PAGBO-BOOSTER SA EDAD 12-17 SUSPENDIDO

IPINAGPALIBAN ng national government ang pagbibigay ng kauna-unahang COVID-19 booster dose para sa non-immunocompromised children na may edad na 12 hanggang 17 bunsod ng ilang “glitches” sa Health Technology Assessment Council (HTAC). Ipinaliwanag ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje na ang HTAC ay gumawa ng kondisyon na ang healthy adolescents na may edad 12 hanggang 17 ay mabibigyan lamang ng kanilang booster shot kung ang booster coverage para sa senior citizens sa kani-kanilang lugar ay umabot sa 40%. “We were confident sana na…

Read More

ILANG LOCAL OFFICIALS NANUMPA NA SA HARAP NI GOVERNOR-ELECT DOKTORA HELEN TAN

NANUMPA na sa harap ni incoming Gov. Doktora Helen Tan ang ilang local officials na na­nalo sa nakalipas na May 9 polls sa lalawigan ng Quezon. Nabatid na isinagawa ang oath-taking ceremony ng mga nahalal na opisyal sa bayan ng Macalelon nitong Hunyo 23. Ang panunumpa ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan at maging ng mga hinirang na bagong alkalde at bise-alkalde ng macalelon, Mayor Artemio Mamburao at Vice Mayor Carmen Vidal, ay pinangunahan ni Gov. Tan. Ayon sa nakalap nating impormasyon, bago raw ang panunumpa ng mga opisyal, nagbigay…

Read More

Pancho Villa: Greatest Filipino Fighter of All-Time

NAGDIWANG ang buong bansa Hunyo 18, 1923 sa balitang pinatulog ng Pilipinong boksingero na si Pancho Villa si Jimmy Wilde ng Wales upang makuha ang pandaigdig na kampeonato at maging kauna-unahang Pilipino, at Asyano na naging world champion. Sumipol ang mga barko at lahat ng planta ay sumirena para ipahayag sa apat na sulok ng Pilipinas ang pagsulpot ng isang bagong kampeon na hindi Amerikano o European. Ubos lahat ang ekstrang edisyon ng mga pahayagan sa Kamaynilaan. Kaliwa’t kanan din ang panayam sa maybahay ni Pancho, si Gliceria y Concepcion…

Read More

PAG-UPA NG PHIL. NAVY NG P1-B KADA TAON SA DATING HANJIN SHIPYARD, BUSISIIN

PALAISIPAN sa mga nag-iisip kung bakit kailangang umupa ng isang bilyong piso (P1-B) kada taon ang Philippine Navy sa dating Hanjin Shipyard sa Subic na ngayon ay tinatawag ng Agila Shipyard. Ito Ang Totoo: Isang daang (100) hektarya ang uupahan ng Philippine Navy at ang natitirang dalawang-daang (200) hektarya ay uupahan naman ng Vectrus, Inc., isang Defense Contractor ng Estados Unidos (US). Dati kasi sa ilalim ng Hanjin, may 30,000 manggagawa ang na-empleyo sa paggawa ng mga dambuhalang barko, pero sa Vectrus, Inc., hindi pa masabi kung gaano karami at…

Read More

BI AT BOC COMMISSIONER SEAT, INAABANGAN

MAKAPIGIL hiningang ina-abangan ngayon na dinaig pa ang eksena sa walang kamatayang telenobela, ng mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Immigration (BI) na bago ang inagurasyon sa darating na June 30 ay posibleng ilalabas na kung sino sa mga aplikante sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mapalad na mapipiling commissioner ng ahensya na pagkakatiwalaan nina PBBM at incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez. Halos makumpleto na ang mga miyembro ng gabinete ni PBBM ngunit naiwan na lang sa masusing pinag-aaralang ang ­ilalagay sa…

Read More

MGA BARANGAY NAGBUNYI SA PAGKAKATALAGA KAY ES RODRIGUEZ

LUBHANG ikinagalak ng mga barangay official ang pagkakatalaga bilang executive secretary ni Atty. Vic Rodriguez dahil sa inisyatibo ng administrasyon na palakasin lalo ang mga lokal na pamahalaan. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, nais ng administrasyong Marcos na isailalim sa capacity-building training ang nasa 42,046 na mga barangay captain sa bansa upang higit nilang mapagsilbihan at mapamahalaan ang kanilang mga nasasakupan. Gayundin, nais ng susunod na administrasyon na dagdagan ang kanilang pondo upang mas mapabuti ang kanilang serbisyo para sa mga mamamayang Pilipino, lalong-lalo na sa panahon ng sakuna. “I…

Read More

HINDI LANG BASTA KAALYADO

KASABAY ng pagbaba sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30 ng kasalukuyang taon ang hudyat ng bagong liderato sa kumpas ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. sa bisa ng 31 milyong boto nitong nakaraang 2022 presidential election. Bagamat nakapagtalaga na si Marcos J. ng mga miyembro ng kanyang gabinete, mayroon pa rin ­namang mga tanggapang bakante. Sa 22 departamento, anim pa ang wala pang nominado – ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Health (DOH), Department of Science and Technology (DOST), Department of Environment and Natural Resources…

Read More

BIYAHENG SAN PABLO-LUCENA NG PNR BALIK-OPERASYON

BINUKSAN muli ng Philippine National Railways (PNR) ang ruta nitong San Pablo -Lucena matapos ang isang dekadang pagtigil. Ito ay bahagi ng proyekto ng PNR na mapalawak ang kanilang serbisyo sa mamamayan sa probinsya ng apat na munisipalidad at dalawang lungsod sa Laguna at Quezon. Mula sa dating isang oras na biyahe magiging 30 minuto na lamang ang lalakbayin sa pamamagitan ng muling operasyon ng nasabing ruta. May habang 44 kilometro at dalawang main station at apat na flag stops mula sa San Pablo City, Laguna hanggang Lucena City sa…

Read More

2 DAYUHAN, NASAWI SA BATANGAS

MAGKASUNOD na pumanaw ang dalawang dayuhan sa lalawigan ng Batangas nitong Sabado. Unang nasawi ang American Citizen na si Jeffrey Wagner, 60-anyos, pansamantalang naninirahan sa Barangay Bagtas, Tanza, Cavite, habang ito ay sakay sa isang fishing banca na naglalayag mula sa General Santos City patungo sa Calatagan, Batangas. Ayon sa report ng pulisya, bandang alas-8:00 ng umaga, nasa karagatan sa bayan ng Lemery, Batangas ang vessel nang makaramdam umano ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga ang biktima at humingi ng inuming tubig. Pero ayon sa bayaw ng biktima,…

Read More