NCR MANANATILI SA ALERT LEVEL 1

MANANATILI sa Alert Level 1 ang buong National Capital Region (NCR) mula Abril 1 hanggang 15, 2022. Base ito sa inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Huwebes na Abril 1 hanggang 15, 2022 Alert Level Classification sa mga lalawigan, highly urbanized cities (HUCs), at independent component cities (ICCs). Bukod sa NCR, nasa ilalim din ng Alert Level 1 ang Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Kalinga, at Baguio City; Region I: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at Dagupan City; Region II: Batanes, Cagayan, Isabela, City of Santiago, at…

Read More

6 PULIS CALOOCAN SWAK SA ROBBERY

ANIM na kawani ng Station Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police Station ang kinasuhan ng robbery kasunod ng nag-viral na Facebook post ng kanila mismo umanong biktima. Sa isang pahayag, mariing kinondena ni P/MGen. Felipe R. Natividad, Regional Director ng National Capital Region Police Office, ang “shameless disregard of policies and laws” ng anim na sinasabing tiwaling pulis. “This unacceptable behavior deserves the severest condemnation from our organization since it runs gravely against our mandate to serve and protect the people and keep the community safe, peaceful and secured,” ani…

Read More

Selos, pagnanakaw posibleng motibo 72-ANYOS JAPANESE, GURO PINATAY NG BF

SINISILIP ng mga awtoridad ang anggulong selos at pagnanakaw sa brutal na pagpatay sa isang 72-anyos na Japanese national at 39-anyos na guro na umano’y tinadtad ng saksak ng boyfriend ng huli sa Pasig City. Ayon sa ulat ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya, kinilala ang mga biktimang sina Yasunori Mori, 72, biyudo, Japanese national, at Anna Marie Dalusong y Salvador, 39, dalaga, public school teacher, at kapwa residente ng Brgy. Manggahan sa lungsod. Agad namang naaresto sa follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek na si Christian Llona…

Read More

ISKO, LACUNA SINOPLA SA BENTAHAN NG DIVI MARKET

MAAGAP na sinopla ni Manila mayoralty bet Atty. Alex Lopez ang kampo nina Mayor Isko Moreno at Honey Lacuna hinggil sa isyu ng paninisi sa dalawang nakalipas na administrasyon kaugnay ng kontrobersyal na bentahan ng Divisoria Public Market. Sa mga namayapang alkalde na sina Mel Lopez at Alfredo Lim nabaling ang sisi sa naturang bentahan na nagkakahalaga ng mahigit Php1.4-billion. Ayon kay Lopez, nerbiyos na lang ang umatake kina Honey at Isko dahil madidiin sila sa malaking kaso. Defense mechanism aniya ito ng kalaban para ma-divert ang isyu at malinis…

Read More

PANGANGALAGA SA KALIKASAN UNA SA UNITEAM

ANG pangangalaga at pagbibigay proteksyon sa kalikasan ang isa sa mga prayoridad ng UniTeam, ayon kay Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos. Binigyang-diin ni Marcos na nagkakaisa sila ng kanyang running mate na si Inday Sara Duterte sa adhikain na ito kasama na ang pagpapalakas ng kakayahan ng bansa na matugunan ang problema sa climate change. “Matagal ko na itong adhikain kaya naman marami akong ipinasang panukalang-batas noong ako ay nasa Kongreso at sa Senado na naglalayong proteksyunan at pangalagaan ang kalikasan. Ganun din ang aking tandem na…

Read More

Mahirap nang talunin sa May 9 – Kalye survey BBM NANGUNA SA 60 PROBINSIYA

bbm

MAGTATALA ng makasaysayan, malawakan, malakihan at hindi na maawat na tagumpay sa darating na May 9 elections ang nangungunang standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. Base ito mismo sa pinakabagong resulta ng Kalye Survey kung saan ay lalo pang umangat ang numero ni Marcos dahil sa 67 probinsiya sa bansa ay malayo ang kalamangan nito sa 60 lalawigan kumpara sa mga kalaban. Ibinase ang numero mula sa mga ‘tabulation’ sa lahat ng Kalye Survey na isinagawa sa iba’t ibang panig ng bansa…

Read More

Trahedya sa lansangan OFW, RIDER PATAY; MAG-ANAK SUMIRKO SA MOTORSIKLO

KAPWA namatay ang isang babaeng OFW at isang motorcycle rider habang sugatan ang isang mag-anak makaraan ang aksidente sa lansangan sa magkakahiwalay na lugar. Sa lalawigan ng Quezon, dead on the spot ang isang babaeng OFW na nagbibisekleta nang masalpok ng isang utility van sa Maharlika highway sa bayan ng Atimonan, noong Miyerkoles ng umaga, Grabeng napinsala ang katawan ng biktimang si Jennifer Domacian Galero, 41, residente ng Barangay Buhangin. Ayon sa report ng Atimonan Police, ang biktima ay nasalpok ng Kia Single Cab Karga utility van na minamaneho ni Randy King,…

Read More

GINANG PATAY SA NABUWAL NA POSTE

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 53-anyos na ginang nang mabagsakan ng nabuwal na bakal na poste makaraang mabangga ng isang dump truck sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Miyerkoles. Isinugod sa Manas Hospital ang biktimang si Ma. Fe Gutierrez Nazareno, may asawa, isang food handler, ng Brgy. Timalan, Naic, Cavite subalit idineklarang dead on arrival. Samantala, bukod sa poste, isang aluminum van at isang motorsiklo ang nabangga rin ng dump truck na minamaneho ni Mhar Garcia Amparo, 26, ng Brgy. Sahud Ulan, Tanza, Cavite, nasa kustodiya na ng…

Read More

Nangunguha ng talaba at tahong pinagbabaril 4 PATAY, ISA SUGATAN SA SULTAN KUDARAT MASSACRE

NAGLUNSAD ng malawakang manhunt operation ang PNP-Police Regional Office 12 laban sa armadong kalalakihan na sinasabing nasa likod ng brutal na pagpatay sa apat na miyembro ng pamilya, kabilang ang dalawang bata, ayon sa ulat ni Brig. Gen. Alexander Tagum, Regional Director ng PNP-PRO12, kahapon. Ayon kay P/BGen. Tagum, patuloy ang kanilang pagtugis sa mga suspek para managot sa krimen sa isang pamilya sa bayan ng Lebak sa lalawigan ng Sultan Kudarat na nagresulta sa pagkamatay ng apat na magkakapamilya at isa pa ang sugatan. Ayon sa inisyal na ulat…

Read More