special Concerns Paul Ledesma, Asst. Secretary for Policy and Planning Juan Carlo Marquez, Asst. Secretary for Policy and Planning Rodolfo Santos, Asst. Secretary for Resource and Logistics Management Leo Quintilla, Asst. Secretary Atty. Elaine Fallarcuna ng Conditional Cash Transfer Group (CCTG), Asst. Secretary Atty. Zabedin Azis ng Legislative and Intergovernmental Affairs Group (LIAG), Asst. Secretary Atty. Mar Angelo Delos Santos ng Human Resource and Legal Services, at Director Atty. Antonio Gobrin ng Disaster Response Management Bureau (DRMB).

(PAOLO SANTOS)

87

Related posts

Leave a Comment