BAGSAK sa kulungan ang isang babae na hinihinalang bigtime drug pusher matapos makumpiskahan ng mahigit P13 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City noong Biyernes ng gabi. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong suspek na si Herssie Ogoy, 23, ng Fatima Street, Tulay 14, Brgy. Daang Hari, Navotas City. Ayon sa report ni Col. Barot kay Northern Police District (NPD) Director, P/BGen. Jose Hidalgo Jr., ang pagkakaaresto sa suspek ay nag-ugat sa ibinunyag ni Alejandro Blancaflor alyas “Andy,” 46 na…
Read MoreAuthor: admin 2
2 BATANG LIDER NG SINDIKATO, TIMBOG
ARESTADO sa Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang menor de edad na kapwa pinaniniwalaang lider ng kilabot na sindikato sa likod ng robbery hold-up at carnapping operations sa National Capital Region (NCR). Sa isang operasyong inilunsad ng QCPD Station 14, na pinamumunuan ni Col. Jeffrey Bilaro, sa Camarin, Caloocan City narekober ang isang Toyota Ace utility van na inalarma bunsod ng reklamong inihain ng isang Jorrelyn Mirador na ninakawan ng kanyang sasakyan sa Barangay Holy Spirit, Quezon City. Ayon kay QCPD Director Brigadier General Antonio Yarra, kapwa edad 17…
Read MorePUBLIKO BINALAAN SA RED TIDE SA SHELLFISH
IPINAGBABAWAL ang pagkolekta at pagbebenta ng shellfish mula sa mga karagatan ng Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal). Gayundin mula sa mga karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; karagatan ng Biliran Island; Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; karagatan ng Baroy sa Lanao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur dahil positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang nasabing lamang-dagat at nakakalason sa tao. Ito ay…
Read MoreBinuong anti-smuggling task force tagumpay 81K LITRO NG SMUGGLED FUEL NAKUMPISKA
NAGBUNGA ang binuong Anti-fuel Smuggling Task Force ng apat na ahensya ng gobyerno matapos makahuli ng 81,000 litro ng mga produktong petrolyo, Ayon sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, iniulat ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang nahuling smuggled oil products mula noong Pebrero. Ang nasabing task force ay pinangunahan ng BOC kasama ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Energy (DOE), Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI). Binuo ang Fuel Integrity and Field Testing…
Read MoreBBM SUPPORTERS UMALMA SA PAMEMEKE NG LENI CAMP SA FB PHOTO NG CARAVAN
DISMAYADO ang mga supporter ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos dahil sa ginawang pamemeke sa Facebook ng kampo ni Leni Robredo sa litrato ng libu-libong tagasuporta na dumalo sa ‘unity ride’ nitong Linggo ng umaga sa Abra. Giit ng mga tagasuporta ni Marcos ay pinalitan ng mga tauhan ni Robredo ang larawan ng mga BBM supporters na pawang nakapula at nagtipun-tipon sa Don Mariano Marcos Bridge, ikatlo sa pinakamahabang tulay sa bansa, na nasa Kalinga Road, Langalilang, Abra. Pinalitaw nilang kulay pink ang suot ng BBM supporters na nasa larawan,…
Read MoreDROGA SA BONGGANG TRAJE DE BODA
TINATAYANG nasa P3.3-milyong halaga ng mga party drugs ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) makaraang inspeksyunin ang mamahaling traje de boda inangkat pa mula sa bansang Alemanya. Sa imbentaryo ng Port of NAIA, nasa halos 2,000 piraso ng hugis bulaklak na party drugs na kilala sa tawag na ecstasy ang ikinubli sa isang wedding dress na ipinasok sa Ninoy Aquino International Airport sa lungsod ng Pasay, kamakailan. Arestado naman sa isang follow-up operations ang babaeng consignee na sinampahan ng kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act. Sa isang pahayag,…
Read MorePati mga bodega, meron na rin NAIA KARGADO NA NG X-RAY GADGETS
BILANG tugon sa patuloy na tangkang pagpuslit ng mga iligal na kargamento sa pangunahing paliparan ng bansa, mas pinaigting pa ng Bureau of Customs-Port of NAIA sa tulong ng People’s Air Cargo (PAIRCARGO), ang kanilang scanning capabilities gamit ang mga karagdagang x-ray machines na susuri sa mga kargamentong dumadaan sa Ninoy Aquino International Airport. Sa isang seremonyang dinaluhan nina Customs Internal Administration deputy commissioner Donato San Juan, Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan at XIP acting chief General Roberto Ancan, tiniyak ni PAIRCARGO President and CEO Joseph Madrigal ang…
Read MoreSIOPAO NAGING SIBUYAS
SA kabila ng dikit-dikit na operasyon kontra smuggling ng mga produktong agraryo, patuloy pa rin ang pagdagsa mula sa bansang Tsina ng mga gulay na una nang sinabi ng pamahalaang may dalang peligro sa kalusugan ng mga mamimiling Pilipino. Sa isang spot check ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro, ang limang kargamentong una nang idineklarang “steamed buns”(siopao) ng EMV Consumer Goods Trading, tinatayang P14-milyong halaga ng sibuyas mula sa bansang Tsina pala ang laman. Ayon sa BOC, Nobyembre 13 nang dumating ang limang container vans na idinaan sa…
Read More5 DAKIP SA P6.3M YOSI SMUGGLING
LIMA katao ang arestado makaraang masabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Davao (BOC-POD) ang mahigit P6.3-milyong halaga ng mga imported na sigarilyong ipinuslit sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato. Katuwang ang Philippine National Police (PNP), kinumpiska ng mga operatiba ng Subport of Dadiangas ang nasa 12,500 reams ng imported na sigarilyong lulan ng isang Isuzu Fuso Fighter truck, batay sa tip ng isang impormante. Sa bisa ng isang warrant of seizure and detention, agad namang inilipat sa kustodiya ng Enforcement and Security Service (ESS)…
Read More