INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang plano ng gobyerno na palawakin ang sakop ng fuel subsidy program ng pamahalaan at isama ang mga tricycle driver. Sa kanyang unang press briefing sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na napag-iwanan na ang mga tricycle driver sa programa na tulong para sa transport sector sa gitna ng umiiral na COVID-19 pandemic at patuloy na pagsirit ng presyo ng langis. “We just discussed that we are going to try not only to continue the fuel subsidy for the transport sector but to expand…
Read MoreAuthor: admin 2
PAGPAPAIGTING SA VAX DRIVE ITINULAK NI PBBM
NAKATUON si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapaigting at pagpapabilis ng vaccination drive laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa gitna ng pagtaas ng infections. Sinabi ni Pangulong Marcos, na paiigtingin ng kanyang administrasyon ang pagsisikap nito na pabilisin ang vaccination drive upang mahikayat ang mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan na tumanggap ng booster shots laban sa COVID-19. Para sa Punong Ehekutibo, ang tao na may COVID-19 booster shots ay mas mayroong “stronger immunity” laban sa Omicron subvariants. “With Omicron, you apparently need a third dose, which…
Read MoreVACATION PAY NG MGA GURO BAYARAN
UMAPELA sa Department of Education (DepEd) ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) na bayaran ang vacation pay ng mga guro. Ito ay dahil sa kawalan umano ng pahinga ng mga guro bunga ng itinakdang pagbubukas ng klase para sa School Year 2022 – 2023 sa darating na Agosto 22. Sinabi ni ACT chairperson Vladimir Quetua, may paglabag ang pamunuan ng DepEd sa Order 34 na nagtatakda para sa resumption ng mga klase dahil pagkatapos ng June 24 ay dapat magbakasyon na anila ang mga guro. Nananawagan ang mga ito sa…
Read MoreBIRTH REGISTRATION ACT ISINULONG SA SENADO
NAGHAIN ng panukalang batas si Sen. Grace Poe na titiyak sa maagap na pagpaparehistro sa kapanganakan ng bawat bulnerableng batang Pilipino. Ang Senate Bill 332 ni Poe o ang “Children in Need of Special Protection (CNSP) Birth Registration Act” ay nagkakasa ng matibay na sistema para sa napapanahong pagrerehistro sa kapanganakan ng mga agrabyadong bata upang mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. “Ang pagrehistro ng kapanganakan ay unang hakbang para magkaroon ng ligal na pagkakakilanlan at makatanggap ng benepisyo mula sa pamahalaan ang bawat bata,” diin ni Poe. Ang CNSP ay…
Read MoreSa basbas ni Pangulong Marcos SCHOOL OPENING TULOY SA AUG. 22 – VP SARA
(ENOCK ECHAGUE) TINIYAK ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte-Carpio na wala nang atrasan ang itinakdang class opening sa August 22 ngayong taon. Sagot ito ni Duterte sa panawagan ng ilang sektor na ipagpaliban ito. “Iyong school year po natin ay approved na ng Pangulo, August 2022 to July 2023,” paglilinaw ni Duterte. Kasabay ito sa panawagan ng guro partikular ang Teachers Dignity Coalition na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase upang bigyan ng sapat na panahon ang mga guro at estudyante na makapaghanda para sa in-person classes.…
Read More3 MANGINGISDA NIRATRAT SA LAOT
CAMARINES SUR – Ipinasisiyasat ng PNP-Regional Police Office 5 ang pagkakakilanlan ng armadong kalalakihan na namaril sa tatlong mangingisda sa bayan ng Tinambac sa lalawigang ito. Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga biktimang sina Francis Gamura, Eduardo Dulay at Jessie Marinay, pawang mga residente ng Calabanga ng nasabing lalawigan. Lumitaw sa pagsisiyasat ng Camarines Sur PNP, habang tinutunton ng mga biktima ang kinaroroonan ng iniladlad nilang lambat habang sakay ng fishing boat na MB Marylyn 1, biglang dumating ang hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay naman ng maliit na bangka,…
Read More2 TRAFFIC ENFORCER PATAY SA SINITANG TANDEM SA RIZAL
RIZAL – Target ngayon ng mga awtoridad ang ‘riding in tandem’ na bumaril at nakapatay sa dalawang traffic enforcer at ikinasugat ng isa pa makaraang ratratin ang mga biktima nang sitahin dahil sa paglabag sa batas trapiko sa bayan ng Cardona, sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Capt. Reynaldo Año, hepe ng Cardona PNP, ang dalawang napatay na sina Gil Tancingco at Marcial Julian, habang sugatan naman si Kevin Jerome Cruz, pawang nakatalaga sa Municipal Task Force ng Cardona. Agad tumakas ang mga suspek sakay ng getaway motorcycle dala ang ginamit…
Read MoreEX-CONG LOPEZ RUMESBAK SA DATING MANILA COUNCILOR
RUMESBAK si ex-Congressman Carlo Lopez kay Secretary Bernie Ang kaugnay ng alegasyon ng huli na natalo ang mga Lopez sa Maynila dahil umano sa “expose” ni Atty. Alex Lopez sa malawakang korapsyon sa Manila City Hall. Hindi na nakapagpigil ang dating kinatawan ng distrito 2 na kilalang tahimik at hindi mahilig sa publicity kaya nagsalita na ito hinggil sa usapin. Napikon ito at hindi na pinalampas ang mga satsat ni Ang na natalo ang magpinsan na Manny at Carlo Lopez sa nakalipas na May elections dahil sa pag-‘Marites’ ni atorni…
Read MoreEHEKUTIBO AT LEHISLATIBO SANIB-PWERSA PARA SA PROGRESIBONG BULACAN
(ELOISA SILVERIO) KAPWA nangako sina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis Castro na susuportahan ang programa ng isa’t isa bilang pinuno ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan sa ginanap na Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 Sangguniang Panlalawigan sa Bulwagang Senador Benigno Aquino Sr. Session Hall sa lungsod na ito kamakalawa. Nanawagan ang gobernador sa kanyang mga kapwa lingkod bayan na isantabi ang pulitika at sariling interes, at yakapin ang kanilang sinumpaang tungkulin na pagsilbihan ang kanilang mga kababayan. “We can work independently in nature and in function yet together…
Read More