3-DAY NAT’L VAX DAY KASADO NA

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalidad na ipaabot ang lahat ng posibleng suporta sa “Bayanihan Bakunahan” program na pangungunahan ng Department of Health at Department of Interior and Local Government. Ang aktibidad na tatakbo mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, ay naglalayong bakunahan ang 15 milyong Pilipino sa 16 rehiyon sa labas ng Kalakhang Maynila. Sa kasalukuyan, may 32.9 milyong Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19. “The Bayanihan Bakunahan” project seeks to significantly add to this figure, as we have…

Read More

Dumaranas ng 3rd wave COVID-19 infections BORDER CONTROL SYSTEM IKINASA VS UK

NAKAKASA na ang border control system ng bansa upang matiyak na hindi makakapasoK sa Pilipinas ang mga pasaherong magmumula sa United Kingdom na positibo sa COVID-19. Ang pahayag na ito ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire ay kasunod ng ulat na nakararanas ngayon ng 3rd wave ng COVID-19 cases ang ilang bansa sa UK. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Vergeire na gumagamit na ngayon ang bansa ng metrics o sistema na katulad sa Center for Disease Control ng Estados Unidos at alinsunod sa standards ng World Health Organization (WHO).…

Read More

‘TANDEM VOTE’ ISUSULONG SA SENADO

PLANO ni Senador Win Gatchalian na maghain ng panukalang batas na mag-aamyenda sa Konstitusyon upang imandato ang “tandem vote” sa ihahalal na presidente at bise presidente nito tuwing halalan. Ayon kay Gatchalian, napapanahon na para gayahin ang pinaiiral sa Estados Unidos sa pagboto ng presidente at bise presidente upang masiguro na ang maluluklok na dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay manggagaling sa hanay ng pareho o magkaalyadong partido. “Dapat gawing tandem ang pagboto sa president at vice-president. Sa pagpili ng presidenteng iboboto, kasama na dapat sa konsiderasyon ang napiling…

Read More

Kulang sa abiso na under construction pa 1 PATAY SA OBISPO BRIDGE SA CAVITE

CAVITE – Isa ang namatay makaraang mahulog ang dalawang sasakyan sa kinukumpuning tulay sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi at nitong Lunes ng madaling araw. Ayon sa ulat, dalawang sasakyan ang nahulog sa Obispo Bridge sa Antero Soriano Highway sa magkahiwalay na insidente. Unang nahulog ang kotseng itim na may lulang tatlo katao na pawang mga nakainom ng alak, noong Linggo ng gabi. Sumunod namang nahulog ang isang puting van nitong Lunes ng madaling araw, lulan ang tatlong magkakapamilya na ikinamatay ng isa sa mga…

Read More

RAPE SUSPECT NA AYAW PAHULI, NAGBIGTI

CAVITE – Sa pangambang siya ay mahuli ng mga awtoridad, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang caretaker na top 4 most wanted person sa Muntinlupa Police dahil sa kasong 10 counts ng rape, sa isang apartment na binabantayan niya sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Arturo Basilio, alyas “Bangs”. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Glenn Soriano ng Silang Police Station, ala-1:45 ng hapon noong Linggo nang napansin ni Jhonna Lumunsod, 37, factory worker, nakatira sa isang unit ng apartment, na bukas ang pintuan…

Read More

TURKISH PATAY SA DYOWANG PINAY

LAGUNA – Patay ang 63-anyos na Turkish national nang saksakin ng kanyang live-in partner na Pinay nang magtalo sa kanilang bahay sa sa bayan ng Los Baños sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ng Los Baños Police ang biktimang si Fetullah Yaldizci habang ang suspek ay ang kinakasama nitong Pinay na si Fatma Vivas-Yaldizci, 32, nakatira sa Barangay Tadlac. Batay sa imbestigasyon, nagkasagutan ang dalawa sa kanilang bahay habang sila ay nag-iinuman matapos paluin ng biktima ang kanilang 3-anyos na anak na batang lalaki dakong alas-9:00 ng gabi. Dahil…

Read More

BRGY. CHAIRWOMAN, ITINUMBA SA STA. ROSA

LAGUNA – Patay sa pamamaril ang senior citizen na barangay chairwoman sa harap mismo ng barangay hall sa lungsod ng Sta. Rosa sa lalawigang ito, nitong Lunes ng tanghali. Nabatid mula sa Sta. Rosa City Police Station, kinilala ang biktimang si Lorena Presbitero De Jesus, 60, kapitana ng Barangay Kanluran. Ayon sa inisyal na imbestigasyon na nakarating kay Laguna Police Public Information Officer, P/Lt. Col. Chitadel Gaoiran, nakaupo sa tabi ng Barangay Health Center ang biktima nang isang lalaki ang lumapit dito at pinaputukan ng dalawang beses. Agad dinala sa Sta.…

Read More

11 PATAY SA COVID SA CALOOCAN

UMABOT sa 11 ang patay sa COVID-19 sa Caloocan City, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit. Umakyat sa 1,597 ang total death sa lungsod noong Nobyembre 21 mula sa 1,586 noong Nobyembre 12. Bumaba naman sa 137 ang active cases sa lungsod mula sa dating 240. Umabot na sa 61,555 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 59,821 na ang gumaling Samantala, isang COVID-19 patient naman sa Barangay Acacia, Malabon City ang namatay noong Nobyembre 21. Ayon sa City Health Department, dalawa ang nadagdag na confirmed…

Read More

Karanasan sa HUDCC gagamitin INFORMAL SETTLERS SA QC, TUTULUNGAN NI DEFENSOR

GAGAMITIN ni Anak Kalusugan Representatives Mike Defensor ang kanyang karanasan noong siya ay kalihim ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), para makapamahagi ng pabahay sa mga pamilyang walang permanenteng tirahan sa Quezon City. Ayon kay Defensor, mayroong 250,000 na mga pamilya ang nagtayo ng kanilang mga bahay sa mga lupang hindi nila pagmamay-ari at 50,000 mga pamilya ang gumawa ng kanilang bahay na may pagpayag ng mga may-ari ng lupa. “Matagal na ‘tong problemang ito, nararapat sigurong matuldukan na ito para sa mga kababayan natin na nangangarap na…

Read More