DAAN-DAANG Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa bansang Japan ang nagsagawa ng isang parada upang ihayag ang kanilang solidong pagsuporta sa BBM-SARA UniTeam sa darating na Mayo 9, 2022 national elections. Kitang-kita sa video na ini-upload sa Facebook page ng Sonshine Media Network International (SMNI) nitong Sabado, na maraming OFWs ang sumusuporta sa kandidatura nina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte. Nagmula sa iba’t-ibang siyudad gaya ng Osaka at Ibaraki Prefecture ang halos limandaang indibidwal na nakilahok sa parada na tinaguriang…
Read MoreAuthor: admin 2
PULITIKA SINISILIP SA TANGKANG PAGPATAY SA QUEZON MAYOR – QUEZON PNP CHIEF
INFANTA, Quezon – Pulitika ang isa sa mga tinitingnang motibo sa tangkang pagpaslang kay Mayor Filipina Grace America noong Linggo, ayon sa pinakamataas na opisyal ng pulis sa lalawigan. “Isa ang pulitika sa mga subject ng aming isinasagawang validation sa mga possible motives,” ang pahayag ni Colonel Joel Villanueva, Quezon police chief, sa phone interview nitong Lunes. Ngunit niliwanag ni Villanueva na pinag-aaralan din nila ang iba pang posibleng dahilan sa pamamaril kay America. Sinabi pa ng opisyal ng pulisya na activated na rin ang kanilang “Election Related Incident Validation…
Read MoreP1.4-M SHABU NASAMSAM SA 16 TULAK SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1.4 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa 16 hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigang ito. Kinilala ang mga arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite dakong alas-5:50 noong Linggo ng gabi sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, na sina Alinader Alikan y Mamocarao, 36; Leo Bacay y Dichosa, 41, at Jamal Imam y Alonto, 30-anyos. Narekober sa mga ito ang tinatayang 200 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,360,000. Sa…
Read MoreBABY BUS NALAGLAG SA TULAY, 31 SUGATAN
CAVITE – Sugatan ang 31 katao, kabilang ang dalawang bata, nang mahulog mula sa tulay ang sinasakyang baby bus sa pababang bahagi ng ng kalsada sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Unang isinugod ang mga biktima na pawang mga residente ng South Morning View Subdivision, Timalan, Balsahan, Naic, Cavite, sa San Lorenzo Ruiz Hospital sa Naic, at Cavite Municipal Hospital sa Maragondon ngunit inilipat sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital sa Trece Martires City. Habang ang driver ng baby bus na may plakang DXE 277, na si…
Read MoreROADSIDE BOMB NADISKUBRE BAGO PA PASABUGIN
NAPIGILAN ng mga tauhan ng Joint Task Force Sulu ang tangkang pagpapasabog sa itinanim na roadside bomb sa Daan Putih, Brgy. Anuling, Patikul, Sulu noong Linggo. Ayon kay 35th Infantry Battalion commander, Lt. Col. Domingo S. Robles Jr., nakatanggap sila ng sumbong mula sa mga residente ng nasabing barangay kaugnay sa improvised explosive device (IED) na natagpuan sa tabi ng kalsada. Dahil dito, mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Philippine Army para beripikahin ang ulat. Ayon kay Robes, katuwang ang Metro Jolo Inter-Agency Task Group, K9 Team at 37EOD…
Read MoreSORSOGON MULING BINUKSAN SA TURISTA
MULING binubuksan ng Sorsogon ang pintuan nito para sa mga biyaherong lokal at dayuhan nang may mas magagandang imprastruktura, mas maayos na pasilidad, at mga karagdagang atraksiyon sa ilang lugar ng turismo, ayon kay Gov. Chiz Escudero. Tiniyak ni Escudero na isang mas maganda at mas maayos na probinsiya ang daratnan ng mga turista kapag bumisita sila sa Sorsogon ngayong niluwagan na ang mga restriksyon sa pagbibiyahe dahil na rin sa pagbaba ng bilang mga kaso ng COVID-19 sa bansa. “Noong nagsara ang mundo nang dahil sa pandemya, ginawa namin…
Read MorePOLICE VISIBILITY PALALAKASIN SA ALERT LEVEL 1
MAS paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang police visibility sa mga lansangan at mga pook pasyalan ngayong maluwag na ang restriksyon sa Metro manila at 38 iba pang mga lugar sa bansa. Ayon kay PNP chief, Police General Dionardo Carlos, magkakaroon sila ng mas maigting na police visibility sa mga pampublikong lugar bunsod ng inaasahang pagdami ng mga taong lalabas dahil sa pinaluwag na restrikyon sa COVID-19. Inihayag din ni PNP-National Capital Regional Police office director, P/Maj. General Vicente Danao na nakahanda ang kanilang puwersa sa kalakhang Maynila sa…
Read MoreSangkot sa sugal, fraud, iba pang krimen PNP NAALARMA SA PAGDAMI NG ARMED CHINESE
NABABAHALA ang Philippine National Police (PNP) sa ulat na nagiging talamak ang mga kasong kinasasangkutan ng mga armadong Chinese partikular sa Metro Manila. Ito ay kasunod ng pagkakapatay sa tatlong umano’y Chinese kidnappers na nakipagbarilan sa mga awtoridad sa Parañaque City nitong Linggo. Sa ikinasang operasyon ng PNP Anti-Kidnapping Group kasama ang Pasay at Parañaque PNP, nasagip din ang dalawang Tsinong inabutan pang nasa loob ng kulungan ng mga aso. Ayon kay Southern Police District director Jimili Macaraeg, matagal na nilang binabantayan ang kilos ng sindikato sa likod ng serye…
Read MoreGORDON SINOPLA NG PASAY RTC
MISTULANG sinopla ng Pasay City Regional Trial Court ang mandamyento de arestong inilabas ng Senate Blue Ribbon Committee kalakip ng contempt na ipinataw ni Senador Richard Gordon sa negosyanteng si Rose Nono Lin kaugnay ng hindi pagdalo sa pagdinig sa kontrobersyal na Pharmally procurement deal sa gobyerno. Sa anim na pahinang kalatas ni Judge Elenita Dimaguila ng Pasay City RTC 122, kinatigan ng husgado ang petisyong inihain ni Lin sa di umano’y hindi makatwirang warrant of arrest na ipinalabas ng komiteng pinamumunuan ni Gordon sa kabila pa ng mga katibayang…
Read More