2 ‘TULAK’ ITINUMBA SA QUEZON

QUEZON – Patay ang dalawang magkaanak na umano’y tulak ng ilegal na droga matapos tambangan ng dalawang gunman habang magkaangkas sa motorsiklo sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Kapwa dead on the spot ang mga biktimang sina Manuel Roxas Pansoy, 51, at Randy Villanueva Roxas, 26, kapwa construction workers, at mga residente ng Brgy. Lusacan, Tiaong. Ayon sa pulisya, ang dalawa ay parehong nasa PNP drug watchlist na nakatala bilang street level individuals (SLIs). Batay sa report, dakong alas-10:45 ng umaga, magkaangkas ang dalawa sa isang walang plakang…

Read More

MISSING PRIEST SA CAVITE NATAGPUANG NAKAGAPOS

CAVITE – Nakasalalay sa salaysay ni Rev. Fr. Leoben Peregrino y Octavo, Parish Priest ng Most Holy Rosary Parish Church sa Rosario, Cavite ang pag-uumpisa sa imbestigasyon ng kanyang pagkawala noong Biyernes ng umaga hanggang sa natagpuan itong tulala at nakagapos ang leeg at mga kamay sa Brgy. Lumil sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Ayon kay P/Lt. Col. Ruther Saquilayan, hepe ng Rosario Police Station, pinakamatibay ang magiging salaysay ni Rev, Father Peregrino o kilala bilang “Father Phem”, 58, para masimulan ang imbestigasyon dahil siya…

Read More

3 CPP-NPA KADRE NALAGAS SA SAGUPAAN

PATAY ang tatlong kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa sagupaan sa Panay at Negros, ayon sa ulat ng military noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat na nakarating sa Philippine Army headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City, isang hindi pa nakikilalang communist terrorist umano ang napatay sa engkwentro nang magsagupa ang tropa ng 31st Division Reconnaissance Company na nasa pangangasiwa ng 12th Infantry Battalion sa Sitio Maytaraw, Barangay Dalagaa-an, Libacao, Aklan. Nangyari ang bakbakan bandang alas-2:10 ng hapon noong Linggo na nagresulta sa kamatayan ng isang NPA…

Read More

May kaanak na kandidato sa May polls HALOS 2K PULIS SINIBAK

NASA 1,971 kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang inalis sa puwesto bago ang May 9, 2022 presidential and local election. Inihayag kahapon ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, inilipat ng assignment ang kulang sa dalawang libong pulis dahil may mga kamag-anak silang tumatakbo sa eleksyon na saklaw ng kanilang mga AOR o area of responsibility. Ito aniya ay para matiyak na magiging ‘nonpartisan” o walang kinikilingan ang mga pulis sa pagganap sa kanilang trabaho. Bukod sa 1,971 na inalis sa puwesto ay mayroon ding 147 field commanders ang…

Read More

Defensor bitin sa report kontra Mayor Joy OVERPRICING SA QC PINASISILIP SA COA

BITIN. Ganito inilarawan ng isang kongresista ang ginawang pagsusuri ng Commission on Audit (COA) sa inilabas na audit report kaugnay ng mga biniling food packs ng Quezon City government para noong taong 2020. Giit ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, busisiin lahat ng procurement deals na pinasok ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, kasabay ng patutsada sa aniya’y limitadong saklaw ng COA report. Aniya, tanging ang P479-milyong halaga ng financial assistance sa ilalim ng Bayanihan 2 law para sa taong 2020 ang laman ng annual audit report ng COA na…

Read More

114 ELECTION HOTSPOTS TINUKOY NG PNP

pnp

MULING nagpulong kahapon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa nalalapit na halalan sa Mayo 9, 2022 at may 114 lugar ang kinategoryang ‘areas of immediate concerns’. Ayon kay PNP chief, Police General Dionardo Carlos, nagpatawag siya ng command conference upang magkaroon ng “assessment” sa security situation ng mga rehiyon. Base ito sa kanilang pinairal na color coding identifications, ang red category ang itinuturing na pinakamataas na alerto pagdating sa seguridad habang green naman ang pinakamababang alerto o inaasahan ang payapang eleksyon. Nabatid na may 100 munisipalidad at…

Read More

SEN. IMEE AT ATTY. LOPEZ PABOR SA GOLDEN MOSQUE REHAB

NAGKAISA sina Senator Imee Marcos at Manila mayoralty bet Atty. Alex Lopez para sa rehabilitasyon at renobasyon ng Golden Mosque and Cultural Center sa Globo de Oro St., Quiapo, Manila. Kasabay nito, sumuporta ang nakatatandang kapatid ni presidential frontrunner Bongbong Marcos Jr. kay Atty. Lopez sa kandidatura nito bilang Ama ng Maynila. Naganap ang unang pagtaas ni Sen. Imee sa kamay ng panganay na anak ni Ex-mayor Mel Lopez sa pagsisimula ng Ramadan, banal na buwan ng mga kapatid na Muslim, noong Linggo sa Golden Mosque. Layunin ni Lopez na…

Read More

Habang patuloy ang pagpapabuti ng serbisyo MGA CUSTOMERS NG MERALCO, NAKINABANG PA RIN SA MAS MABABANG SINGIL SA KURYENTE

Bukod sa ligtas, maayos at maaasahang serbisyo ng kuryente, nakinabang rin ang mga customers ng Manila Electric Co. (Meralco) sa pagbaba ng singil sa kuryente nitong nakaraang sampung taon. Nitong 2021, nasa P8.26 kada kilowatt-hour (kWh) ang average overall rate ng Meralco – mas mababa nang halos 10 porsyento kumpara sa P9.14 kada kWh noong 2011. Pawang nagsibabaan ang iba’t-ibang bahagi ng bill ng kuryente kagaya ng bayad sa generation, transmission, distribution, at system loss, na kasama sa mga binabayaran ng mga konsyumer. Ayon kay Larry S. Fernandez, Vice President…

Read More

JPE: ESTATE TAX, HINDI UTANG NI BBM

WALANG pananagutan si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., hinggil sa estate tax na pilit ibinabato sa kanya ng mga kalaban. Ayon kay dating Senate President Juan Ponce Enrile, ang anumang tax liabilities na kinakaharap ngayon ng Marcos estate ay hindi maaaring ipasa kay BBM, lalo’t karamihan sa mga ito ay dinidinig pa hanggang ngayon sa Court of Appeals at Supreme Court. Si Enrile, kilalang tax expert ay nagtapos ng Masters of Laws degree sa Harvard School of Law na may specialization sa international tax law. Sinabi nitong bago dapat…

Read More