PATAY ang isang miyembro umano ng terrorist group na Dawlah Islamiya sa pakikipagsagupaan sa mga tauhan ng Polomolok PNP sa South Cotabato. Kinilala ni Police Lt. Redin Cuevas, deputy chief of police ng Polomolok, ang napatay na si Esmael Sambial, spotter din umano ng Ali Boy Nilong terror group at responsable sa recruitment ng grupo sa Brgy. Basag, Tboli at iba pang barangay sa Polomolok. Namataan si Sambial kasama ang kanilang lider na si Zadee Nilong, alyas Ali Boy ilong at nasa 15 pang armadong kalalakihan. Ngunit nakatakas ang mga…
Read MoreAuthor: admin 2
14 DAYS QUARANTINE SA TRAVELLERS PINABABALIK
IMINUNGKAHI ng isang health expert ang pagsasailalim muli sa 14 days quarantine ng mga international traveller na pumapasok sa bansa kasunod ng nakaambang panganib sa bagong COVID-19 variant na Omicron. Ayon kay Dr. Tony Leachon, dating tagapayo ng pamahalaan, dapat ding dagdagan ang mga bansang iba-ban partikular ang mga nakitaan ng naturang variant. “Dapat iyan repasuhin at ibalik sa mas mahigpit na quarantine kasi itong ganitong mga variant, nag-i-increase ang transmission nito,” ayon kay Leachon sa panayam ng ABS-CBN’s TeleRadyo. Sa kasalukuyan, ang mga biyahero mula sa mga bansa na…
Read MorePara sa kaligtasan ng bikers BICYCLE LANES DAGDAGAN -DEFENSOR
NABABAHALA si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na posibleng lumala pa ang disgrasya sa hanay ng mga biker dahil sa kakulangan ng imprastraktura para sa mga ito. Ito’y sa gitna ng parami nang paraming nagbibisikleta papasok sa trabaho dahil sa kawalan ng masasakyan at upang makaiwas ang mga ito sa COVID-19. “In Metro Manila alone, we saw a 48 percent jump in bicycle road crashes in 2020. The rate of increase in accidents this year is bound to be even higher, considering that more people are choosing to go to…
Read MoreAIRPORTS, SEAPORTS BANTAYAN – ACT-CIS
NANANAWAGAN ang ACT CIS Party-list sa mga kinauukulan na bantayan ang airports at seaports ng bansa para hindi makapasok ang bago at malakas na strain ng covid virus na Omicron na galing South Africa. Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “dapat ngayon pa lang maghigpit na ang Immigration, Bureau of Quarantine at iba pang ahensya na nagmomonitor ng pagpasok ng mga tao sa ating bansa”. “Naalala ko kasi naghigpit tayo sa ating mga borders pero nakapasok na ang Delta variant noon,” ayon kay Yap. Aniya, “ngayon pa lang lahat…
Read MoreHIGIT 6K ANTI-COVID TABLETS IPAMAMAHAGI SA MGA OSPITAL SA MAYNILA
IPAMAMAHAGI na ang 6,600 tableta ng Anti – COVID drug na Baricitinib makaraang tanggapin nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Doktora Honey Lacuna – Pangan nitong Biyernes, para sa mga pasyenteng nakararanas ng moderate to severe symptoms. “Pumanatag kayo dahil kasama niyo kami ni Vice Mayor Honey Lacuna at ang buong pamahalaang lungsod ng Maynila dito sa ating kinakaharap na pandemya,” pahayag ng alkalde. “Patuloy kaming magsisikap na maging mainam, masinop, at episyenteng mga lingkod-bayan,” dagdag pa nito. Ayon sa US Food and Drug Administration, nakita na mayroong…
Read MorePAGPAPAALIS NG CHINA SA PH GROUNDED SHIP SA AYUNGIN SHOAL, HINDI KATANGGAP-TANGGAP
“NO one can legally prevent us from exercising our rights. Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas,” ito ang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go, bilang reaksyon sa demand ng Chinese government sa Pilipinas na alisin ang grounded ship na BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal. Nag-ugat ang pahayag ng senador sa isang insidente na naganap sa shoal, na matatagpuan sa West Philippine Sea, nang harangin ng mga barko ng Chinese Coast Guard at bombahin ng tubig ang mga barko ng Pilipinas na maghahatid sana ng mga bagong suplay ng…
Read MoreSPOX NI DIGONG ‘BEST BET’ SI BONGBONG; KASALI SA SENATE LINE-UP NG BBM-SARA UNITEAM
INANUNSYO ng dating tagapagsalita ng Malakanyang na si Herminio “Harry” Roque Jr., na ini-endorso niya si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa darating na halalan sa 2022. Sa isang liham na ipinadala ni Roque kay Marcos, chairman ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), nitong Nobyembre 25, bukod sa pag-endorso nito sa huli sa pagka-pangulo, sinabi rin ng dating tagapagsalita ni Pres. Duterte na tinatanggap niya ang alok ng PFP na maging guest candidate ng partido bilang senador. “This is to accept the adoption of Partido Federal ng Pilipinas as…
Read MoreWAKASAN ANG MALNUTRISYON – BBM-SARA UNITEAM
PAIIGTINGIN ng BBM-Sara UniTeam ang kampanya laban sa malnutrisyon sa bansa na dulot umano ng kahirapan at pinalala ng epekto ng pandemya sakaling mapagtagumpayan ng nasabing tambalan ang halalan sa susunod na taon. Noon pa man ay isang seryosong problema na sa Pilipinas ang malnutrisyon. Ang bansa ay ika-lima sa East Asia at Pacific area na may pinakamaraming bilang ng mga batang kulang sa nutrisyon at kabilang din ito sa nangungunang sampung bansa sa buong mundo sa bilang ng mga batang nababansot. Ayon kay BBM-Sara UniTeam, napabilang ang Pilipinas sa…
Read More1 pa sugatan LOCAL CANDIDATE, DRIVER PATAY SA AMBUSH SA PAMPANGA
NILIKIDA ng mga hindi pa nakikilalang gunmen ang isang kandidato sa pagka-konsehal sa bayan ng San Simon sa lalawigan ng Pampanga ngayong Sabado. Dead-on-the-spot ang local bet na si Rogelio “Jon” Salvador sa pamamaril na naganap bandang alas-7:30 ng umaga sa San Simon-Baliwag Road sa Barangay San Miguel. Ayon sa impormasyon ng mga imbestigador mula sa ilang saksi, sakay ng kanyang SUV si Salvador kasama ang hindi nakilalang driver nito at isa pang indibidwal. Ang mga salarin naman ay pasalubong sa mga ito na tumatahak sa kabilang lane ng national…
Read More