UAAP Season 84 women’s volleyball PAGTATAPOS NG ELIMINASYON

ITATAKDA ng National University ang magiging direksyon ng Final Four ngayon (Huwebes) sa huling elimination day ng UAAP Season 84 women’s volley­ball tournament sa Mall of Asia Arena. Nakadepende ang magiging placing ng Final Four sa resulta ng salpukan ng NU at University of Santos Tomas sa ganap na alas-4:00 ng hapon. Una rito, maglalaban sa unang game sa alas-10:00 ng umaga ang kapwa eliminated nang University of the East at Far Eastern University. Susundan ito ng tapatan ng Adamson University at De La Salle University 12:30 ng tanghali. At…

Read More

PAGKATALO TANGGAP NI DONAIRE

MAGAANG na tinanggap ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang pagkatalo kay ­Japanese Naoya “Monster” ­Inoue, Martes ng gabi sa Saitama, Japan. Dalawang beses bumagsak ang 39-anyos na si Donaire, isa sa opening round, isa sa second, tungo sa technical knockout loss ng kanilang bantamweight unification rematch. “It is what it is,” lahad ni Donaire, recipient ng 2011 Fighter of the Year at 2018 BWAA Good Guy Award. “I’m very grateful that I’m healthy.” Idinagdag ni Inoue sa kanyang dalawang korona (WBA at IBF) ang WBC belt ni Donaire. Inamin…

Read More

SEAG GOLD MEDALIST BIKTIMA NG PULITIKA?

SUMAMBULAT sa galit ang ina ni swimmer Chloe Kennedy Anne Isleta, makaraang alisin ang 200-meter backstroke gold medalist sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa listahan ng mga sasabak sa FINA World Championships sa Budapest. Himutok ni Cecille Doromal Waller, simula nang ang kanyang anak na si Isleta ay naging ­miyembro ng Philippine Swimming Incorporated (PSI) noong 2015, hindi ito nakakuha ng allowance mula sa national sports agency. Kaya galit sa social media post niya: “My daughter has been with PSI since 2015!!! Up to now, ni singkong…

Read More

2 HVIs NALAMBAT SA BUY-BUST

CAVITE – Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ang arestado at nakumpiskahan ng P178,200 halaga ng umano’y shabu at marijuana sa buy-bust operation sa Trece Martires City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 ang mga suspek na sina Eduardo Baelo, at John Eric Velasquez, kapwa ng Trece Martires City, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Wilfredo Villanueva Jr., ng Trece Martires City Police, dakong alas-12:05 madaling araw, nagsagawa ng…

Read More

3 HULI SA ARMAS, DROGA SA RIZAL

RIZAL – Huli ang tatlong umano’y tulak ng droga na nakumpiskahan din ng granada at baril sa anti-illegal drugs operation ng mga awtoridad sa bayan ng Cainta sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU), kinilala ang mga nadakip na sina Alex Almujela y Escalona, Michael Viterbo y Gamboa, at Adriel Ballesteros y Andalus, pawang ng Brgy. San Andres ng nabanggit na bayan. Napag-alaman, dakong alas-7:25 ng gabi noong Hunyo 7, nagsagawa ng buy-bust operation ang grupo ni P/Lt. Jackson Aguyen ng…

Read More

3 PATAY SA HUKAY SA MULANAY

patay

QUEZON – Tatlong construction workers ang namatay nang ma-suffocate sa ilalim ng lupa na kanilang hinuhukay sa isang bridge project sa bayan ng Mulanay sa lalawigang ito, noong Lunes. Batay sa report ng Quezon PNP noong Martes, kinilala ang mga namatay na sina Jesus Largo III, 19; Mac Mac Valenzuela, 18, at Sandy Azuelo Basillo, 27, mga residente ng Labo at Paracale, Camarines Norte. Ayon sa imbestigasyon, naghuhukay ng paglalagyan ng poste ng tulay na proyekto ng Philippine Rural Development Project (PRDP), ang pitong manggagawa kasama ang tatlong biktima sa Sitio Sampiro,…

Read More

30 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA SUNOG

HINIHINALANG ilegal na koneksyon sa kuryente ang dahilan ng pagkatupok sa ilang kabahayan naging dahilan upang mawalan ng tirahan ang 30 pamilya sa Parola Compound, Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw. Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa inukupang bahay ng isang Luis Acosta. Nabatid mula kay SFO1 Maria Concepcion de Jesus, nagsimula ang sunog bandang alas-2:21 ng madaling araw na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire-out ng dakong alas-3:58 ng madaling araw. Wala namang iniulat na namatay…

Read More

CRIME GROUP MEMBER, NAKORNER NG CIDG

ARESTADO ang isang umano’y miyembro ng Andaya criminal group matapos bentahan ng baril at alukin pa ng granada ang isang pulis sa isinagawang gun buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Jun Lemana alyas “Bay”, 39, vendor, ng Maligaya Street, Parkland, Brgy. 177 ng lungsod. Ayon sa ulat, nakatanggap ang CIDG-RGU-NCR ng impormasyon na nagpapanggap ang suspek na aktibong tauhan ng AFP at nagbebenta ng baril sa northern part ng Metro Manila na naging dahilan upang isailalim siya sa validation. Nang…

Read More

3 TIMBOG SA ILLEGAL E-SABONG SA TONDO

ARESTADO ang tatlo katao sa ikinasang entrapment operation ng magkasanib na puwersa ng Manila Police District at Criminal Investigation and Detection Group sa sinasabing lugar ng e-sabong sa Tondo, Manila. Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 in relation to Republic Act 10175 (illegal e-sabong operation) sina Melvin Isip y Banal, 25, maintainer; Mark Jorge Reyes , 27, cashier, at Archie Balmes y Figueroa, kubrador, pawang ng Tondo, Manila. Batay sa ulat ng MPD Station 1, katuwang ang mga operatiba ng CIDG, sinalakay nila ang isang bahay sa…

Read More