GRUPO NG FILIPINO-CHINESE VOLUNTEERS PARA KAY BBM

NAGSAGAWA ng pagtitipon ang nasa 200 Filipino-Chinese volunteers na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Ginanap ang pagtitipon sa President Grand Palace sa Binondo, Manila kamakalawa na dinaluhan din ng kapatid ni BBM na si Senator Imee Marcos. Naroon din sina Atty. Alex Lopez na tumatakbong alkalde ng lungsod at running mate nitong si Raymond Bagatsing gayundin ang apat sa kanilang konsehal sa Distrito 3 na sina Aileen Rosales, Nino Beltran Magno, Joey Jamisola at Nelson Ty, at ang pambato ng Partido Federal ng…

Read More

Sa pagdedma ng gobyerno sa fuel tax suspension INFLATION RATE PATULOY LOLOBO

ISINISI ng isang lider ng oposisyon sa Kamara sa Pangulo at economic managers nito ang paglobo pa ng inflation rate noong Marso dahil dinedma ng mga ito ang panawagan na suspendihin ang buwis sa langis. “The country’s inflation rate will further rise and burden the people in the coming months as the Duterte administration continue to ignore calls to suspend collection of excise taxes on oil products,” ani House deputy minority leader Carlos Zarate. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumilis pa ang inflation noong nakalipas na buwan kasabay ang…

Read More

NWRB: SUPLAY NG TUBIG SA NCR ‘DI BABAWASAN

HABANG tinitiyak na walang water supply cut sa Kalakhang Maynila, hinikayat naman ng National Water Resources Board (NWRB) ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig dahil pumapalo na lamang sa 190.75 metro ang water level ng Angat Dam. Sinabi ni NWRB Director Sevillo David Jr., ang kasalukuyang water level sa Angat Dam ay mababa ng 10 metro kumpara sa nakalipas na taon. “Bago pa nga ho pumasok iyong taon at bago magsimula itong January po ay nag-abiso na po tayo sa mga kababayan po natin na magtipid kasi nga…

Read More

BASTA POBRE AT MASIKAP PWEDE MAGING SCHOLAR

SA kauna-unahang pagkakataon sa larangan ng edukasyon, inilunsad ang isang kakaibang scholarship program na sadyang inilaan para sa mga mag-aaral mula sa hanay ng kabataan sa ika-limang distrito ng Quezon City – basta desidido, pasok. Ayon kay leading congressional contender Rose Lin ng District 5 ng Quezon City, sadyang hindi na isinama sa mga panuntunan ng kanyang scholarship program na sumasaklaw mula pre-school hanggang kolehiyo ang maintaining average sa hangaring mas marami pang kabataan mula sa kanyang nasasakupang distrito ang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral. “Para po sa akin ang edukasyon…

Read More

PULISYA NGANGA SA KASO NI FATHER PEREGRINO

CAVITE – ‘Nganga’ ang Rosario Police Station sa imbestigasyon sa kaso ng ‘pagkawala’ ni Rev. Fr. Leoben Peregrino y Octavo, parish priest ng Most Holy Rosary Parish Church sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito, dahil hindi ito makapagbigay ng impormasyon at tumanggi naman ang pamilya na magbigay ng ano mang pahayag. Sinabi ni P/Lt. Col. Ruther Saquilayan, hepe ng Rosario Police Station, walang makukuhang impormasyon ang pulisya sa pamilya ni Rev. Fr. Peregrino o mas kilala sa tawag na “Father Phem” hanggang walang advice ang kanyang doctor na maaari na…

Read More

10 KABAHAYAN SA TONDO NASUNOG

TINATAYANG mahigit 20 pamilya ang nawalan ng tirahan nang matupok ang sampung kabahayan makaraang sumiklab ang sunog sa Gagalangin, Tondo, Manila nitong Martes ng umaga. Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na residential house sa #568 Callejon St., Gagalangin, Tondo. Batay sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-6:44 ng umaga nang magsimula ang sunog sa kabila ng malakas ulan, na umabot sa unang alarma at tuluyang idineklarang fire-out ng dakong alas-7:57 ng umaga. Wala namang iniulat na nasaktan o namatay…

Read More

MURDER SUSPECT TIKLO SA CHECKPOINT

CAVITE – Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong murder nang sitahin sa isang checkpoint sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang arestado na si Edgar Maglalang y Isaias, 54, ng Brgy. Banaba, Silang, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-4:50 ng hapon nang parahin ang minamanehong motorsiklo ni Maglalang sa inilatag na Comelec checkpoint, ng mga operatiba ng Silang Police, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Juan Oruga Jr., sa Brgy. Biga 2, Silang, Cavite. Nang hingian ng ilang dokumento, nakilala ang suspek na may nakabinbing standing warrant…

Read More

“SAFE TRIP MO SAGOT KO” MULING INILUNSAD

NGAYONG bumaba na ang COVID-19 alert level ay muling inilunsad ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang kanilang “Safe Trip Mo Sagot Ko” (SMSK) para sa mas madali at ligtas na pagmamaneho sa mga motorista na dadagsa sa Luzon expressways ngayon Semana Santa. Ipatutupad sa darating na Abril 8 hanggang Abril 18, 2022 ang SMSK motorist assistance program sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), C5 Link Expressway (C5 LINK), and Cavite-Laguna Expressway (CALAX). Base sa statistic record ng MPTC’s traffic data, ngayong Holy Week ay…

Read More

SUSPEK SA SARI-SARING KASO, PAGPATAY NALAMBAT

ARESTADO ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni P/BGen. Remus B. Medina, ang isang suspek sa panggagahasa, pagdukot ng mga dalagita, at ilegal na pagdadala ng baril at bomba kahapon sa Quezon City. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Jeffrey B. Bilaro ng Holy Spirit Police Station (PS-14), kinilala ang suspek na si Mhelo Monsada, 35, nakatira sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City. Lumalabas sa imbestigasyon, apat na kababaihan, tatlo sa kanila ay menor de edad, ang dumulog sa himpilan ng PS-14 at nagsampa ng reklamo laban sa suspek…

Read More