13 pang public schools nakiisa F2F CLASSES BALIK NA SA LUCENA

UMABOT sa 13 pang mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya sa Lucena City ang nagsimula na sa pagsasagawa ng face to face classes nitong Lunes, Marso 21. Ito ay ayon sa inilabas na direktiba ni Lucena Division of City School Superintendent, Dr. Hermogenes M. Panganiban. Kabilang sa mga public school na sasabak sa face to face ay ang Dalahican Elementary School, Gulang Gulang National High School -Domoit extension, Lucena East 9 ES, Mayao Parada ES, Lucena North 2 ES, Mayao Crossing ES, Isabang ES, Isabang ES Bocohan Annex, Lucena East…

Read More

Dehado sa suntukan BARKER, PATAY SA SAKSAK NG LASING

CAVITE – Patay ang isang barker makaraang pagsasaksakin ng isang lasing sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Naisugod pa sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktimang si Jason Mangansakan y Baludo ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng mga saksak sa katawan. Arestado naman ang suspek na si Jonel Jaime y Garde, alyas “Erap”, 23, isang construction worker. Ayon sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes ng Bacoor City Police, bago ang pananaksak, nagkita ang dalawa sa Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite dakong alas-6:35 ng…

Read More

6.7 KILO NG MARIJUANA NASAMSAM NG PNP, PDEA

UMABOT sa 6.7 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa magkahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Antipolo at Bulacan. Ayon sa ulat, isang drug suspect ang nahulihan ng 1.7 kilo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P212,500 batay sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board (DDB), sa ikinasang buy-bust operations ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa Antipolo City. Kinilala ni PDEG Director, P/BGen. Randy Peralta ang naaresto na si Jheremy Manakil Javier alyas “David”,…

Read More

PHIL. ARMY 4ID NALAGASAN NG BAYANING SUNDALO

DALAWANG araw bago ipagdiwang ng Philippine Army ang kanilang ika-125 founding anniversary na may Temang: “Philippine Army @ 125: Kapayapaan Para Sa Lahat,” isang bayaning tauhan ng 4th Infantry Division ang nagbuwis ng buhay nang lumaban nang sabayan sa mga miyembro ng CPP-New People’s Army na tumambang sa kanila. Ayon kay Philippine Army Commanding General, Lt. Gen. Romeo Brawner, “Today, the 4th Infantry (Diamond) Division mourns the loss of another soldier hero who paid the ultimate sacrifice of dedicating his life in service to the country and protection of the people.” Sa…

Read More

LOVE TRIANGLE SINISILIP SA PAMAMASLANG SA ARABO

BUTUAN CITY – Hawak na ng mga pulis ang dalawa sa sinasabing tatlong suspek na nagnakaw at pumatay sa isang Saudi Arabian national sa lungsod na ito, nitong nakalipas na Linggo. Ayon kay PNP Police Regional office 13 Director, Police Brig. General Romeo M. Caramat, sa mabilis na pagresponde ng Butuan City Police Station ay nadakip ang dalawang suspek na kinilalang sina Edward Lauron Auman, 37, at Emiliano Demit Bati-On, Jr., 23, kapwa mga residente ng Barangay San Vicente, Naaresto ng pulisya noong Linggo ang dalawa sa tatlong suspek na…

Read More

18-ANYOS PATAY SA HAZING

LAGUNA – Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 18-anyos na estudyante makaraang sumailalim sa hazing, sa bayan ng Kalayaan sa lalawigang ito. Kinilala ang biktima sa pangalang Reymarc Rabutazo ng Barangay Longos ng nasabing bayan. Ayon sa imbestigasyon, hindi kinaya ng biktima ang hazing na bahagi ng initiation rites para sa mga nagnanais maging miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity. Bagamat naisugod pa sa General Cailles Hospital sa Pakil, Laguna, idineklara namang dead on arrival ang biktimang ayon sa mga kasamahan ay nalunod lang sa ilog. Subalit sa…

Read More

SECURITY PLAN PARA SA LOCAL CAMPAIGN KASADO NA – PNP

SA hudyat ng pagsisimula ng kampanya sa hanay ng mga kandidatong puntirya ang iba’t ibang local elective post, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaan kasabay ng anunsyo sa inilatag na planong hangad ay masiguro ang isang maayos ay mapayapang halalan sa Mayo. “It’s all systems go,” ani PNP chief General Dionardo Carlos. Aniya, kasado na ang kanilang security plan laban sa magtatangkang manggulo sa panahon ng kampanya sa antas ng lokal na posisyon. Nakatutok na rin aniya ang PNP sa bantang posibleng idulot ng mga private armies.…

Read More

GOV’T EMPLOYEE KRITIKAL SA BUNDOL NG BISIKLETA

NAGKAROON ng brain injury ang isang 34-anyos na kawani ng gobyerno makaraang mabundol ng bisikleta habang nakatayo at nag-aabang ng masasakyan sa Quiapo, Manila, iniulat ng pulisya. Kinilala ang biktimang si Ramon Kristofer Carrasco, binata, ng Zapote, Las Piñas City. Samantala, nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury si Jhamie Aizceth Castro, 18, estudyante, ng N. Zamora St., Pandacan. Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Northbound Lane ng Quezon Boulevard, malapit sa Globo De Oro St.…

Read More

4 TIMBOG SA DRUG OPERATION SA TONDO

APAT na indibidwal ang binitbit ng mga awtoridad sa inilatag na buy-bust operation sa Tomas Mapua St. sa Tondo, Manila noong Linggo ng umaga. Kinilala ang target ng operasyon na si John Paul Varona y Pagudar, binata, jobless, ng Brgy. 11, Tondo. Arestado rin ang tatlong umano’y kasabwat nito na sina Regina Garino, 50; Shirly Nicolas, 45, at Angela Quirimit, 18-anyos. Base sa ulat na isinumite ni P/Cpl. Mark Anthony Navarro kay P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng Manila Police District- Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-7:00 ng umaga nang…

Read More