MABABALOT ng dilim ang mga probinsya ng Mindoro kapag hindi tinulungan ng National Power Corporation (NPC) at Energy Regulatory Commission (ERC) at hindi ilabas ang fuel subsidy sa nasabing mga probinsya. Ayon kay House Deputy Minority Leader Carlos Zarate, nakararanas na ng black-out ang Occidental Mindoro ngayon at posibleng magaya rito ang Oriental Mindoro kapag hindi agad kumilos ang nabanggit na mga ahensya. “The power situation of the two provinces are the same; the only difference is that the power providers in Oriental Mindoro has not shut down yet but if…
Read MoreAuthor: admin 2
RE-ROUTING SA INAGURASYON NI PBBM PINASIMULAN NA
INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine National Police na pinasimulan na nila kahapon ng umaga ang implementasyon ng rerouting scheme bilang paghahanda sa inauguration ni President-elect Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos Jr. sa Hunyo 30, 2022 na bahagi ng inilatag na security plan. Bahagi sa pagtiyak na magiging maayos ang makasaysayang panunumpa sa tungkulin ni PBBM bilang ika-17 Pangulo ng bansa, ay sinimulan nang isara nitong Linggo ang ilang kalsada sa paligid ng National Museum sa lungsod ng Maynila gayundin ang Padre Burgos Avenue na nasa harapan ng pambansang museo. Kasabay ring…
Read MorePAGPAPALAKAS SA HEALTHCARE SYSTEM IGINIIT NI SEN. GO
BINIGYANG-DIIN ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go ang kahalagahan ng pagpapalakas ng healthcare system ng bansa, kasabay nang pagpuri sa ginawang pag-upgrade sa mga lokal na pagamutan sa lalawigan ng Iloilo. Birtwal na dumalo si Sen. Go sa inagurasyon ng Western Visayas Sanitarium and General Hospital (WVSGH) sa Santa Barbara at Don Jose S. Monfort Medical Center sa Barotac Nuevo (DJSMMC), kapwa sa lalawigan ng Iloilo. Sa kanyang video message, sinabi ni Go na, “Ipinaglaban po natin ito sa Senado dahil alam ko kung gaano ninyo kailangan ito. Sabi ko nga,…
Read MoreCALOOCAN BJMP, BARANGAY TINURUANG MAGTANIM
MATAPOS ang mga pulis, mga miyembro naman ng Bureau of Jail Management and Penology at mga barangay sa Lungsod ng Caloocan ang sumailalim sa urban agriculture seminar. Sa pangunguna ng mga kawani ng People’s Law Enforcement Board at Caloocan City Parks and Administration Services, binigyan ng kaalaman ang mga dumalo hinggil sa tamang proseso ng pagtatanim maging sa siyudad. Layunin ng programang ito na patuloy na itaguyod ang urban agriculture project sa Lungsod ng Caloocan na malaki ang maitutulong sa kabuhayan at pagkain ng mamamayan. Noong 2020 ay lumagda si Mayor…
Read MoreMAGDYOWA TIKLO SA P.7-M DROGA, ARMAS
IBINALIBAG sa magkahiwalay na selda ang sinasabing magdyowang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng halos P.7 milyong halaga ng shabu at baril sa buy-bust operation sa Caloocan City. Arestado sina Raymond Ejara, 36, at Arlene Gaspang, 24, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, habang may karagdagang kasong illegal possession of firearms and ammunition laban kay Ejara. Bandang alas-1:30 ng gabi noong Biyernes nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa Phase 8B, Kaagapay Road, Barangay 176 kung saan isang undercover ang nakaiskor ng P37,500…
Read MoreWANTED SA ATTEMPTED MURDER ARESTADO
HUMANTONG sa karsel ang isang babaeng wanted sa kasong attempted murder nang inguso sa Navotas City. Ibinalibag sa selda si Mirasol Carabio, 34, may asawa, ng Brgy. North Bay Boulevard North, ng lungsod. Napag-alaman, may nagnguso sa mga parak na naispatan si Carabio sa kanilang lugar kaya nagsagawa ang mga pulis ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanilang bahay dakong ala-1:05 ng hapon noong Biyernes. Hinuli si Carabio sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Emmanuel D. Laurea ng Regional Trial Court Branch 169,…
Read MoreDRUG DEN SINALAKAY NG PDEA, 3 ARESTADO
PAMPANGA – Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang drug den sa ikinasang anti-narcotics operation sa Mabalacat City sa lalawigang ito, na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong kalalakihan na naaktuhang nag-iingat at gumagamit ng ilegal na droga. Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, matapos ang ilang araw na pagmamanman ay ikinasa ng PDEA Regional Office 3 ang buy-bust operation at pagsalakay sa isang makeshift drug den sa 19th Street, Barangay Dau. Ayon kay PDEA RO3 Regional Director Brian Babang, naaktuhan nila ang arestadong mga suspek…
Read MoreKAMPANYA VS DENGUE PINAIGTING SA BULACAN
LUNGSOD NG MALOLOS – Dahil sa banta ng dengue lalo na ngayong panahon ng tag-ulan, ipinag-utos ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang agaran at pinaigting na mga hakbang sa pag-iwas laban sa dengue sa pangunguna ng Provincial Health Office-Public Health (PHO-PH). Ito ang direktiba ng gobernador sa ginanap na online meeting na tinawag na “Collaborative Efforts for the Dengue and Prevention Control” kamakailan. Sa panayam kay Fernando, sinabi nito na regular dapat ang isinasagawa ang fogging/spraying at ang masidhing pagbabantay sa apektadong mga lugar. “Ang ating layunin ay babaan ang…
Read MoreNPA NAPATAY SA SAGUPAAN SA SURIGAO DEL SUR
CARMEN, Surigao del Sur – Patay ang isang kasapi ng New People’s Army kasunod ng naganap na engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng 36th Infantry (Valor) Battalion ng Philippine Army at teroristang grupo sa kabundukan ng Lahi, Bagsac, sa bayan ng Madrid, sa lalawigang ito. Sa naturang engkwentro ay nakasagupa ng 36IB ang tinatayang 12 CPP-NPA kadre na pinamumunuan ni Noel Tumarlas Alacre. Una rito, nakatangap ng intelligence information ang mga sundalo sa ilang residente hinggil sa presensiya ng mga armadong NPA. Naglunsad agad ng combat patrol operation ang…
Read More