OFWs SA HK NA DINAPUAN NG COVID, HOMELESS PA RIN

Aksyon OFW

MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani. Umabot na sa 662,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa Hong Kong, as of March 16, 2022, na may 4,847 nasawi, at may 14,454 new cases. Dahil sa naka-aalarmang pagtaas ng bilang ng COVID cases, syempre apektado ang marami nating kababayan na nagsisilbing domestic workers sa HK. Katunayan, nakatatanggap pa rin po ang inyong lingkod ng reklamo mula sa ilang overseas Filipinos sa Hong Kong na “homeless” at hindi pinapatuloy sa bahay ng kanilang amo dahil tinamaan ng COVID-19. Hindi pa rin nawawala…

Read More

INFANTA, CRIME CAPITAL NG SOUTHERN LUZON?

DAHIL sa pagkakatimbog ng National Bureau of Investigation (NBI) Task Force Against Illegal Drugs sa ­itinuturing na ­pinakamalaking illegal drug shipment sa bansa ay pinangangambahan ­ngayon ng mga awtoridad na ­magiging crime capital na ng Southern Luzon ang bayan ng Infanta sa lalawigan ng ­Quezon, kung saan naaresto ang sampung kalalakihang sakay ng tatlong van, na may dala-dalang mga kontraban­do na nakatago sa Chinese ­teabags na ­hinihinalang shabu. Ayon kay Police Major Francis Aldrich D. Garcia ng Infanta Municipal ­Police Station (MPS), sila ay ­nakatanggap ng tip na may isang…

Read More

KABUHAYAN HINDI LIMOS

SA tuwing dadaing sa sukdulang kahirapan ang mga tao, karaniwang tugon ng gobyerno ay ayuda para sa mga pobreng Pilipino. Ang totoo, walang masama kung tumulong ang gobyerno. Katunayan, mandato ng mga nasa pwesto ang pagsilbihan ang mga nasasakupang tao. Pero parang may mali sa kultura ng ­baryang ayuda. Insulto para sa mga Pilipino na higit na kilala sa angking sikap at sipag sa kanilang pagtatrabaho. Sadyang mahirap ang kinasasadlakan ng mga Pilipino sa kabi-kabilang dagdag-presyo – bigas, gatas, delata, gamot, gulay, karne, isda, manok, kuryente, tubig, petrolyo at iba…

Read More

P2-M REWARD VS UTAK SA MAYOR SLAY-TRY

QUEZON – Naglaan ng P2 milyong pabuya si Quezon Governor Danilo Suarez para sa makapagbibigay ng impormasyon sa ikalulutas ng dalawang malaking kaso na magkasunod na nangyari sa bayan ng Infanta. Sa official statement na inilahad ni Suarez sa mga mamamahayag, isang milyong pisong pabuya ang ilalaan nito para sa makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo kung sino ang utak sa tangkang pagpatay kay Infanta Mayor Filipina Grace America na pinagbabaril noong Pebrero 27 habang lulan ng kanyang sasakyang Chevrolet Trailblazer pagkalabas nito ng simbahan. Pitong bala ng kalibre .45 baril ang…

Read More

3 KILO NG COCAINE NALAMBAT SA DAGAT

TATLONG kilo ng hinihinalang cocaine ang na-recover ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police matapos madiskubree ang mga paketeng palutang-lutang sa karagatang sakop ng Cagayan. Batay sa ulat na ibinahagi ni PDEA Information Office chief, Director Derrick Carreon, nagresponde ang mga operatiba ng PDEA Region 2 katuwang ang mga tauhan ng PNP hinggil sa ulat mula sa mga mangingisda sa lugar na may mga kahina-hinalang bagay na lumulutang sa bahagi ng Abulug at Ballesteros. Agad nagresponde ang mga awtoridad at nadiskubre ang tatlong kilo ng hinihilang cocaine…

Read More

251 KAWATAN, P2-M SHABU NALAMBAT NG NPD *P 3.4-M shabu silat sa Caloocan

UMABOT sa 251 pasaway ang dinampot, kabilang ang siyam na children in conflict with the law, at halos P2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa pinaigting na kampanya laban sa droga at kriminalidad ng Northern Police District (NPD) mula Marso 14 hanggang 21. Nangunguna sa mga dinampot sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela (CAMANAVA) ang 68 durugista; 96 sugarol; 10 magnanakaw; at 53 wanted sa iba’t ibang kaso. Kasama ring hinuli ang isang may kasong frustrated murder; isang kinasuhan ng grave threat; isang kinasuhan ng child…

Read More

SEKYU, BUGBOG-SARADO SA ANAK NG KONGRESISTA

BUGBOG-SARADO ang security guard ng isang exclusive subdivision makaraang gulpihin umano ng isang grupo ng kalalakihan kabilang ang anak ng isang nakaupong kongresista sa Kamara. Kwento ng biktimang nakilala sa pangalang Jomar Pajares, isang grupo ng kalalakihang lulan ng isang mamahaling sasakyan ang nagtangkang pumasok sa BF Homes sa Parañaque City, sa kabila ng kawalan ng subdivision sticker. Paliwanag na Pajares, pinakiusapan din umano niya ang lalaking nagpakilalang anak ng isang Congressman Arnie Teves ng Negros Oriental na sa kabilang gate ng subdivision dumaan dahil doon aniya pinahihintulutan ang mga…

Read More

LOLA NAMATAY SA BIGAYAN NG ‘AYUDA’ SA QC

NASAWI ang 60-anyos na lola habang naghihintay na matawag sa ayuda na ipinamamahagi umano sa headquarters ng isang kandidato sa Quezon City. Ayon sa mga kaanak ng biktimang kinilalang si Ginang Emelita Deguangco, 60, ng Pink Flamingo Rainbow Homes sa Barangay San Bartolome, Quezon City, nagtungo ang matanda sa San Bartolome headquarters ni QC 5th District Congressional candidate Rose Lin nang mabalitaan na mamumudmod ito ng pera. Wala umanong kasama ang matanda at pagdating sa headquarters ay pumila ito at naghintay na matawag sa kabila ng matinding sikat ng araw.…

Read More

Panalo ng UniTeam tiniyak ng mga taga Malabon

bbm

Patuloy na nadadagdagan ang mga nagpapahayag ng kanilang suporta na lalo pang nagpapalakas ng tsansa para matiyak ang panalo nang tambalang Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Inday Sara Duterte ilang araw na lang bago ang halalan. Kasabay nito tiyak na panalo ang ipinangako ng libo-libong residente ng Malabon na dumalo sa grand rally ng UniTeam na ginanap sa Pinagtipunan Circle, Brgy. Potrero nitong Linggo. “May nanalo na!” ang sigaw ng mga taga-suporta ng UniTeam kaya’t hindi napigilan ni Marcos na sagutin sila ng, “Ganun ba? Sige, magpapasalamat na lang pala ako.”…

Read More