Mula sa hanay ng pulisya at militar RETIRED JUNIOR OFFICERS SUPORTADO RIN SI BBM

bbm

WALA pang isang buwan matapos magpahayag ng suporta ang mga dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga hepe ng Philippine National Police (PNP), gayundin ang mga retired generals, aabot naman sa 500 retiradong pulis, sundalo at marines ang nagpahayag na rin ng suporta sa kandidatura ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. “Kaming mga retiradong sundalo, pulis at bantay-dagat na naghain ng aming talino at kung kakailanganin ang aming buhay bilang sergeant majors, police executive senior police officers, master CPO of the Coast Guard…

Read More

Napahiya sa mismong balwarte ISKO INISNAB NI DIGONG

HARAPANG napahiya si Isko Moreno nang hindi pansinin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkikita ng dalawa sa inauguration ng Intramuros-Binondo Bridge sa lungsod ng Maynila nitong nakalipas na Martes. Sa talumpati ni Isko, dalawang ulit nitong binanggit ang pangalan ni Duterte, ngunit kahit tango ay walang tugon ang Pangulo. “Parang walang nakita si PRRD, parang walang narinig. Pahiyang-pahiya si Isko kasi ang yabang niyang sobra dahil akala niya makakapag-usap sila ni Digong,” anang isang Filipino-Chinese businessman na nakasaksi sa pangyayari. Kahit ilang pulis-Maynila ay napansin din ang pang-iisnab ni Duterte…

Read More

Malaking kalamangan napanatili sa Laylo at Pulse Asia survey BONGBONG NUMBER 1 PA RIN

ISANG buwan na lang bago ang inaabangang May 9 national elections, nananatiling mataas ang ratings ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa pinakahuling resulta ng survey na isinagawa ng Laylo Research nitong nakalipas na Marso 15-22. Ang nasabing survey ay ginawa sa loob ng isang linggo at may kabuuang bilang na 3,000 respondents. Base sa resulta ng survey, si Marcos ay nakakuha ng 61%, malayong hindi hamak sa 19% na nakuha ni Robredo. May diperensya itong 42% na imposibleng maabutan pa, lalo’t 32 araw na lamang ang nalalabi para…

Read More

RIDING IN TANDEM TODAS SA OPLAN SITA

RIZAL – Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek (riding in tandem) na napatay sa engkwentro nang tumakas sa “Oplan Sita” sa bayan ng Angono sa lalawigang ito. Ayon kay Angono PNP Chief of Police, P/Lt. Col. Ferdinand Ancheta, dakong ala-1:00 ng madaling araw nitong Miyerkoles, tumakas sa checkpoint ang mga suspek habang sakay ng motorsiklo sa Brgy. Mahabang Parang sa Angono. Nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga awtoridad at dalawang suspek hanggang sa makarating sa bahagi ng Quarry Road, sa Binangonan, Rizal. Dito sumemplang ang…

Read More

MAG-INA PINAGTATAGA, AMOK LAGLAG SA PNP-PRO5

HAWAK na ng PNP-Police Regional Office 5 ang magsasakang sumaksak at nanaga sa mag-ina sa San Pascual, Masbate makaraang mahuli ng mga tauhan ni Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo. Ayon kay P/Major Malou Calubaquib, sa utos ni General Estomo, agad nadakip ng mga operatiba mula sa San Pascual MPS ang naghuramentadong si Felipe Rosaciña y Cuyos, 58-anyos na magsasaka ng Brgy. Ki-Romero, San Pascual, Masbate. Mabilis na nagresponde ang mga pulis kasunod ng ulat na kanilang natanggap hinggil sa pananaga at pananaksak sa mag-inang sina Praxedio Rosales y Olinares,…

Read More

Mga nabiktima pinalulutang 6 CALOOCAN COPS IBABAON SA KASO

NINJA COPS

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police chief, P/General Dionardo Carlos sa PNP-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) na imbestigahan ang background at posibleng mga kasong kinasasangkutan ng anim na pulis Caloocan na sinibak at inilagay sa restrictive custody dahil sa kasong pagnanakaw sa isang padre de pamilya. Kasabay nito, nanawagan si Gen. Carlos sa iba pang mga biktima ng anim na pulis Caloocan na sinasabing sangkot sa pagnanakaw, na makipag-cooperate sa mga awtoridad. Ayon kay PNP Public Affairs Office chief, P/BGen. Roderick Augustus Alba, nasa restrictive custody na ngayon ang anim…

Read More

BASBAS NI LENI ‘DI SAPAT PARA MANALO SI BELMONTE – DEFENSOR

PARA kay Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor, hindi sapat ang alyansa nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Vice President Leni Robredo para talunin siya sa nalalapit na halalan sa Mayo. Katwiran ni Defensor, inaasahan niyang babasbasan ni Robredo ang nakaupong alkalde ng lungsod na puntirya niyang pamunuan kapalit ni Belmonte, kasabay ng pahayag na matagal na nilang napaghandaan ang naturang eksena sa lokal na antas ng pulitika. Giit pa niya, walang epekto ang anunsyong alyansa sa pagitan nina Robredo at Belmonte. “We expected their alliance from the start…

Read More

Sotto tumaas— RPMD survey DUTERTE NANGUNA SA VP RACE

SA pinakahuling nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc., lumitaw na si Mayor Sara Duterte-Carpio pa rin ang nananatiling nangunguna sa pagka-bise presidente, samantalang ang pumapangalawa na si Senate President Tito Sotto ay umangat naman ng anim na porsyento kung ang halalan ay gaganapin sa pagitan ng Marso 15 at 22. Sa nakaraang survey na isinagawa ng parehong kumpanya mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 28, lumitaw na bumaba ang “voters preference” ni Duterte-Carpio ng apat na puntos, mula 58 porsyento hanggang 54 porsiyento, ayon sa isang survey na inilabas…

Read More

ONLINE SELLER TIKLO SA P86K PEKENG YOSI

ARESTADO sa entrapment operation ang isang babaeng online seller makaraang makumpiskahan ng P86,000 halaga ng pekeng sigarilyo sa Navotas City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Rights of the Philippines ang suspek na si Olivia Olarte, 44, online seller, ng Brgy. Daanghari, ng lungsod. Isinagawa ng mga pulis ang operasyon kasama si Phillip Morris Fortune Tobacco Corporation (PMFTC) Illicit Trade Prevention executive Solomon P. Dador Jr., sa panulukan ng M. Naval at Daanghari Streets, Brgy. Daanghari dakong las-9:30 ng gabi noong Abril 4 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.…

Read More