PINANINIWALAANG inatake sa puso ang isang 68-anyos na beteranong mamamahayag at dyCM station manager na si Sam Costanilla.
Ayon sa ulat, napansin ng mga dumaraang mga bata na may nakasusulasok na amoy mula sa isang pulang Toyota Vios na nakaparada bandang alas-8:35 noong Linggo ng umaga sa Barangay Inayawan, Cebu City.
Nang buksan ang sasakyan, tumambad sa mga awtoridad ang wala nang buhay na mamamahayag na nasa driver side ng sasakyan.
Nang suriin ang CCTV ng Barangay Command Center, dakong alas-8:22 ng umaga noong Biyernes ay pumarada ang nasabing sasakyan sa harapan ng Annex Building ng Barangay Inayawan.
Napag-alaman na katatapos lang ni Costanilla sa kanyang programa.
Si Costanilla ay station manager ng dyCM Cebu, entertainment chief ng DotTV Nationwide at writer-director.
(TOTO NABAJA)
99 