16 NAOSPITAL SA AMMONIA LEAK SA ICE PLANT

IPINASARA na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang isang ice plant na sa ikatlong pagkakataon sa loob ng dalawang taon ay muli na namang nagkaroon ng ammonia leak nitong Martes ng madaling araw na naging dahilan ng pagkaospital ng 16 katao. Nakatanggap din ng ulat ang Navotas City Police Tactical Operation Center (TOC) hinggil sa pagkamatay ni Edwin Dela Vina, 49, ng Ilang-Ilang Street, Brgy. NBBS-Kaunlaran, na nahirapang huminga dahil sa mabahong amoy bunsod ng pagtagas ng ammonia dakong alas-2:50 ng madaling araw sa Magsimpan Ice Plant sa M. Naval…

Read More

FUTURE PANDEMIC PINAGHAHANDAAN NA – DEFENSOR

IKINATUWA ni Quezon City mayoral candidate Mike Defensor ang paglulunsas sa bagong national training and research hub para sa respiratory infectious disease, dahil paghahanda na aniya ito sa “future pandemic” tulad ng COVID-19. Ginawa ni Defensor ang pahayag matapos ang groundbreaking ceremony para sa kunstruksyon ng gusali para sa National Center for Respiratory Infectious Diseases sa Lung Center of the Philippines (LCP) sa Quezon City kahapon. “There’s no question that the new center will further build up the LCP’s capacity to respond more aggressively to future pandemics,” ayon sa kinatawan ng Anakalusugan…

Read More

Be Girl Scout-ready, be COVID-19 vaccinated at SM Supermalls!

Calling all Girl Scouts! It’s time to fulfill our duty to the nation and get vaccinated against COVID-19! In partnership with the Girl Scouts of the Philippines (GSP), SM Supermalls is targeting to vaccinate over 700,000 GSP members through a nationwide GSP vaccination day starting April 2 in  78 mall vaccination sites. “This is our commitment to the future women leaders of our nation– to give them a chance to have a safer, better normal. And one of the ways we can do that is through providing them with an…

Read More

JPE: CARPIO HINDI NAIINTINDIHAN ANG BATAS SA PAGBUBUWIS

BINARA ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang propagandista ng mga dilawan na si Atty. Antonio Carpio na hindi umano naiintindihan ang batas ukol sa mga buwis dahil sa mali at walang basehang pag-iingay nito ukol sa estate tax ng pamilya Marcos. Kasabay nito, iginiit ni Enrile na wala siyang nakikitang ibang dahilan sa isyu kundi pulitika lalo na at isang buwan na lamang bago maghalalan sa Mayo 9. “Alam ninyo, mga kababayan pulitika ngayon eh bago kayo maghusga, bago kayo maniwala, makinig kayo. Bago kayo maniwala isipin muna…

Read More

AKO OFW PARTYLIST, INENDORSO ANG BBM-SARA TANDEM

Sa kanilang miting de avance, opisyal na inanunsyo ng pinakamalaking grupo na kumakatawan sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa kanilang mga pamilya ang kanilang pag-endorso kina Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa pagkapangulo at kay Inday Sara Duterte naman sa pagka-pangalawang pangulo para sa halalan ngayong darating na Mayo 2022. Ayon sa Advocates and Keepers Organization of OFWs (AKO-OFW), ang pagtutulak ni BBM na magkaroon ng pagkakaisa at ‘social healing’ para tuluyan nang makausad ang ating bansa ang nagpapatunay na siya ang dapat maging presidente ng Pilipinas. Ang…

Read More

BBM pinuri ang mga barangay workers, volunteers sa matagumpay na vaccine program

bbm

Binigyan ng pagpupugay ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, ang mga barangay officials, workers, at volunteers dahil sa kanilang kabayanihan na naging daan upang maging matagumpay ang national vaccination program ng pamahalaan kontra Covid19. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga barangay officials, workers, at volunteers kamakailan, sinabi Marcos sa kanila na malaki ang kanilang naging ambag upang muling makabangon ang bansa. “Ako’y nagpapasalamat sa trabaho na ginawa ng ating barangay officials at ng ating barangay volunteers dito sa pandemiya. Kung hindi sa inyo ay hindi talaga naging maganda ang…

Read More

ANTAS NG EKONOMIYA IAANGAT NI BBM

bbm

MAS mapataas ang antas ng ekonomiya ng bansa ang pangako ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos kapag siya ay pinalad na manalo sa darating na halalan. Ayon kay Marcos, nais niyang mapabilis ang sistema ng pamahalaan sa oras na maupo na ang bagong administrasyon upang agarang masimulan ang pagpapabalik ng sigla ng ekonomiya ng bansa. “Lagi kong sinasabi na ang ambisyon ko ay dalhin ang Pilipinas hindi kung saan tayo nanggaling, yung kalagayan natin bago magkaroon ng pandemya, kundi pasikatin at lalo pang pasiglahin ang ating ekonomiya,” sabi niya. Nang…

Read More

PAGRESOLBA SA TRAPIK PINAPAPASPASAN NI PRRD

HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bilisan ang ginagawang pag-aaral para mabawasan pa ang trapik sa National Capital Region (NCR) Sinabi ni Pangulong Duterte kay MMDA Chairman Romando Artes na agad magsagawa ng pag-aaral at mula ruon ay marepaso na ng mga eksperto ang mga pinaplanong hakbang. Ayon sa Chief Executive, tinutumbok niya rito ang mga competent authorities na konektado at may sapat na kaalaman para makamit ang target na mahanapan na ng solusyon ang trapik sa NCR at Greater Manila Area. Batay…

Read More

SOLAR POWER MAKABABAWAS NG P40-B GASTOS SA KURYENTE

IMINUNGKAHI ni Sen. Joel Villanueva na pag-aralan ng pamahalaan ang pag-install ng mga solar panel sa mga gusali nito at pampublikong paaralan. “Kung magkakaroon po ng solar power program ang gobyerno, makakatipid tayo ng bilyong-bilyong piso, makapagpa-aral tayo ng milyon-milyong estudyante, at makakalikha tayo ng libo-libong trabaho,” sabi ng senador. Ito ang panawagan ni Villanueva nang mapuna ng senador na tumaas ang gastos sa kuryente ng pamahalaan, na P40.06 bilyon noong 2019 mula sa P34.58 bilyon noong 2017. “Kung tutuusin po, ang P40 bilyon ay 21 beses na mas malaki…

Read More