ARESTADO sa mga ahente ng National Bureau of Investigation-Special Task Force (NBI-STF) ang dalawang indibidwal na sangkot umano sa online investment scam, sa entrapment operation sa Lipa City, Batangas. Kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang mga suspek na sina Yron Recodo at Katrina Oloteo, kapwa taga-Hacienda Nirvana na ino-operate ng Arcadia Prime Development Corporation, na ang opisina ay nasa RDC Plaza, Ayala Highway, Barangay Balintawak, Lipa, Batangas. Ayon kay Distor, isa sa mga mino-monitor at under cyber surveillance ang Nirvana. Noong Marso 31, pinuntahan ng NBI-STF agents at poseur…
Read MoreAuthor: admin 2
BBM UNBEATABLE PA RIN; LENI MALABO NANG MAKAHABOL—PULSE ASIA
INIHAYAG ni Pulse Asia Research Director, Ana Tabunda nitong Miyerkoles na nananatiling dominado ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang malaking kalamangan sa presidential race sa kabila ng bahagyang pagbaba ng kanyang bilang at maliwanag na hindi nito naapektuhan ang kanyang tsansa para magwagi sa darating na halalan sa Mayo 9. “His (Marcos) decline in is not significant nationwide,” ayon kay Tabunda sa panayam sa ANC News Channel, kasabay ng pahayag na malinaw na hindi naapektuhan si Marcos sa mga ibinabatong isyu sa kanya. Idinagdag pa ni Tabunda na…
Read MoreKARAHASANG AYAW PATINAG
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO TALIWAS sa paniwala ng mga kawani ng Bureau of Customs, hindi pa rin pala ganap na ligtas ang kanilang hanay sa banta ng mga kriminal makaraang dakpin ng pulisya ang isang suspek na pinaniniwalaang sangkot sa serye ng pamamaslang sa mga opisyal at empleyado ng naturang ahensya ng pamahalaan. Sa pagsambulat ng balitang pananambang sa isang 3-anyos na abogado mula sa internal and prosecution division, na nangangasiwa sa pagsisiyasat at pagsasampa ng kaso laban sa mga tiwali sa loob ng kawanihan, malinaw na hindi…
Read MoreDIVI NIGHT MARKET SINALAKAY, SMUGGLED NA GULAY NAHAGIP
Sa kabila pa ng mas mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Customs (BOC) sa mga daungan ng mga kalakal, patuloy pa rin ang bentahan ng mga smuggled na gulay sa mga pamilihan, kabilang ang Divisoria Night Market sa Maynila kung saan kahon-kahong smuggled carrots at broccoli ang nasabat nito lamang Lunes ng gabi. Kasama ang mga tauhan ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI), ikinasa ang pagpapatrolya sa mga lugar na pinaniniwalaang laganap pa rin ang bentahan ng mga gulay na ipinuslit sa bansa mula…
Read MoreQ1 COLLECTION TARGET, MANING-MANI SA MICP
SA kabila pa ng sumpunging klima ng ekonomiya, walang kahirap-hirap na nalagpasan ng Manila International Container Port (MICP) ng Bureau of Customs (BOC) ang itinakdang target collection para sa unang sangkapat (quarter) ng kasalukuyang taon. Sa datos na inilabas ng tanggapan ng kawanihan, lumalabas na nakalikom ng tumataginting na P16.3 bilyong pondo ang MICP para sa buwan pa lang ng Marso 2022 – pinakamataas sa kasaysayan ng nasabing tanggapan ng kawanihan. Ayon kay MICP District Collector Romeo Allan Rosales, higit pa sa buwanang target, lumabis pa sa kanilang P40.7-bilyong quarterly…
Read MoreREVENUE PARTNERS SA CLARK, KINILALA
BUKOD sa masigabong palakpakan, isang makabuluhang pagkilala ang iginawad kamakailan ng Bureau of Customs – Port of Clark sa limang pribadong kumpanya para sa kanilang natatanging kontribusyon sa larangan ng kalakalan sa bansa. Kabilang sa pinarangalan bilang katuwang ng pamahalaan sa ginanap na Annual Recognition of Partners and Top Revenue Contributors for 2021 Yokohama Tire Philippines, Inc., PTT Philippines Corporation, Viskase Asia Pacific Corporation, Federal Express Pacific, LLC at ang United Parcel Service, Inc. Pasok din sa kategorya ang mga katuwang na ahensya ng kawanihan – ang Clark Development Corporation…
Read MoreRecord-breaking BOC collection P70.72B BUWIS PASOK SA BUWAN NG MARSO
TUMATAGINTING na P70.72 bilyong pondo ang ipinasok ng Bureau of Customs (BOC) para lang sa buwan ng Marso bunsod ng mas masiglang kalakalang kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento. Sa tala ng BOC, lumalabas na higit na mataas ang nalikom na pondo nitong nakaraang Marso mula sa buwis at taripang kalakip ng mga kargamento kumpara sa itinakdang P57.69 bilyong target para sa naturang buwan – katumbas ng 22.6% na labis sa koleksyon. “The BOC posted a surplus of P13.037 billion or 22.6% higher than its target, and remarkably,…
Read MoreBOC LAWYER INAMBUSH SA PASAY
MAKARAANG dakpin ang isang suspek na pinaniniwalaang sangkot sa serye ng pananambang sa mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BOC), isa na namang kawani ng nasabing ahensya ang tinambangan nito lamang Lunes ng gabi sa kahabaan ng Macapagal Boulevard sa Pasay City. Kinilala ang biktimang si Atty. Joseph Samuel Zapata ng BOC internal and prosecution division, na nangangasiwa sa pagsisiyasat at pagsasampa ng kaso laban sa mga tiwali sa loob ng kawanihan. Sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ni Zapata lulan ng kanyang sasakyan ang kahabaan ng southbound lane…
Read MorePinas may potensiyal na manguna sa wind power production sa buong mundo – Bongbong
ISUSULONG ni Presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga reporma sa regulasyon at patakaran para maging isang major wind power producer ang Pilipinas sakaling siya ang palarin sa darating na 2022 national elections. Naniniwala ang UniTeam presidential bet na ang wind power, kasama ang iba pang Renewable Energy (RE) sources, ay makakatulong sa bansa na mapababa ang presyo ng kuryente nito upang lalong makaakit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan matapos ang pandemya. “We have the potential to be a major wind power producer in the world. Our unique topography…
Read More