PINANGANGAMBAHANG namatay na ang apat na minerong natabunan sa pagguho ng tunnel sa Diat Palo, Pantukan, Davao de Oro bunsod ng walang tigil na pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa maraming lugar sa Mindanao. Ito ay makarang ma-recover ang isa sa apat kataong natabunan ng pag-collapse ng tunnel ngunit bangkay na ito. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bago nangyari ang pagguho sa nasabing tunnel, ilang araw na nakaranas ng pag-ulan ang lugar na naging dahilan ng paglambot ng lupa. Puspusan ang paghahanap sa tatlo pang nawawalang mga…
Read MoreAuthor: admin 2
KRISIS SA TUBIG, NAKAAMBA SA CAMANAVA
HINDI pa man tuluyang natatapos ang dalawang taon nang pandemya, sumunod naman ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin, habang krisis naman sa tubig ang nakaamba sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area. Unang nasampolan ang lungsod ng Valenzuela, kung saan abot sa 23 barangay ang nawalan ng tubig mula Miyerkoles dakong 10:00 ng gabi (Marso 9), hanggang 6:00 ng umaga nitong Huwebes, (Marso 10). Kabilang sa mga nawalan ng tubig ang mga barangay ng Arkong Bato, Balangkas, Bisig, Coloong, Dalandanan, Gen. T. De…
Read More1,720 ARESTADO SA COMELEC GUN BAN
UMABOT na sa 1,720 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC) sa loob lamang ng 60 araw na implementasyon nito. Sa datos ng Philippine National Police, nasa 1,654 ng mga naaresto ay pawang mga sibilyan, 27 ang security guards, habang 15 naman ang kasapi ng pulisya, siyam sa hanay ng mga sundalo at may 15 iba pa na mula sa mga ahensya ng pamahalaan. Resulta ito ng 1,598 police operation na ikinasa sa iba’t ibang panig ng bansa buhat nang magsimula ang…
Read MoreMga biktima pinangakuan ng malaking halaga SERIAL RAPIST TIMBOG SA ENTRAPMENT
INIULAT ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus B. Medina ang pagkakaaresto ng suspek sa serye ng panggagahasa noong Marso 7, 2020 sa Caloocan City. Batay sa ulat ng Pasong Putik Police Station (PS 16), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Richard Mepania, bandang 2:30 ng hapon noong Marso 7, 2022, naaresto ang suspek na kinilalang si Alexander Yu, 42, ng Amparo Subdivision, Quezon City. Ayon sa biktima, nakatanggap siya ng chat message mula sa messenger account ng nagngangalang Mary Ann Dela Cruz at nag-alok ng P25,000 kada buwan at…
Read MoreP20-M DROGA HULI SA 2 CHINESE NATIONALS
DALAWANG Chinese nationals ang nahulihan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 3 kilo ng hinihinalang shabu sa panibagong anti-narcotics operation sa Quezon City. Nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Intelligence Service, PDEA RO-NCR QCDO, AFP, NICA, PDEG SOU NCR, QCPD DDEU ang 3 kilo ng shabu na may street value na P20,400,000. Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nagsagawa muna ng case build-up at intelligence operation sa mga suspek bago isinagawa ang anti-illegal drug operation sa Unit 705 ng Nice…
Read MoreKALIHIM BINUWELTAHAN, IDINEMANDA NG LIBELO
PATONG-PATONG na kasong kriminal at administratibo ang inihain sa husgado laban sa isang Kalihim kaugnay ng diumano’y paninirang-puring inilathala pa sa social media. Sa reklamong inihain ni dating Manila Times reporter Jaime Aquino sa Office of the Ombudsman sa Quezon City, pinaratangan umano siya ni Cagayan Economic Zone Authority Chairman Atty. Raul Lambino ng pagtanggap ng tumataginting na P30 milyong suhol mula sa kalabang pulitiko ng sinampahan ng kaso (Lambino). Bukod sa naturang Kalihim, pasok din sa demanda ang kabiyak nitong si Mangaldan, Pangasinan Mayor Mary Marilyn Lambino. Ayon kay…
Read MoreOPISYAL NA PAHAYAG tungkol sa JEEPNEY PHASE-OUT
Mariing pinaninindigan ng AP Partylist ang aming pahayag ukol sa usapin ng jeepney phase-out kasama si Coco Martin noong Grand Rally sa Cebu noong ika-1 ng Marso. Muli, naninindigan kami na tumututol kami HINDI sa modernisasyon ng mga jeepney sa bansa na makakatulong sa lahat, higit na sa ating mga pasahero at sa kalikasan kundi sa JEEPNEY PHASE-OUT na magiging dahilan ng PAGKAWALA NG TRABAHO ng ating mga drayber at operator na kasalukuyan pa rin nahihirapan sa panahon ng pandemya at pagtaas ng presyo ng krudo. Nasimulan ang modernisasyon bago…
Read MoreCONCEPCION: MGA PINAY ENTREPRENEUR, KAYANG IBANGON ANG EKONOMIYA
Kayang ibangon ng mga Pinay entrepreneur ang ekonomiya ng bansa. Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, dahil kababaihan ang bumubuo ng halos 90 porsiyento ng micro at small entrepreneurs sa bansa, ang pagpapalakas ng bahaging ito ng populasyon ay isang malaking hakbang para maibangon ang Pilipinas mula sa Covid-19 pandemic. “We need to inspire and motivate our women entrepreneurs,” sabi ng Go Negosyo founder. Inihahanda na ng Go Negosyo ang Women 2022 Entrepreneurship Summit na gaganapin online ngayong araw, Marso 11 sa 9 ng umaga. Higit sa 15,000…
Read MoreDOH-MMCHD Urges Parents to Have their Children Vaccinated and the Public to Avail of the Booster Dose
The Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) continuously executes all possible strategies specific to population groups and exhausts all efforts to locate the remaining unvaccinated individuals or those who are yet to complete their vaccination with the second dose or booster. With the recent report of vaccination not being required for face-to-face classes in the country, a number of parents are seeing vaccination for their children as optional. With the foreseen resumption of physically conducted classes and even if schools’ teaching and non-teaching personnel will…
Read More