HINDI pa dapat maging kampante ang mamamayan ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area sa kabila ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19, dahil malinaw na hindi pa tapos ang laban sa coronavirus, ito ay makaraang 23 ang naitalang namatay sa pandemya sa nasabing bahagi ng Metro Manila, batay sa pinakahuling datos ng health offices ng nasabing mga lungsod. Sumipa sa 1,760 ang total deaths sa lungsod ng Caloocan noong Marso 19 mula 1,739 noong Marso 5, o karagdagang 21 fatalities, habang bumaba naman sa 49 ang active cases mula sa…
Read MoreAuthor: admin 2
UP-PGH PROGRAM LILIKHA NG LIBO-LIBONG TRABAHO – DEFENSOR
MAHIGIT tatlong libong trabaho ang inaasahang maidaragdag sa work forces sa Quezon City dahil sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Diliman program na pinondohan ng mahigit P21 billion. Bukod dito, sinabi ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, tiyak na lalong sisigla ang ekonomiya ng lungsod sa nasabing programa. “We are wholly endorsing the project. Besides vastly improving public access to world-class charity hospitalization and outpatient services, the project will create 3,400 new permanent jobs,” ayon pa sa kongresista na tumatakbong mayor ng lungsod. “We’ve gone over the project details,…
Read MoreMGA MARIKENYO POPROTEKTAHAN ANG BOTO NI BBM
IPINAGDIINAN ng mga taga-Marikina na sa pagkakataong ito ay hindi na sila papayag pa na muling madaya si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022. Matatandaang nagkaroon ng matinding dayaan noong 2016 kung saan sa panahong iyon ay tumatakbong bise-presidente si Marcos, subalit natalo sa hindi maipaliwanag na dahilan bagamat malaki ang naitalang lamang sa katunggali nitong si Leni Robredo. Ang hiyawang “Hindi kami papayag na dayain ka!” ay dumagundong sa mahigit 20 ektaryang sakop ng Riverbanks Center, Marikina City noong Sabado, kung…
Read MorePANAWAGAN SA PANGULO
SA kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling, hindi matatawaran ang papel na ginagampanan ng mga impormante. Katunayan, walang matagumpay na anti-smuggling operation kung walang impormanteng maglalakas-loob. Ito mismo ang dahilan kung bakit ipinatupad ang isang polisiyang gantimpala para sa mga impormante. Sa ilalim ng nasabing polisiya, 20% ang sa kanila, depende sa halaga ng napurnadang kargamento. Ang siste, parang hindi naman yata nakukuha nang buo ang katumbas na gantimpala. Ito mismo ang hinanakit ni Felicito Mejorado na sumugal at ngayon ay nagtatago laban sa nakaambang peligrong dala…
Read MoreTULUY-TULOY NA PAGHAHATID NG LIWANAG
NAGSISIMULA pa lang na lumuwag ang quarantine protocols mula nang ipatupad ang Alert Level 1, panibagong pagsubok na naman ang dulot ng kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine na malaki ang epekto sa paglipad ng presyo ng langis. Noong mga nakaraang linggo, tumaas nang higit 100 porsyento sa $130 kada bariles ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Nagkaroon ito ng domino effect sa lokal na presyo, lalo’t ang Pilipinas ay “net importer” o tagabili ng produktong langis. Nitong ika-15 ng Marso, tumaas na nang halos P20.35 ang kada…
Read MoreBBM NANGANGAMPANYA NANG ‘DI NANINIRA NG KAPWA
ANG taong hanggang ngayon ay hinahamak at binabastos ang kanyang pamilya ay kailanma’y hindi natin naringgan ng masamang salita laban sa kanyang mga kalaban sa pulitika, at ano man ang mangyari’y ipaglalaban at poprotektahan ng sambayanan upang ang hinahangad na maiahon sa nararanasang kahirapan sa bansa ay matugunan sa pagkakaisa ng bawat Pilipino. Agad naman na dinepensahan ng maraming netizens ang hindi pagdalo sa isinagawang Presidential debates ng Comelec noong Sabado, ng patuloy na nangungunang candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Nauna nang ipinahayag ni BBM ang kanyang panig…
Read MoreLAHATIN NA ‘YAN!
SA gitna ng pagdadalamhati ng mga kaanak na nawalan ng padre de pamilya, nakalulungkot marinig sa isang Pangulo ang pahayag na tila pahiwatig ng proteksyon sa malalaking personalidad na idinadawit sa kontrobersyal na pagkawala ng 34 kataong magkakahiwalay na dinukot sa Maynila, Bulacan, Laguna, Rizal at Quezon. Bagama’t may mga taong sinampahan na ng kasong kriminal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa piskalya, higit na angkop pa rin matunton at managot ang mga utak na tila inabswelto ng Pangulo. Ayon sa Pangulo, walang kinalaman ang mga nagpapatakbo ng…
Read MoreLIBRENG OSPITAL MULA SA E-SABONG
HANGGANG ngayon, hindi pa rin tapos ang isyu sa electronic cockfighting o e-sabong. Ngunit marami ang natuwa dahil hindi pinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang operasyon. Sa kabilang banda, naniniwala raw ang Pangulo na nagkabukulan ang sindikato sa likod ng e-sabong operations. Ito raw ang dahilan kaya naglahong parang bula ang 34 sabungero. Pinaghahanap pa rin sila ng mga awtoridad hanggang ngayon. Nabuko raw ang taktika ng mga sindikato na sa halip na sa kanilang papakawalang manok pupusta ay sa kalaban. Mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na naniniwala…
Read MoreAZKALS SISIPA SA MALAYSIA AT SINGAPORE
BILANG paghahanda para sa AFC Asian Cup China 2023 qualifiers, sasabak ang Philippine football team sa Malaysia at Singapore sa FAS Tri-Nations Series simula Miyerkoles (Marso 23) sa Singapore. At magbabalik sa roster ng Azkals sa unang international competition ngayong taon si goalkeeper Neil Etheridge at midfielder John Patrick Strauss, habang si forward Gerrit Holtmann, lumaro sa VfL Bochum (Bundesliga) ay nakatakdang mag-debut sa team kasama sina Enrique Linares at Diego Bardanca. Ang China 2023 qualifiers ay gaganapin sa Mongolia sa Hunyo (2022). Bukod sa mga nabanggit na manlalaro, kasama…
Read More