BBM proud sa anak PROCLAMATION RALLY NI SANDRO ‘BLOCKBUSTER’

NAGKULAY pula at berde ang buong provincial capitol compound ng Laoag City sa Ilocos Norte matapos magtungo ang libu-libong tagasuporta para makita nang personal ang Team Marcos na pinangungunahan ni congressional bet Sandro A. Marcos. Si Sandro, anak ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, ay kitang-kita na “people’s favorite” at nagmana sa ama sa lakas ng hatak sa mga tao. Dahil dito ang ginanap na kick-off rally para sa local candidates ay nagmistula na ring campaign rally ni BBM at ng UniTeam dahil sa suportang ipinakita ng mga tao para…

Read More

BULKANG TAAL ALERT LEVEL 3 NA

ITINAAS ng Phivolcs ang alert status ng Taal Volcano mula sa Alert Level 2 patungo sa Alert Level 3 nitong Sabado ng umaga. Ito ay matapos magkaroon ng aktibidad ang bulkan na nagsimula sa short-lived phreatomagmatic burst. Ngunit ayon sa Phivolcs, sinundan pa ito ng patuloy na phreatomagmatic activity kung saan naglabas ito ng makakapal na usok mula sa main crater na umabot sa 1,500 na metrong taas. Nakapagtala rin ito dakong umaga ng sunod-sunod na pagyanig o volcanic earthquake at nagdulot ng infrasound signals. Ayon sa Phivolcs, may magmatic…

Read More

Ibinenta ng ina sa Facebook SANGGOL NASAGIP NG NBI SA LAGUNA

NASAGIP sa follow-up operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ang isang sanggol na ibinenta ng kanyang ina sa halagang P45,000 sa isang babae at nobyo nitong Nigerian national na nakilala umano nito sa Facebook, sa Sta. Cruz, Laguna, iniulat ng NBI. Kinilala ni NBI OIC-Director Eric B. Distor ang mga nadakip na sina Imelda Mabiliran at live-in partner nitong si Maxwell Ifeanyi Bright Okoro. Base sa ulat ng NBI, nakilala ng ina ng biktima ang mga suspek sa isang Facebook group na may pangalang “Bahay Ampunan” kung saan nag-umpisa…

Read More

BARIL IPINAGYABANG, 2 SWAK SA KARSEL

CAVITE – Dalawang lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng Cavite Police dahil sa pagdadala ng baril sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang mga inaresto na sina Eddie Cali y Orlanda alyas “Eddie,” 61, residente ng Brgy. Talon Uno, Las Piñas City, at Teofilo Baybay y Manintim, 57, tricycle driver, at residente ng Brgy. Mag-asawang Ilat, Tagaytay City. Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Cavite), dakong ala-1:55 ng umaga noong Huwebes nang nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen…

Read More

DSWD AYUDA FORMS SA CAVITE, MAY TATAK NG POLITIKO

KINUWESTYON ng netizens kung bakit nakalagay ang pangalan ng ilang politiko sa Ayuda form ng DSWD. Base sa mga Facebook post ng ilang residente ng mga lungsod at bayan na kabilang sa Unang Distrito ng Cavite, nagtaka sila sa mga diumano’y nakakabit na forms sa mga application para sa ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon sa mga report, sinasabi na ang mga opisyal na papeles para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD ay may tatak ng logo ng isang Party-list Group…

Read More

ALIF- BOGS SANIB PWERSA SA BULACAN

NAGSANIB PWERSA ang ALIF party-list at Bulacan vice-governatorial candidate Salvador ‘Bogs’ Violago para isulong ang tapat na pamamahala makaraang isagawa ang proclamation rally sa Malolos City hall ground nitong Sabado. Ang naturang rally ay dinaluhan ng tinatayang 10,000 lider na nagmula sa 21 munisipyo at 3 lungsod ng Bulacan. Nanumpa sila na puspusang ikakampanya ang tambalang ALIF – Bogs. Ayon kay ALIF first nominee Rogelio Villangca, ang pagsasanib nila ng grupo ni Bogs Violago ay tinatayang makabubuo ng mas malapad na makinarya at malakas na kampanya para itaguyod ang mga…

Read More

PARAAN NG SURVEY NG PULSE ASIA PINUNA

UMANI ng batikos ang Pulse Asia dahil sa hindi scientific at sablay umano nitong paraan sa pagpili ng mga lugar kung saan kukuha ng respondents para sa mga election survey nito. Sa kanyang column sa Manila Times, binatikos ni Al Vitangcol ang Pulse Asia, partikular ang pahayag ni pangulo nito na si Ronald Holmes sa isang panayam sa telebisyon ukol sa pagpili ng lugar kung saan huhugutin ang respondents. Sinabi ni Holmes na hindi tinutukoy at pinag-aaralan ng Pulse Asia ang mga lugar kung saan kukuha ng respondents. “We did…

Read More

Solusyon sa matinding trapik DST PLANONG IBALIK SA NCR

MASUSING pinag-aaralan ng pamahalaan ang rekomendasyong pagbabalik ng daylight-saving time (DST) sa Metro Manila bilang solusyon sa mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa kabisera sa hudyat ng pagsasailalim nito sa Alert Level 1. Pag-amin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes, isa sa kanilang tinitignang solusyong sa mabigat na daloy ng trapiko sa National Capital Region (NCR) ay ang panawagang DST na magbibigay daan para sa alas 7:00 hanggang alas 4:00 ng hapong operasyon ng mga tanggapan ng pamahalaan. “Baka daw po pwede na…

Read More

FIRE PREVENTION AWARENESS PINAIGTING

Sa kanyang pahayag na mas mabuting iwasan kaysa patayin ang sunog, pinaalalahanan ni Senator Cynthia A. Villar ang publiko na mahigpit na sundin ang precautionary measures upang maiwasan ang mga ito. Sa pag-obserba sa “Fire Prevention Month” ngayong Marso, pinangunahan ni Villar ang fire safety awareness event na may temang ,  “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa,” na idinaos sa Hansuyin Covered Court at bagong Fire Station  sa Hansuyin Village,Las Pinas. Dumalo rito ang homeowners associations officials at barangay safety officials. Nanguna ang senador sa launching ng isa sa…

Read More