BATANGAS – Malalimang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkawala ng limang kalalakihan mula sa Bulacan at hindi na nakauwi matapos na magpunta sa sabungan sa Lipa City, Batangas. Kinilala ng Calumpit Municipal Police Station ang dalawa sa mga biktima na sina Edgar Malaca, 50-anyos, barangay kagawad, at Alexander Quijano, 50-anyos, parehong residente ng bayan ng Calumpit. Base sa salaysay ng kapatid ni Malaca, bandang alas-10:30 ng gabi noong Enero 6, 2022 nang umalis ang kapatid nito at kaibigan sakay ng puting van patungo sa sabungan sa Lipa City para magsabong. Kinabukasan, nakausap pa…
Read MoreAuthor: admin 2
PNP NAGTALAGA NG LADY SPOKESPERSON
BUKOD kay Police Brigadier General Roderick Alba, hepe ng PNP Public Information Office (PIO), nagtalaga na rin ng isang opisyal na tagapagsalita ang pamunuan ng Philippine National Police. Isang lady spokesperson ang hinirang ni PNP chief, Police General Dionardo Carlos bilang tagapagsalita sa mga isyu na may kaugnayan sa pinuno ng pambansang pulisya. Si Police Colonel Jean Fajardo, isang PNPA graduate at lady lawyer, ang itinalaga ni Gen. Carlos bilang kanyang bagong tagapagsalita. Miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Kaagapay” Class of 1996 at nagtapos ng abogasya sa Jose…
Read More343 HULI SA GUN BAN
PATULOY sa pagtaas ang bilang ng nahuhuling lumalabag sa ipinaiiral na total gun ban ng Commission on Elections na ipinatutupad ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine kaugnay sa papalapit na eleksyon. Pumalo na sa 343 ang bilang ng mga lumabag sa nationwide gun ban na ipinatutupad na 45,638 Comelec-PNP-AFP checkpoints, mula sa naitalang 318. Sa datos na ibinahagi ng PNP, 25 ang pinakahuling nadagdag, 23 ang sibilyan at dalawa naman ang security guards. Lahat aniya ng mga naaresto ay kanila nang sinampahan ng kaukulang kaso. Sa kasalukuyan…
Read MoreBAYANIHAN 3, DDR BILL TINULUGAN SA KAMARA
NANAWAGAN si dating House Speaker Rep. Alan Peter Cayetano sa kanyang kapwa mambabatas sa Mababang Kapulungan na maipasa na ang Bayanihan 3 and Department of Disaster Resilience (DDR) bill bago magsara ang sesyon sa darating na Pebrero 4. Ani Cayetano, higit na kailangan ngayon ang “political will” sa hanay ng mga senador, kongresista at Palasyo sa hangaring maisalang sa plenaryo ang aniya’y dapat sana’y iprayoridad lalo pa’t mayroon ng lamang dalawang linggo ang nalalabi bago magdeklara ng adjournment na hudyat ng simula ng kampanya. “Parang basketball din ‘yan, yung last…
Read MoreAMINADONG MABAGAL DAHIL SA HALALAN
PAGKATAPOS ng halos dalawang taon, nanatiling dambuhalang hamon ang nakamamatay na pandemya – sa kabila pa ng mga nagsulputang gamot kontra COVID-19. Ang totoo, hindi lamang naman tayong mga Pinoy ang dumaranas ng dagok na dala ng salot. Pero sadyang katangi-tangi ang Pilipinas, batay sa pag-amin ng isa sa mga punong tagapagpaganap ng National Task Force Against COVID-19. Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, bumagal ang dati nang makupad na vaccine rollout, sabay sisi sa dalawang pangyayari – ang pananalasa ng bagyong Odette noong Disyembre 16 at ang nalalapit na…
Read More19 MOST WANTED SA BATANGAS, TIKLO
BATANGAS – Arestado ang 19 na wanted persons dahil sa iba’t ibang kaso, sa isinagawang tatlong araw na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Batangas Police Provincial Office BPPO noong Enero 21, 2022. Kabilang sa inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Taysan at Pagbilao Municipal Police Stations sina Ralf Michael Villegas at Lecer Tacuyan na kapwa kabilang sa most wanted person-regional level rank 5 at 6 dahil sa kasong murder. Kasong rape at lascivious conduct naman ang kinahaharap ng suspek na si Rodolfo Guevarra habang si Mark Jhayson Gamban…
Read MoreLOLA, 3 PANG SALISI TINUTUGIS NG PULISYA
CAVITE – Puntirya ng manhunt operation ng Cavite Police ang isang 64-anyos na lola na miyembro umano ng Salisi gang at pabalik-balik na sa kulungan dahil sa kahalintulad na kaso, at tatlong kasapakat nito matapos salisihan ang dalawang kababaihan sa loob ng shopping mall sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Kinilala ng mga biktimang sina Ansherina Mae Gamores y De Los Santos, call center agent, at Bea Joy Marquez y Pineda, project assistant ng Department of Science and Technology (DOST), ang suspek sa pamamagitan ng Rogues Gallery na si…
Read MoreMilitary service para sa bayan SARA NAKAKUHA NG SUPORTA SA KAMARA
NAKAKUHA ng suporta sa Kamara si presidential daughter at vice presidential candidate Sara Duterte sa kanyang panukalang “military service” sa mga Pilipino pagtuntong ng mga ito sa edad 18-anyos. “Military service for our youth is great for nation-building. Besides improving in a big way our national defense preparedness, military service will also instill in young Filipinos a deeper sense of duty to the country,” pahayag ni House Assistant Majority Leader Eduardo. Magugunita na umani ng pagtutol ang panukala ni Duterte, running mate ni presidential aspirant Bongbong Marcos, mula sa mga militanteng…
Read MoreKinuwestyon na ng COA FOOD PACKS NI MAYOR JOY LABAG SA PROCUREMENT LAW
KINUWESTIYON na ng Commission on Audit (COA) si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa P479 million halaga ng COVID-19 pandemic procurement na ginawa ng kanyang tanggapan sa simula ng pandemya noong 2020. Ito ang nabatid kay Anakalusugan Representative at mayoralty bet Mike Defensor, na pruweba aniya na hindi pamumulitika ang isiniwalat nitong pagbili ng QC government ng food packs na umano’y overpriced. Ayon sa mambabatas, sinabi ng COA na nilabag ng City government ang procurement law at implementing regulation kasama ang accounting rules sa biniling food packs na nagkakahalaga ng…
Read More