HATAW SA KOLEKSYON PUWERTO NG LA UNION

HUMIGIT pa sa target para sa buwan ng Oktubre ang naitala ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa San Fernando, lalawigan ng La Union. Sa tala ng BOC-Port of San Fernando, pumalo sa P499.3 milyon ang pumasok na kita ng nasabing tanggapan — higit na mataas kesa sa itinakdang target para sa nasabing buwan. Lumalabas sa kwenta ng kawanihang mas mataas ng P20.55 milyon o katumbas na 4.29% increase ang actual collection, bagay na bunga umano ng sigasig at katapatan ng mga kawani ng naturang tanggapan. Ang Port of…

Read More

BININGWIT SA PINAS NG MGA TSINO, DITO RIN PALA BINEBENTA

NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Customs-Port of Davao (BOC-POD) ang tinatayang P1.7 milyong halaga ng mga “frozen tuna” na pinaniniwalaang nabingwit ng mga nagkalat na Chinese fishing vessels sa karagatang sakop ng Philippine exclusive economic zone. Ayon kay BOC-POD District Collector Atty. Erastus Sandino Austria, nakatanggap sila ng tip mula sa impormante kaugnay ng pagdaong ng nasabing kargamento, kaya naman agad aniya nilang inalerto ang kanilang mga operatiba. Tulad ng inaasahan, lumapag sa Davao International Container Terminal (DICT) sa  Panabo City, Davao del Norte ang kargamentong idineklarang “frozen…

Read More

ISO fully-certified na LALARGA, SASABAY!

WALA ng dahilan para hindi makasabay ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalang bibida sa pagbangon ng bansa sa kinasadlakang dusang dulot ng pandemya. Ito ang tiniyak ni Bureau of Customs-Port of Clark (BOC-POC) District Collector Alexandra Lumontad matapos pormal na matanggap ang pinakaaasam na ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) Certificate na patunay ng husay ng kanilang tanggapan. Inihayag ni Lumontad ang magandang balita sa lingguhang pulong, kasabay ng paggagawad ng pagkilala ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa mga natatanging kawaning bahagi ng pagsisikap ng Port of Clark na maipasa…

Read More

WANTED SA US NAHULI SA MINDORO

PUERTO GALERA, Mindoro – Arestado sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) noong Lunes ang isang Amerikano na wanted sa US simula noong 2018. Ayon kay BI Fugitive Search Unit (FSU) Chief Rendel Ryan Sy, si Paul Scott Finch, 51-anyos, ay naaresto sa Sitio Paraway, Brgy. Dulangan sa Puerto Galera, Oriental Mindoro sa bisa ng warrant of deportation na inisyu nitong unang linggo ng buwan. “Our counterparts from the US government recently shared information about his (Finch’s) crimes,” pahayag ni Sy.  “We conducted a manhunt and discovered that he had been hiding in…

Read More

LIGTAS AT PAYAPANG PASKO, TITIYAKIN NG PNP BICOL

PAGPASOK pa lamang ng “ber” months ay sinimulan na agad ng PNP Bicol ang iba’t ibang paghahanda para sa darating na yuletide season. Ito ay upang tiyaking ang seguridad ng bawat Bicolano sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon. Ayon kay PNP-Police Regional Office 5 Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, bahagi ng kanilang paghahanda ang maximum deployment ng mga pulis sa mga lugar na inaasahang madalas puntahan at dagsain ng mga tao. Pinaigting din ang police and mobile visibility upang mahigpit na masubaybayan ang mga kaganapan sa komunidad at magsilbing babala…

Read More

4 DRUG PERSONALITIES LAGLAG SA PNP-PRO5

APAT na drug personalities ang nakaselda ngayon matapos na masakote sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 sa lalawigan ng Camarines Sur. Ayon sa ulat na ibinahagi ni Bicol PNP chief, P/Brig. General Jonnel C. Estomo mula sa Camarines Sur Police Provincial Office, dakong 7:40 noong Martes ng gabi sa Zone 1, Brgy. Sabang, Calabanga ay nadakip nila ang 45-anyos na laborer na si Renante Bulawan y Garcia sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiskahan ng 13 gramo ng shabu at 5 gramo ng dahon ng…

Read More

PALPAK SA KASO VS ONGPIN REREBISAHIN NG PNP

HINDI palalampasin ng bagong pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis sa likod ng palpak na asuntong isinampa laban sa anak ng bilyonaryong nahulihan ng droga sa silid kung saan natagpuang walang buhay ang nobyang si Brianna Jonson sa bayan ng San Juan, lalawigan ng La Union nitong nakaraang Setyembre. Sa isang pahayag, sinabi ni PNP chief Lieutenant General Dionardo Carlos na kanilang rerebisahin ang naging butas na nagtulak sa La Union Regional Trial Court na ibasura ang kasong illegal possession of prohibited drugs laban kay Julian Ongpin.…

Read More

Miron bawal pa rin CONTACT SPORTS PWEDE NA SA VALENZUELA

PINAYAGAN na ng pamahalaang lungsod ang basketball, volleyball, at iba pang contact sports sa Valenzuela City simula Nobyembre 18 ngunit kailangang i-book ng mga residenteng 12-anyos pataas ang kanilang mga laro sa tanggapan ng kani-kanilang barangay. Lahat ng mga kalahok na kinabibilangan ng mga manlalaro, organizers at mga opisyal ng laro gaya ng referee ay dapat na kumpletong bakunado at magpasa ng kahilingan, kasama ng listahan ng kanilang mga pangalan at vaccination cards. Ang organizers ay dapat ding kumuha ng “Activity Pass” sa barangay. Ang mga laro ay dapat idaos…

Read More

Nagtulak para pambili ng gatas P2-M SHABU NASABAT SA DRUG PUSHER

NAKUMPISKA ang tinatayang 350 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P2.4 milyon ang halaga sa isang 24-anyos na lalaking nagsabing napag-utusan lang siya sa New Lower Bicutan, Taguig City noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat ng Taguig City Police, nagsumbong ang isang concerned citizen na may gaganaping transaksyon sa ilegal na droga sa Maguindanao Avenue bandang alas-8:00 ng gabi. Bunsod nito, nagkasa ang mga awtoridad ng Oplan Galugad at naaktuhan ng mga pulis ng Taguig Substation 9, ang mga suspek na sina alyas “Salik” at isang alyas “Akmad” habang…

Read More