Nasa tabi ng drug store SHABU KITCHEN LAB WINASAK NG PDEA

WINASAK ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang PNP Drug Enforcement Unit at Bureau of Customs (BOC), ang nadiskubreng shabu laboratory, katabi ng isang kilalang drug store sa C3 Road, Caloocan City. Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, isang kitchen type/small scale laboratory ang sinalakay ng kanilang mga tauhan katuwang ang PNP-NCRPO, sa C3 corner A. Mabini Street, Brgy. 23, Caloocan City, bandang alas-6:30 kamakalawa ng hapon. Ayon naman kay P/MGen. Felipe Natividad, hepe ng National Capital Region Police Office, base sa…

Read More

CONTRACTUAL EMPLOYEES SA QC GAGAWING REGULAR NI DEFENSOR

MAGIGING regular na ang trabaho ng libu-libong contractual workers sa Quezon City Hall kapag nanalo si mayoralty candidate at Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor. “The Quezon City government’s long-time contractual workers deserve to be regularized so that they can enjoy security of tenure and receive allowances as well as bonuses, including the 13th month pay,” ayon sa mambabatas. Sa kasalukuyan ay umabot sa 13,376 ang contractual workers sa city government kung saan karamihan sa mga ito ay matagal nang nagtatrabaho subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi nare-regular ang mga ito. Mabatid na…

Read More

BUILD, BUILD, BUILD DAPAT ITULOY

NANGAKO ang ACT-CIS Party-list na ipagpapatuloy ang Build, Build, Build Program ni Pangulong Duterte kapag ibinalik sila ng taumbayan sa Kongreso. Ayon kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, hindi maaaring ihinto ang nasabing programa dahil lahat ng sektor ay nakikinabang dito. Ani Yap, “dapat talagang ituloy ng susunod na administrasyon ang Build, Build, Build Projects dahil malaking naibawas nito sa problema sa trapiko”. “Bukod sa traffic solution, maraming trabaho rin ang nagagawa ng nasabing mga proyekto,” dagdag ni Yap. Pag-amin pa ni Yap, magiging katuwang nila sa Senado si Senatorial Aspirant…

Read More

PAGTULONG SA LOW INCOME COMMUNITIES TULOY-TULOY

PATULOY na nagkakaloob ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ng tulong sa mga low-income communities sa bansa sa gitna ng nararanasang global health crisis at sa pagkakataong ito, daan-daang indigent residents naman sa Quezon City ang kanilang natulungan. Namahagi ang outreach team ng senador ng mga pagkain at face masks sa may 833 vulnerable residents na mula sa mga barangay ng North Fairview, West Fairview, Gulod, San Bartolome, Nova Proper, Greater Lagro at Sta. Lucia sa Teresa Heights Subdivision Covered Court. Namahagi rin sila ng mga bagong pares ng…

Read More

BULACAN GOV. DANIEL FERNANDO, WALA PANG INAANUNSIYONG PRESIDENTIAL BET

TALIWAS sa naunang pahayag ng kampo ni Leni Robredo, wala pang pormal na ineendorso si Bulacan Governor Daniel Fernando kung sino ang tunay na susuportahan nito sa pagkapangulo sa darating na May 9, 2022 elections. Ayon kay Fernando, pag-uusapan pa ng kanilang partido kung sino talaga ang kanilang susuportahan at posibleng ihayag ito bago o matapos ang Marso 25, ang unang araw na umpisa ng kampanya para naman sa lokal na halalan. Kamakailan, naging laman ng balita ang diumano’y hayagang pagsuporta ni Fernando kay Robredo nang dumalaw ito sa kanilang…

Read More

WANTED NAKORNER SA CHECKPOINT

NAKORNER ng mga miyembro ng Talisay MPS, Camarines Norte Police Provincial Office ang isang lalaking may patung-patong na kaso, sa Joint PNP-COMELEC Checkpoint sa Purok 1, Brgy. Poblacion, Talisay, Camarines Kinilala ang suspek na si Joselito Barayuga y Rosales, residente ng Talisay, Camarines Norte. Batay sa report, pinara ng mga operatiba ang naturang indibidwal kaugnay ng ipinatutupad na checkpoint sa lugar ngunit natuklasang wanted ito sa iba’t ibang mga kaso. Nabatid na ang suspek ay may warrant of arrest sa kasong 5 counts ng acts of lasciviousness, mula sa RTC…

Read More

Pinangunahan ng PNP Bicol ‘FUN BIKE PARA SA LIGTAS NA HALALAN’ PUMADYAK

SA nalalabing dalawang buwan bago ang halalan sa darating na Mayo 9, 2022, ang PNP Bicol sa pangunguna ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, ay puspusan na ang paghahanda upang matiyak na ligtas at payapa ang eleksyon. Kaugnay nito, naglunsad ng simultaneous fun bike ang PNP Bicol sa tulong ng Cignal TV Inc., bilang pangunahing sponsor noong Marso 10, 2022 na dinaluhan ng 1,170 indibidwal sa buong rehiyon mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Kabilang dito ang Commission on Election (COMELEC); Department of the Interior and Local Government (DILG);…

Read More

11 TIKLO SA 2 DRUG DEN, P200K SHABU NASAMSAM

CAVITE – Tinatayang mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam at arestado ang 11 katao sa isinagawang magkasunod na buy-bust operation sa dalawang drug den sa Bacoor City. Kinilala ang mga suspek na sina Maila Vasquez y Pagtakhan (co-maintainer ng drug den) 28; Jonathan Francisco y Ecle, 27; Ariel Madrelejos y Batalia, 43; Ismael Sanman, 38; Ramil Malinao y Paglinawan, 19; Rommel Depano y Anbrad, 45; Jayson Lopez y Montanez, 31; Ruel Bertudez y Abliter, 39; Jeffrey Supil Matarong, 34; Alejandro Estrada y Maninang, 24, at Denver Paquingan y Velez, 31, habang pinaghahanap…

Read More

BOMB MAKER NG TERORISTA, 2 KASABWAT TIKLO

NADAKIP ng pinagsanib pwersa ng 1001st Infantry “Pag-asa” Brigade at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) XI sa ikinasang joint law enforcement operation ang umano’y notorious bombmaker ng Communist Terrorist Group (CTG) at dalawang kasamahan nito sa Tagum City noong Marso 9, 2022. Kinilala ni BGen. Jesus P. Durante III, commander ng 1001st Brigade ang nadakip na bomb expert na si Victor P. Rollon, alyas Rico Rollon, bomb maker ng Komisyong Mindanao (KOMMID) at Southern Mindanao Regional Committee (SMRC). Habang arestado rin ang dalawang kasama nito na sina Christine Joy Adorza…

Read More