TIMBOG sa mahigpit na pagbabantay ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P9.6-milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa karagatang sakop ng Barangay Manalipa sa lungsod ng Zamboanga. Sa ulat ng kawanihan, hagip ng mga nagpapatrolyang operatiba ng Enforcement and Security Service (ESS) ng Port of Zamboanga, kasama ang mga miyembro ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company “Seaborne” ang 275 master cases ng sigarilyong lulan ng bangkang markado ng pangalang “FB JAMAIKA” nito lamang nakaraang linggo. Sa paunang imbestigasyon ng BOC, naglalayag sa karagatan mula…
Read MoreAuthor: admin 2
Agri-smugglers bistado P124-M BOCHA, HAGIP SA MICP
KUMPISKADO sa mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P124-milyong halaga ng mga agricultural products na tinangkang ipuslit mula sa bansang China. Sa isang kalatas ng BOC, timbog ang dalawang kargamento base sa timbre ng isang impormante sa Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) ng BOC. Unang natimbog ng CIIS, kasama ang mga operatiba ng BOC Intelligence Group ang nasa P75-milyong halaga ng kontrabandong nakapangalan sa Daniry Consumer Goods Trading. Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na mga botyang pato at karneng manok ang laman ng kargamentong idineklarang “hot…
Read MoreBOC, FDA SANIB-PWERSA KONTRA PEKENG GAMOT
SANIB-PWERSA na ang Bureau of Customs (BOC) at Food and Drugs Administration (FDA) sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa pagpasok ng mga hindi rehistrado – kung hindi man pekeng gamot sa bansa. Sa isang pulong na ginanap sa Cagayan de Oro City kamakailan, binigyang diin ni Port of Cagayan de Oro District Collector Atty. Elvira Cruz ang kahalagahang masupil ang pagpasok ng mga gamot sa labas ng talaan ng mga kumpanya at tatak ng gamot na may kalakip na permiso at clearance mula sa FDA. Tinalakay rin…
Read MoreKUMPISKADONG GOMA PINULBOS
SA hangaring tiyaking ‘di na aabot pa sa merkado, tuluyan nang pinawasak ng Bureau of Customs (BOC) ang mga abandonado at kumpiskadong kargamentong naglalaman ng iba’t ibang sukat ng goma ng mga sasakyan. Sa kalatas ng BOC, ibiniyahe pa patungo sa Naga City sa lalawigan ng Cebu, kung saan giniling, pinulbos at ginamit na panggatong ang nasa 535 pirasong segunda-manong goma ng mga sasakyang nakatambak lang sa pasilidad ng Port of Iloilo. Ayon pa sa kawanihan, ginamit na panggatong sa pagpoproseso ng semento ang mga nasabat na second hand tires,…
Read MoreKita mula sa fuel marking program P453B PASOK SA BANGA
TUMATAGINTING na P453 bilyon na ang naitalang kita ng gobyerno mula nang simulang ipatupad ng Bureau of Customs (BOC) ang “Fuel Marking Program” na sadyang binalangkas sa hangaring sawatain ang oil smuggling sa bansa. Ayon mismo kay outgoing Finance Sec. Carlos Dominguez III, higit pa sa kontra-fuel smuggling ang bentahe ng naturang programa kasabay ng panawagan sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang naturang mekanismong magbibigay daan para pumasok ang higit na kinakailangang pondo sa gitna ng dinaranas na krisis sa ekonomiya ng bansa. Sa datos ng DOF, higit na…
Read MorePAGSASAAYOS NG RAILWAY SYSTEM IDINIGA SA DOTr
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga incoming Department of Transportation (DOTr) official na ipagpatuloy lamang ang pagsasaayos ng railway system sa bansa. Sa pagbubukas ng PNR Lucena-San Pablo Commuter Line, sinabi ni Pangulong Duterte na ang “championed programs” ng administrasyon ang nagpuno sa puwang sa transport sector. “Now, I urge DOTr, especially those who will be left behind, and those who will take over the mantle of leadership, to continue leading the improvement of our railway systems,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati. “It is my hope…
Read MoreAFP SPOX HINIRANG NA ACTING PSG CHIEF
ITINALAGA si Colonel Ramon Zagala, kasalukuyang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), upang pansamantalang mamuno sa Presidential Security Group (PSG). Tungkulin ng PSG na tiyaking ligtas si President-elect Ferdinand Marcos Jr. at pamilya nito. Sa ulat, sinabi ni Colonel Jorry Baclor, hepe ng AFP public affairs office (PAO), na wala pa silang natatanggap na kahit na anomang official appointment papers ni Zagala bagama’t kinumpirma nito na ang ‘eloquent military spokesperson’ ay sinabihan nang mag-report sa Malakanyang. “I have no official confirmation. What I know is [Zagala] was already…
Read MoreChina tutulong sa BBM admin KAPOS NA AGRI PRODUCTS, MAHAL NA BILIHIN TUTUGUNAN
(CHRISTIAN DALE) HANDA ang China na tulungan ang administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tugunan at harapin ang sumisirit na presyo ng mga pangunahing bilihin at ang kakapusan sa agricultural products. “China is also willing to do its best to help the new administration to effectively deal with the rising prices and shortage of agricultural production materials, and work together to face the uncertainties of the world,” ayon kay Ambassador Huang Xilian sa isang forum. Sinabi ni Huang kung paano ang economic recovery ng Pilipinas “demands a stronger…
Read MoreMga anak asiwa sa bodyguards ATTY. LIZA TRABAHO MUNA NG FIRST LADY AATUPAGIN – PBBM
(FERNAN ANGELES) SA nalalapit na panunumpa ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng bansa, kanya-kanyang diskarte ang maybahay at mga anak ng susunod na punong ehekutibo bilang sakripisyo sa pagiging bahagi ng First Family. Pagtatapat ni Marcos Jr. sa kanyang YouTube channel, nasa “transition process” pa ang kanyang pamilya, kasabay ng giit na hindi madali para sa kanyang asawang abogada – Atty. Liza Araneta-Marcos – na iwanan ang M & Associates, isang law firm na itinaguyod mismo ng bagong Unang Ginang ng bansa. “Malungkot, dahil ito’y alam…
Read More