EJ ‘di na kailangang magbitiw

BAGO pa ang gusot sa pagitan ni Pilipino pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ay marami nang alok na natatanggap mula sa ibang mga bansa ang “Flying Pinoy.” Isinawalat ito mismo ng dati niyang American coach na si Jim Lafferty sa isang panayam sa telebisyon. “He (EJ) had gotten offers from other countries even before being embroiled in a controversy with the national athletics federation.” Ilang araw lamang ang nakalilipas ay inakusahan si Obiena ng PATAFA ng pagdispalko sa perang laan para…

Read More

2 DEHADO, PANALO

NANGIBABAW ang bagitong Zamboanga Sibugay at dehadong Kapatagan laban sa paborito nilang mga karibal sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Challenge nitong weekend sa Pagadian City Gymnasium, Zamboanga Del Sur. Ginapi ng Zamboanga Sibugay ang Iligan, 95-71, habang dinungisan ng Kapatagan ang dating imakuladang Basilan BRT, 77-71, sa kauna-unahang professional basketball league sa South. Pinangunahan ni Joseph Peñaredondo ang opensa ng Anak Mindanao Warriors sa naiskor na 24 puntos, para sa ikalawang sunod na panalo matapos ang 0-2 simula, habang natamo ng Iligan ang ika-apat na sunod na kabiguan.…

Read More

BILANG NG MGA PINOY NA NAGSABING MAHIRAP SILA, BUMABA

WELCOME sa Malakanyang ang resulta ng pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakita ng pagbaba ng pamilyang Pilipino na kinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap. Ayon sa September 2021 SWS survey, 45% (11.4 milyon) ng pamilyang Pilipino ang kinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap, “3% na puntos na mas mababa noong Hunyo 2021. “The increasing vaccination rates and the declining COVID-19 infections “put us in a position to safely expand economic activities that will positively impact employment and reduce poverty,” ayon kay acting Presidential spokesperson and Cabinet Secretary Karlo…

Read More

MINIMUM WAGE EARNERS LUGI SA SWAB TEST

WALANG ibang agrabyado sa patakaran ng gobyerno na ipasagot sa mga manggagawang tumatangging magpabakuna, ang kanilang regular na RP-PCR test kundi ang minimum wage workers. Ito ang dahilan kaya pinapalagan ng Makabayan bloc sa Kamara ang polisiya ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ipasagot sa mga manggagawa ang kanilang regular na swab test para makapasok ang mga ito sa trabaho. Walang itinakda kung ilang beses magpapa-RT-PCR test ang mga manggagawa kada buwan subalit kahit isang beses ay malaki na ang mawawala sa kanila. “This policy is unfair, as the costs…

Read More

SUSPENDED INBOUND FLIGHTS NADAGDAGAN

NADAGDAGAN pa ang mga bansa na pansamantalang hindi tatanggapan ng biyahero ng Pilipinas dahil sa banta ng bago at posibleng mas nakahahawang COVID-19 variant. Kabilang sa sinuspinde ang inbound flights mula Hong Kong. Gayunman, sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hinihintay pa nila ang magiging anunsyo ng Inter-Agency Task Force ( IAT) kasunod ng pinal na rekomendasyon mula sa Technical Working Group on COVID-19 Variants and other agencies. Nilinaw naman ni National Task Force Against COVID-19 Restituto Padilla na hindi ipagbabawal ang paglabas sa bansa…

Read More

Isasampa ng 9 bokal PLUNDER VS GOV. SUAREZ, ET AL.

MAGSASAMPA ng kasong plunder o pandarambong ang siyam na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon laban sa mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng kanilang gobernador sakaling ituloy ng mga ito ang pagpapalabas at paggamit sa 2021 Annual Budget ng probinsya. Ayon sa siyam na miyembro ng Sanggunian sa pangunguna ni Majority Leader Bokal Sonny Ubana, gagawin nila ang pagsasampa ng kaso sa hukuman laban kina Gov. Danilo Suarez at mga department heads ng Kapitolyo sa oras na gamitin ng mga ito ang annual budget kahit hindi pa nareresolba…

Read More

3M TARGET NG DOH 4-A SA NAT’L VAX DAY

CALAMBA CITY, Laguna-Tinatayang 3 milyong residente ang target mabakunahan ng Department of Health – Calabarzon sa 3-day National Vaccination na magsisimula ngayong araw hanggang sa Miyerkoles. Nakahanda na ang vaccination teams na magpo-focus sa mga lugar na may mabababang vaccination coverage at target na makapagbakuna ng 1 milyon kada araw. Ayon kay DOH-Calabarzon Regional Director Ariel I. Valencia, kabilang ang GIDA o Geographically Isolated and Disadvantaged Areas na target at island communities na kanilang aasistehan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa COVID-19 at ang kahalagahan ng pagpapabakuna…

Read More

14-ANYOS PATAY SA DEMOLISYON

NAWALAN na ng bahay, nawalan pa ng mahal sa buhay ang isa sa mga residenteng dinemolis sa Brgy. Mayamot, Antipolo City. Sinabing inatake sa puso ang 14-anyos na si Mica Antoinette Ferrer nang makitang ginigiba ng demolition team ang kanilang bahay kamakalawa sa V.V. Soliven Open Space sa naturang barangay. Alas-3:00 ng hapon nang simulan ang paggiba sa kabahayan ng nasa 100 pamilya. Ang demolition team ay sinamahan ng mga armadong pulis at assault team na pinangunahan ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay. Bunga nito, hiniling ng pamilya…

Read More

BOKSINGERO NADALE SA KURYENTE

HINDI sa suntok kundi sa kuryente nasawi ang dating boksingero nang madikit ito sa high tension wire habang nagkukumpuni ng bubong sa bayan ng Magsaysay, Davao Del Sur. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Gerardo “Gerry” Quiñones, 48-anyos. Ayon sa ulat, nagpapalit ng bubong sa ikalawang palapag ng gusali ang biktima nang madikit ito sa kable ng Davao del Sur Electric Cooperative. Napabilang ang biktima sa larangan ng boksing nuong dekada 90. Nang matapos ang karera ay pumasok siya sa construction. (JESSE KABEL) 246

Read More