INIUTOS ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-imbestiga sa pagpaslang sa isang mag-asawa na umano’y binaril ng mga pulis na naghain ng search warrant sa Nasugbu, Batangas. Dinaluhan nina Rosenda Lemita, ina ng biktimang si Ana Mariz Lemita-Evangelista, at Atty. Julian Oliva Jr. ng National Union of People’s Lawyer (NUPL), ang preliminary investigation sa nasabing kaso nitong Miyerkoles ng umaga. Bukod kay Ana Mariz, napatay rin sa insidente ang kanyang mister na si Ariel Evangelista, na kapwa natadtad ng bala sa iba’t ibang bahagi…
Read MoreAuthor: admin 2
DRUG DEN CARETAKER, 2 PA TIKLO SA P100K SHABU
ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang umano’y drug den sa Caloocan City noong Martes. Swak sa hoyo ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Reggie”, itinuturong caretaker ng nasabing drug den sa Barangay 43 ng naturang lungsod, gayundin ang dalawang umano’y alalay nito. Nabatid, isang undercover cop ang umiskor ng shabu kay Reggie at makaraan ang kaliwaan ng marked money at epektus ay dinamba ng mga awtoridad ang mga suspek. Umabot sa 15…
Read MoreBureau of Customs CIENTO VEINTE Ni ANGEL F. JOSE
SA loob ng mahabang panahon, naging sandigan ng ekonomiya ng bansa ang Bureau of Customs (BOC) na ang tanging mandato ay pangasiwaan ang kalakalan ng Pilipinas sa iba pang bansa sa mundo. Katunayan, higit pa sa karaniwang kawanihan ang ambag ng ahensyang higit na kilala bilang isa sa pangunahing pinaghuhugutan ng pondong ginagamit ng gobyerno para matustusan ang mga makabuluhang programa at kapaki-pakinabang na mga proyekto. Sa datos ng Department of Finance (DOF), lumalabas na tanging ang BOC ang tagumpay na nakaabot ng itinakdang target na kita sa mga ahensyang…
Read MoreStatement on the Antique caravan-cum-rally:
“The caravan-cum-rally which was set for February 24, 2022 by the BBM-Sara UniTeam in Binirayan Sports Complex, San Jose De Buenavista in the province of Antique was not cancelled. It was reset to another date. We decided to adjust our schedule to a later date in the spirit of peace and unity. Atty Vic Rodriguez Chief of Staff and Spokesman of presidential candidate Bongbong Marcos 325
Read MoreMARCOS PRAYORIDAD ANG KAPAKANAN NG MGA FILIPINO WORKER
ISA sa bibigyang pansin ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kung sakaling mahalal bilang pangulo ngayong darating na Mayo ay ang paglutas sa mga problemang bumabagabag sa mga manggagawa at upang masiguro ang kanilang proteksyon at kapakanan. Sa pagtitipon ng mga opisyal ng labor-focused party-list groups, Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at ang Associated Labor Unions (ALU), tinalakay ni Marcos ang mga problema at isyu ng labor sector bago inilatag ang kanyang mga plano at programa. Habang sinuportahan ni Marcos ang pagtatatag ng departamento para sa migrant…
Read MoreCCP ONLINE PASINAYA SA PEB. 26-27 MAGDIRIWANG NG DIWA NG EDSA
Dalawang taon sa pandemya, ang CCP Pasinaya Open House Festival ay magpapatuloy sa kanilang online platform sa Pebrero 26-27 sa pareho ring temang Sana All Lumilikha, Lumalaya. Nagdiriwang ng ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power, ang Pasinaya 2022 ay naglalaman ng diwa at nagpapakita ng kapangyarihan ng sining sa pagbabagong panlipunan at pagbibigay-kapangyarihan. Ang Pasinaya 2022 ay dalawang-araw na virtual event na magpapakita ng iba’t ibang aktibidad sa performing arts, literary arts, visual arts, film at broadcast arts. Katatampukan ito ng exhibit, forum, digital timeline at pagpapailaw ng harapan ng…
Read MorePamalit sa tatlong nagretiro NOMINADO SA COMELEC, DAPAT NANG ISAPUBLIKO
ISANG panawagan ang ipinarating ng election watchdog kay Pangulong Rodrigo Duterte. Giit ng National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel) dapat nang ihayag ng Pangulo sa lalong madaling panahon ang mga pangalan ng mga nominadong posibleng ipalit sa mga nagretirong opisyal ng Commission on Elections (Comelec). Katwiran ng Namfrel, dapat munang makilatis ng publiko ang mga aplikante o nais ilagay ng Pangulo sa pwesto sa gitna ng agam-agam na isang taga-Davao ulit ang italaga sa pwesto. Dapat rin anilang bigyang halaga ang sentimyento ng mga botante sa pagpili ng mga…
Read MoreHindi lang mga COVID positive OFWs SA HK NA WEEKLY MAG-DAY OFF SIBAK DIN SA TRABAHO
HINDI lang ang mga nagpopositibo sa COVID-19 na Filipino workers sa Hong Kong ang tinatanggal sa trabaho kundi maging ang mga nagde-day off linggo-linggo. Ito ang nabatid kay House assistant majority leader Nina Taduran kaugnay ng kalagayan ng overseas Filipino workers (OFWs) sa gitna ng paglaganap ng COVID-19 sa administrative region na ito ng People’s Republic of China. “I have heard also of reports saying that these OFWs get terminated by their employers justbecause they insist on using their day off,” ayon sa mambabatas.Dahil dito, kailangan aniyang kumilos ang konsulada…
Read MoreKaya suportado ng mga negosyante at residente ng BoracayMAY PAG-ASA SA MARCOS PRESIDENCY
BORACAY ISLAND, Aklan — Nakakita ng pag-asa kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga negosyante at residente ng kilalang tourist destination na ito na matinding naapektuhan ng pandemya. Kaya naman nananawagan sila kay Marcos Jr. na pagtuunan ng pansin ang muling pagbangon ng turismo sa kanilang lugar kapag nanalo ito sa darating na halalan sa Mayo 2022. Kilala sa pino at mala-gatas na buhangin at kulay asul na tubig, ang Boracay ang itinuturing na nangungunang tourist spot sa bansa at kilala ring malaki ang ambag sa ekonomiya. Bago…
Read More