Sa Valenzuela City FIRST-TIME BIKE LANE VIOLATORS PALULUSUTIN

BIBIGYAN ng one-time amnesty ang mga residente ng Valenzuela City na first-time violators sa bike lane ordinance ng lungsod. Ang mga residenteng may paglabag sa ordinansa na nahuli sa ‘no contact apprehension’ mula Enero 3 hanggang Mayo 23 ngayong taon lamang maaaring mag-apply para sa nasabing amnestiya. Kailangang sagutan ang Bike Lane Amnesty Application Form at ipasa sa Valenzuela City Traffic Violation Adjudication Committee (VCTVAC), at dapat magpakita ng dalawang valid government-issued ID bilang katunayan na residente ng lungsod. Kailangan ding ipasa ang photocopy ng Land Transportation Office Official Receipt…

Read More

3 BATA PATAY SA QC FIRE

patay

PATAY ang tatlong batang magkakapatid nang masunog ang isang bahay sa Kaliraya, Barangay Tatalon, Quezon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga biktimang sina Princess del Rosario, 9-anyos; Renemae, 8-anyos, at Alvin, 4-anyos. Hindi umano nakalabas ng kanilang kuwatro ang mga biktima dahil hindi nagising sa mahimbing na pagkakatulog. Natagpuan ang kanilang mga labi sa ikatlong palapag ng bahay kung saan sinasabing nagsimula ang apoy. Sugatan din ang kanilang stepfather na si Bayani Alemagno at ang misis nito na dinala na sa East Avenue Medical Center. Nailigtas naman ang…

Read More

MIYEMBRO NG SINDIKATO NALAMBAT NG PNP-CIDG

ARESTADO ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group –Regional Field Unit –NCR ang no. 17 most wanted person ng Manila Police District (district level) dahil sa kasong attempted homicide at paglabag sa RA 10591 in relation Omnibus Election Code (gun ban) sa Pampanga St., Gagalangin, Tondo, Manila noong Sabado. Ayon sa ulat na isinumite CIDG-RFU-NCR Director Police Colonel Randy  Glenn Silvio kay PNP-CIDG chief, Police Maj. General Eliseo  DC Cruz, kinilala ang suspek na si Catalino de Guzman y Bunag, nadakip sa CIDG Flagship project OPLAN Pagtugis, Salikop, at Paglalansag…

Read More

RBank raises funds to help scholars’ education through its mobile app

As Robinsons Bank celebrates its 25th anniversary in the industry, it will be giving back to the community, particularly to help fund the education of scholars. Through this donation, RBank aims to do its part in building a better and brighter future for Filipino children. Be part of this great cause when you use RBank Digital for your banking transactions! For every transaction such as when you use the PesoNet, RBank Remit, QuickR and Bills Payment facility, RBank will be donating Php 0.50 to the scholarship fund, which will be…

Read More

PBBM IWE-WELCOME NI DUTERTE SA PALASYO

TINIYAK ng Malakanyang na mainit na iwe-welcome ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang susunod na Pangulo ng Republika at papalit sa kanya sa puwesto sa katauhan ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. Sinabi ni Acting Presidential spokesperson Secretary Martin Andanar, bahagi ito ng tradisyon sa pagpapalit ng liderato ng bansa. Masusunod din aniya sa pagkakataong ito ang nasabing tradisyon at protocol gaya sa mga nakaraang pagpapalit ng liderato ng bansa. Samantala, wala pang abiso kung magkikita sina Duterte at Marcos Jr. bago ang Hunyo 30. “Wala pa naming sinasabi. We will…

Read More

BICAM REPORT SA WASTE PLASTIC MANAGEMENT NIRATIPIKAHAN NG SENADO

NIRATIPIKAHAN ng Senado noong Lunes ang bicameral conference committee report sa magkakasalungat na probisyon ng bills na nagtatakda sa mekanismo ng extended producers’ responsibility (EPR) sa waste plastic packaging. Sa Senate plenary session,  isinulong ni Sen. Cynthia A. Villar, chairperson ng Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change, ang ratification ng report sa Senate Bill No. 2425 at House Bill No. 10696. Sinabi ni Villar na sa ilalim ng bill, gagawing institusyunado ang EPR bilang practical policy approach sa mas epektibong waste management. “The proposed legislation focuses on waste…

Read More

MGA PINOY SA SRI LANKA WALA PANG REPAT REQUESTS

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na karamihan sa mga Pilipino sa Sri Lanka ay patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng economic crisis doon. Gayunman, patuloy na minomonitor ng ahensiya ang sitwasyon at nananatiling handa para ilikas sakali at hilingin ng OFWs. “All parties are monitoring if any Filipino worker in Sri Lanka will request repatriation. So far, both the Philippine Embassy in Dhaka and the Honorary Consulate in Colombo have not received any such request,” ayon sa kalatas ng DFA. “For now, most of the OFWs (overseas Filipino…

Read More

MOST WANTED SA RAPE TIMBOG

LAGUNA – Arestado sa manhunt operation ang isang construction worker na kabilang sa most wanted persons (MWPs) dahil sa kasong panggagahasa sa isang menor de edad. Kinilala ni P/Col. Cecilio R. Ison Jr. ang suspek na si Rodrigo Capiral Matalab, 54-anyos, residente ng Sta. Rosa City, Laguna. Inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Sta. Rosa City Police Station (CPS) kahapon ng umaga sa bahay nito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 102 at 101 sa Sta. Rosa City, Laguna dahil sa panggagahasa…

Read More

SNATCHER KINUYOG NG MGA TAMBAY

CAVITE – Hindi nakaporma ang isang 31-anyos na rider nang kuwelyuhan at bitbitin sa police station ng mga tambay matapos na hablutin ang sling bag ng isang babae na nagmamaneho ng kanyang electric motorcycle sa Imus City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Nahaharap sa kasong theft thru snatching ang suspek na si Christian Pagente ng Alapan 1-A, Imus City dahil sa reklamo ni Maria Claudia Leaban, 33-anyos. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Roy Vincent Villanueva ng Imus City Police station, sakay ang biktima ng kanyang electric bicycle habang binabagtas ang…

Read More