P20-M DROGA HULI SA 2 CHINESE NATIONALS

DALAWANG Chinese nationals ang nahulihan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 3 kilo ng hinihinalang shabu sa panibagong anti-narcotics operation sa Quezon City.

Nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Intelligence Service, PDEA RO-NCR QCDO, AFP, NICA, PDEG SOU NCR, QCPD DDEU ang 3 kilo ng shabu na may street value na P20,400,000.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nagsagawa muna ng case build-up at intelligence operation sa mga suspek bago isinagawa ang anti-illegal drug operation sa Unit 705 ng Nice Hotel sa Mary Street, Brgy. E. Rodriguez, Quezon City kamakalawa ng gabi Batay sa report na isinumite ni Intelligence Service Director Adrian Alvarino, kinilala ang dalawang suspek na kapwa Chinese national na sina Zeng Shiliang at Lee Jack.

Ayon kay Director Alvarino, binentahan ng mga suspek ng isang kilong shabu ang awtoridad na umaktong poseur buyer na signal para dakpin ang mga ito

Bukod sa nasamsam na droga sa buy-bust operation ay nahulihan din ang mga suspek ng dalawang kilo pa ng hinihinalang shabu, dalawang unit na Smartphone, dalawang driver license, bundle ng mga dokumento at ang ginamit na boodle money

Sinabi pa ni Alvarino, ang dalawang banyaga ay may link sa mga naaresto sa Valenzuela City na tinaguriang “The Company” na pinatatakbo ng malaking drug syndicate sa Pilipinas.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 &11 ng Art.  II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek. (JESSE KABEL)

386

Related posts

Leave a Comment