2 BIGTIME DRUG DEALER TIKLO SA P20-M SHABU

UMABOT sa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at local police sa ikinasang anti-narcotics operation sa Nueva Ecija. Ayon sa ulat na ibinahagi ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, dalawang babaeng sinasabing kapwa bigtime drug dealers mula sa Cavite, ang nahulihan ng tatlong kilo ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa isang subdivision sa Barangay Sumacab Este, Cabanatuan City. Nabatid mula kay Nueva Ecija Police Provincial Director, P/Col. Jess Mendez, limang beses na umurong ang mga suspek sa transaksyon…

Read More

9 NPA SUMUKO SA ALBAY9 NPA SUMUKO SA ALBAY

SIYAM na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang tumiwalag sa kilusan at sumuko sa Army sa Albay. Bukas-palad na tinanggap ng 49th Infantry (GOOD SAMARITANS) Battalion ang pormal na pagbabalik-loob at boluntaryong pagsuko ng siyam na regular na miyembro ng Communist NPA Terrorist (CNT), pagtiwalag at pagbawi ng suporta ng 12 miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) sa isinagawang “Presentation of Former Rebels and Turn Over Ceremony” sa Barangay Tastas, Ligao City, Albay, noong Abril 5. Sa nasabing seremonya, kasabay na isinuko ang mga baril kabilang na…

Read More

71 VIOLATORS, 65 BARIL HULI NG PNP-PRO5 SA GUN BAN

UMABOT sa 71 gun ban violators ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5, habang 65 iba’t ibang uri ng baril ang nakumpiska sa mahigpit na pagpapatupad ng total gun ban sa joint PNP-COMELEC checkpoint. Sa naitalang 65 insidente, ang lalawigan ng Masbate ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang na umabot sa 23, sinundan ng Camarines Sur na may 13; habang 10 sa Sorsogon; siyam sa Albay; walo sa Camarines Norte Norte; dalawa sa Naga habang wala namang naitala sa Catanduanes. Ayon sa datos ng PNP-PRO5 na ibinahagi ni Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo,…

Read More

Nagnakaw sa operasyon sa Pampanga 8 PNP-CIDG COPS SISIBAKIN

WALONG tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Anti-Organized Crime Unit ang ipinasisibak sa serbisyo matapos ang isinagawang preliminary investigation hinggil sa umano’y pagnanakaw sa kanilang ikinasang police operation sa Angeles City, Pampanga Inirekomenda ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) kay PNP chief, General Dionardo Carlos na sibakin sa serbisyo ang walong pulis na miyembro ng PNP-CIDG dahil sa kasong robbery sa Angeles City noong Enero. Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, lumabas sa inisyal na pagsisiyasat na hindi legal ang buy-bust operation na isinagawa ng walong…

Read More

2 KINASUHAN SA ILLEGAL ONLINE SABONG

BINITBIT ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District ang dalawa sa anim na nahuli sa illegal online sabong sa Sta. Cruz, Manila, iniulat ng pulisya. Sinasabing pinakawalan ang apat na tumataya sa online sabong at dalawa ang kinasuhan na kinilalang sina Armi Ray Gavino, 18, teller, at John Paul Castillo, 21, kahero. Batay sa ulat ni P/Major Cicero Pura, hepe ng DSOU, bandang 8:30 ng gabi nang salakayin ang online sabong sa Pedro Guevarra St., malapit sa Sulu St. sa Sta. Cruz, Manila. Nauna rito,…

Read More

SMUGGLED GULAY SA DIVISORIA, KINUMPISKA

KINUMPISKA ng Sub-Task Group on Economic Intelligence (STG EI), sa pangunguna ng Department of Agriculture-Bureau of Plant and Industry (DA-BPI), ang 46 boxes ng smuggled carrots at broccoli vegetables na ibinebenta sa Divisoria Market sa CM Recto Avenue, Divisoria, Manila noong Abril 4, 2022. Ang task group ay binubuo ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs (BOC), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) – na nagsagawa ng inspeksyon sa mahigit 300 stalls, na pawang nakalagay…

Read More

POLICE POWER HIRIT NG DA KONTRA AGRI SMUGGLERS

NAIS ng Department of Agriculture (DA) na mabigyan ng police power para magawang arestuhin at kasuhan ang mga smuggler sa bansa, ito man ay technical o outright. Iginiit ni Agriculture Undersecretary Fermin Dantes Adriano na limitado ang kanilang kapangyarihan sa ilalim ng batas at umaasa lamang sila sa Bureau of Customs (BOC). “Kung gusto niyo magkaroon ng ngipin ang departamento laban sa smuggling, bigyan po natin ng kapangyarihan, ng mandato, na makapag-file, apprehend, and file cases against smugglers. Pero sa ngayon po sa batas, wala pong magagawa ang DA, kundi…

Read More

ONE FILIPINO WORLDWIDE (OFW) NANINDIGAN SA DAGDAG-SAHOD

NANINDIGAN ang One Filipino Worldwide (OFW) Party-list sa anomang panukalang dagdag-sahod para sa mga manggagawa sanhi ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo ang produktong petrolyo. Ayon kay OFW Party-list 2nd Nominee Jerenato Alfante, hindi biro ang presyo ng mga bilihin sa kasalukuyan lalo na’t lubhang apektado ang lahat ng sektor. Tinukoy ni Alfante na bilang bahagi o galing siya sa economic zone ay aminado siyang kaya namang taasan o dagdagan ang sahod ng bawat manggagawa. Ngunit kailangang isaalang-alang aniya kung mataas ang produksyon o demand at…

Read More

CA JUSTICE INIREKLAMO SA SC

IPINAGHARAP ng kasong administratibo sa Korte Suprema si Court of Appeals (CA) Associate Justice Apolinario Bruselas Jr. dahil umano sa gross inefficiency nito matapos lumagpas sa reglementary period na itinakda sa Rules of Court bago ito magpalabas ng desisyon sa isang Writ of Habeas Corpus petition. Sa 16 pahinang reklamo ni Pharmally Secretary Mohit Dargani sa SC-Judicial Integrity Board, sinabi nito na malinaw na nilalabag ni Bruselas, bilang Presiding Justice ng CA 5th Division, ang New Code of Judicial Conduct for the Philippine Judiciary dahil sa kawalang aksyon sa isang…

Read More