Sangkot sa pagkamatay ng estudyante sa hazing 2 OPISYAL NG TAU GAMMA SUMUKO SA PULISYA

LAGUNA – Sumuko sa himpilan ng pulisya ang dalawang opisyal ng Tau Gamma Phi fraternity na umano’y sangkot sa pagkamatay sa hazing ng isang 18-anyos na estudyante sa bayan ng Kalayaan sa lalawigang ito noong Linggo. Dead on arrival sa pagamutan ng General Cailles Hospital ang biktimang si Reymarc Rabutazo ng Brgy. Longos ng naturang bayan. Kinilala ni Kalayaan Police chief, Lt. Erico Bestid ang mga suspek na sina Venzon Benedict Lacaocao, 19, waiter, at Rey Vince Espaldon, 19, 1st year Criminology student. Dinala sa pulisya si Licaocao ng kanyang nakatatandang kapatid na si Veelly…

Read More

NPA NA MAY KASONG MURDER HULI SA BICOL PNP

LAGLAG sa ikinasang law enforcement operation ng PNP-Police Regional Office 5 ang isang kumpirmadong kasapi ng communist New People’s Army na may kasong murder sa lalawigan ng Masbate. Ayon kay Bicol PNP chief, P/Brig. General Jonnel C. Estomo, nadakip si Jurly Cuyos y Dometita sa ikinasang manhunt operation ng Masbate City Police Office katuwang ang CI Team RPSPU5/ PSPG at IOPs Masbate MARPSTA. Si Jurly Cuyos ay miyembro ng Larangan 1 KP4-Larangan Guerilla North Masbate sa ilalim ng kumand ni Eddie/Arnold Rosero alyas “Star”, ayon sa Masbate Police Provincial Office. Nahaharap…

Read More

Sangkot sa missing sabungeros 3 PULIS LAGUNA SINIBAK

LAGUNA – Sinibak sa pwesto ang tatlong mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Laguna PNP dahil sa umano’y pagkakasangkot sa nawawalang mga sabungero. Tinukoy ng ni PRO CALABARZON Regional Director, Brig. Gen. Antonio Yarra ang tatlong sinibak na mga pulis na sina Patrolman Roy Navarete, Police Staff Sergeant Daryl Paghangaan at Police Master Sergeant Michael Claveria na pawang mga kasapi ng Laguna Provincial Intelligence Unit. Itinuro ang nasabing mga pulis ng dalawang testigo sa pagdinig sa Senado hinggil sa pagkawala ni Ricardo “Jonjon” Lasco sa San Pablo City noong Agosto 30, 2021. Iniutos naman ni Yarra…

Read More

133K ALIENS NAG-FILE NG 2022 ANNUAL REPORT SA BI

NAKAPAGTALA ang Bureau of Immigration (BI) ng mahigit sa 133,000 foreign nationals na naghain ngayong taon ng kanilang annual report na isinagawa noong Enero hanggang Marso 1. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI Alien Registration chief, Atty. Jose Carlitos Licas, inihayag niya na may kabuuang 133,557 foreigners ang nakiisa sa 2022 annual report. Ang annual reporting of aliens ay isinagawa sa unang 60 calendar days ng bawat taon na alinsunod sa mga probisyon ng Alien Registration Act of 1950.  Ang aliens na may hawak na valid immigrant…

Read More

2 PANG COCAINE BRICKS NATAGPUAN SA DAGAT

TAMA ang naging kautusan ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Wilkins Villanueva sa mga tauhan nito at maging sa local PNP units at mga elemento ng Philippine Marines at Navy, na maging alerto dahil posibleng may mga madidiskubre pang cocaine bricks sa area ng Cagayan matapos na makakuha ng tatlong bricks ang mga mangingisda sa lugar. Noong Martes, dalawa pang bricks ng pinaniniwalaang cocaine ang natagpuang inaanod sa tubig-dagat sa Aparri, Cagayan Matapos makuha ang tatlong bricks ng cocaine na natagpuang lumulutang sa tubig-dagat sa pagitan ng Abulug at…

Read More

PATULOY NA KOOPERASYON LABAN SA COVID-19 HIRIT NG SOLON

NANAWAGAN si Senador Christopher “Bong” Go sa patuloy na kooperasyon laban sa COVID-19 habang ang kanyang koponan ay nagbibigay ng suporta sa mahigit isang libong residente sa Borbon at Catmon, Cebu. Patuloy na nakikipagtulungan ang tanggapan ng senador sa iba’t ibang programa ng gobyerno upang labanan ang pandemya ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga indibidwal at sektor na lubhang naapektuhan ng patuloy na pandemya. Sa relief operations na isinagawa ng kanyang team sa Borbon at Catmon, Cebu noong Sabado, nakiramay si Go sa mga residente at…

Read More

BBM NAGPASALAMAT, NATUWA SA PAG-ENDORSO NG PDP-LABAN

NANINIWALA si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ang pag-endorso sa kanya ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP- Laban) ay mahalagang hakbang tungo sa matagal nang inaasam ng UniTeam na tuluyang pagkaisahin ang bansa,. “Ang bagong development na ito will consolidate the forces of unity so that we can continue to work against those who would want to divide Filipinos against each other,” ani Marcos sa ambush interview sa campaign sortie sa Cavite. “That is what we have been campaigning for and that is our message, and that…

Read More

BBM INENDORSO NG DUTERTE PDP-LABAN WING

(CHRISTIAN DALE) INENDORSO ng PDP-Laban faction na suportado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang presidential bid ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa nalalapit na halalan sa bansa. Nakasaad sa PDP-Laban National Executive Committee resolution na nilagdaan ni Party president Energy Secretary Alfonso Cusi at iba pang party officials na “Senator Bongbong Marcos is the candidate whose platform is most aligned with the development program of President Rodrigo Roa Duterte…” Nauna rito, in-adopt ng Cusi wing ang running-mate ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, anak ni…

Read More

BONGBONG WAGI RIN SA 7-ELEVEN SURVEY

PANALO si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos maging sa informal poll na isinagawa sa mga customer ng convenience store na 7-Eleven base sa pinakahuling tally ng 7-Eleven SpeakCUP presidential survey. Ayon sa disclaimer ng 7-Eleven, ginawa ang nasabing informal survey, “all done in the spirit of fun,” upang ‘bumoto’ ang kanilang mga customer sa kanilang napupusuang kandidato sa pagkapangulo sa pamamagitan ng pagbili ng 22 oz o 12 oz cup na may larawan at pangalan ng mga ito. Ayon sa pinakahuling running tally na nai-post nitong Marso 21, 2022, sa…

Read More