TASK FORCE LABAN SA FAKE NEWS NG COMELEC UMANI NG SUPORTA

SUPORTADO ni Senador Risa Hontiveros ang hakbang ng Commission on Elections (Comelec) na bumuo ng task force laban sa pagpapalaganap ng maling impormasyon at fake news. “As a victim of fake news myself, I support efforts to combat disinformation and fake news,” saad ni Hontiveros. Bukod sa task force, hinimok din ni Hontiveros ang gobyerno na pag-aralan ang best practices sa ibang bansa sa paglaban sa fake news at ipatupad ito sa Pilipinas. Kasabay nito, iginiit naman ng mambabatas na hindi kakayanin ng gobyerno mag-isa ang kampanya laban sa fake…

Read More

SABLAY SINA ISKO, CARPIO, LENI AT MGA DILAWAN SA MARCOS ESTATE CASE

NITONG nakaraang ilang araw at linggo ay kapansin-pansin ang sobrang pagsakay nina Isko Domagoso, dating SC Justice Antonio Carpio at Leni Robredo kasama ang mga kampon ng mga dilawan, sa isyu ng umano ay P203-B estate tax ng mga Marcos. At dahil nga wala silang ibang pakay kundi gibain ang kandidatura ni presidential frontrunner Bongbong Marcos, ay pinipiga nila nang husto ang isyu at pinalalabas pa na hindi sila nagbabayad ng dapat bayaran sa gobyerno. Siyempre naman ay pa­niwalang-paniwala ang mga kampon ng mga kalaban sa kasinungalingang pilit na ipinakakalat…

Read More

PAHIYA ANG CHINA

NOONG 2020 nagpadala ang China ng kanilang health experts kuno sa Pilipinas para tumulong sa pagsugpo sa ­COVID-19 na nagsimula sa Wuhan, China hanggang sa kumalat sa buong mundo. Hindi kagandahan ang assessment ng medical experts kuno ng China sa Pilipinas sa preparasyon sa pandemya dahil wala raw tayong sapat na pasilidad para sa mga magkakasakit. Sa awa ng Diyos at sa tulong ng western countries ay nalag­pasan natin ang pandemya matapos ang dalawang taon na nagdulot ng paghihirap ng sambayanang Pilipino at ikinamatay ng halos 60,000 katao. Hindi na…

Read More

LEA MARIE CRUZ-TORRES MAGTAGO KA NA!

TINUTUGIS na ngayon ng mga awtoridad si Lea Marie Cruz-Torres, may-ari ng Bardagulan FB Page na nag-post ng ‘PEKENG QUOTE CARD KAY VINNY MARCOS’. Ikaw ngayon ang mababardagul ‘pag natiklo ka ng mga pulis. Nitong nakalipas na Biyernes, isang peke at mapanirang impormasyon na naman ang inilabas sa social media ng mga kalaban ni Marcos. Ito ang post sa Bardagulan FB Page ni Lea Marie Cruz-Torres: ‘Sa anak na nya galing yan ha. Ngayon nyo sabihin na hindi addict ang kandidato nyo. He WAS an addict but NOT anymore. He…

Read More

DINASTIYA SA PARTY-LIST

SA loob ng mahabang panahon, naging ­kanlungan ng malalaking angkan ng mga politiko ang party-list system kung saan halos sila-sila rin lang ang nominado. Ano nga ba ang political dynasty? Ang political dynasty ay isang pamilya ng mga politiko sa isang lugar at naipapasa sa kanilang kapamilya ang katungkulang ginagampanan sa pamahalaan. Kabilang sa mga bansa kung saan legal ang political dynasty ay ang Tsina, Japan, Inglatera North Korea at Espanya. Ang totoo, mahigpit na itinatakwil sa ilalim ng Saligang Batas ang political dynasty. Subalit dahil pinamamahayan din ng angkan…

Read More

UAAP Season 84 men’s basketball 3rd STRAIGHT WIN TARGET NG UST

ASAM ng University of Santo Tomas Growling Tigers na ipagpatuloy ang pagragasa sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa naka­takdang duwelo nila ngayon (Martes) ng De La Salle University Green Archers sa Mall of Asia Arena. Unang aaksyon sa quadruple-header games, sa pagbabalik ng fans sa venue, ang Growling Tigers at Green Archers sa alas-10 ng umaga. Kasalukuyang may 2-2 win-loss record ang UST, habang isa pa lang ang talo ng La Salle, 3-1. Nitong Sabado ay nakuha ng Tigers ang back-to-back wins nang lapain ang Adamson University ­Soaring…

Read More

50th WIN NABAGAHE NG WARRIORS

PINALAKAS pa ng Gold­en State Warriors ang kapit sa ikatlong puwesto sa Western Conference, kasabay ng paghablot sa ika-50 panalo, matapos talunin ang Kings, 109-90 sa Sacramento, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila). Sina Andrew Wiggins at Jordan Poole, may tig-25 at 22 puntos, ang umakay sa Warriors sa nasabing winning record. Habang nagtala si Nemanja Bjelica ng season highs 19 points at 12 rebounds at six assists sa ikalawang sunod na panalo ng Golden State. “We’re playing for ­seeding at this point and we really want to get as…

Read More

PAGBABALIK NI MELINDO

ALAWANG taong namahinga si dating world champion Milan Melindo mula sa boxing. Nagtala ang 34-anyos na si Melindo ng 7th round TKO win laban kay Cris Omayao sa kanyang comeback fight nitong Sabado ng gabi sa Southern City College Arena sa Zamboanga. Dala ng pandemya, kasabay ang pagsasara ng ALA ­Boxing Promotions at ng ABS-CBN broadcasting network, ­sinamantala ni Melindo ang makapag-relax mula sa napakahabang panahon niya sa boksing. Sa panayam nga ng ABS-CBN News online, nabanggit ni Melindo, dating IBF light flyweight champion, marahil gumawa ng paraan ang Panginoon…

Read More

MILITAR, ABU SAYYAF NAGSAGUPA SA BASILAN

APAT na mga tauhan ng Philippine Army mula sa AFP Joint Task Force Basilan ang nasugatan nang makasagupa nila ang isang pulutong ng Abu Sayyaf sa ilalim ng pamumuno ng isang Pasil Bayali noong Sabado ng umaga. Ayon kay Brig. Gen. Domingo Gobway, commander ng JTF Basilan, nagsasagawa ng combat operations ang kanilang mga tauhan nang masabat ang isang pulutong ng mga Abu Sayyaf sa Barangay Sucaten, Sumisip, Basilan bandang alas-7:31 ng umaga. Matapos ang ilang minutong bakbakan tumakas ang ektremistang grupo subalit natunton silang muli ng mga sundalo kaya nagkaroon muli ng sagupaan.…

Read More