3 HULI SA P.6-M SHABU SA QC

ARESTADO sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Fairview Police Station (PS 5) ang isang regional drug priority target at dalawang kasamahan nito at nakumpiska sa kanila ang P680,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation noong Martes ng gabi sa Quezon City. Kinilala ni P/Lt. Col. Joewie Lucas, station commander ng PS-5, ang mga suspek na sina Melanie David, 36; John Carlo Yturralde, 22, at Belen Marie Ayaquil, 21-anyos, Ang mga suspek ay naaresto dakong alas-10:10 ng gabi noong Nobyembre 16, 2021 sa Winston St. corner Commonwealth Ave., Brgy. Greater Fairview,…

Read More

YEAR END BONUS NG GOV’T EMPLOYEES IBIGAY NA – DEFENSOR

UMAPELA si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na ibigay na ang year end bonus ng kanilang mga empleyado upang makapamili na ang mga ito bago ang Christmas holidays. “They will be able to avoid crowds in malls and other shopping areas if they can plan their purchases in advance, and they can steer clear of the highly infectious novel coronavirus,” ayon sa mambabatas. Base aniya sa Republic Act No. 11466 o “Salary Standardization Law of 2019”, bukod sa midyear bonus na katumbas ng isang…

Read More

NAT’L EDUCATION PORTAL ISUSULONG NI BONGBONG

IPATUTUPAD ni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang National Education Portal (NEP), na naglalayong mapabilis ang digital shift ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas kung sakaling manalo sa darating na 2022 eleksyon. Ipinaliwanag ni Marcos na ang NEP ay magiging isang online platform para sa mga mag-aaral at guro na gagawing mas madali at masiguro ang e-learning para sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Sa pamamagitan din nito magkakaroon nang maayos at ligtas na pakikipag-ugnayan ang mga guro sa kanyang mga mag-aaral, magsisilbing tagpuan at pagkukuhanan ng digital learning…

Read More

PAHAYAG NG PARTIDO FEDERAL NG PILIPINAS (PFP) SA BBM-SARA TANDEM

Lubhang ikinalulugod at ipinagmamalaki ng Partido Federal ng Pilipinas ang opisyal na pagkabuo ng BBM-SARA ticket para sa halalan sa 2022. Naniniwala kami na dahil sa mabigat na tambalang ito, ang ating Inang-bayan ay muling babangon at muling magiging magaling. Sa pamamagitan ng kanilang unifying partnership at sa tulong ng PFP-Lakas CMD coalition at ng iba pa nating mga kapanalig, masisimulan nating muling buuin ang bansa. Sa ilalim ng BBM-Sara Duterte ticket, tunay na sama-sama tayong babangon muli! 226

Read More

Pahayag ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. hinggil sa kanilang tambalan ni Inday Sara Duterte:

NAITAWID na namin ni Mayor Inday Sara Duterte ang proseso para sa tambalang inaasam-asam ng aming mga taga-suporta – ang BBM-SARA sa 2022. At napagkasunduan namin at ng aming mga partido ang pagsusulong ng mapagkaisang liderato sakaling kami ay palarin sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022. Sa layunin naming dalawa na ipagpatuloy at palawigin pa ang mga magagandang nagawa ng pamahalaang Duterte ay sabay kami ngayong nananawagan na kapit-bisig lang po tayo sa pagtiwala at pagsuporta sa liderato ng ating mahal na Pangulo. Kaisa ako ni Inday Sara…

Read More

BIGTIME TULAK, DEDBOL SA DRUG BUST NG PNP BICOL

ISA na naman notoryus na tulak ang napaslang ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 sa kanilang mas agresibong kampanya kontra ilegal na droga bilang bahagi nang patuloy na pagpapatupad ng pamunuan ng PNP sa programa nitong Intensified Cleanliness Policy (ICP). Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, isang katibayan nito ang pagkakasamsam sa tinatayang 1,150 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P7,800,000 ang street value kasunod ng ipinatupad na buy-bust operation sa bayan ng Nabua, Camarines Sur. Ayon sa ulat na ibinahagi ni P/BGen. Estomo, nagsagawa…

Read More

Pagsanjan Falls binuksan 4 BAYAN SA LAGUNA ZERO COVID NA

LAGUNA – Apat na bayan na sa lalawigang ito ang “zero” o wala nang aktibong kaso ng COVID-19, ayon sa inilabas na ulat ng Laguna Provincial Health Office noong Nobyembre 15. Ang mga bayan ng Lumban, Luisiana, Rizal at Famy ay wala nang naitalang aktibong kaso o “zero” na sa coronavirus. Nangunguna naman sa talaan ang lungsod ng Calamba kung saan ay mayroong 446 aktibong kaso. Inumpisahan na rin ang pediatric vaccination o pagbabakuna sa mga kabataang nasa edad 12-17 taong gulang. Nasa 800 mag-aaral ng Calamba Science High School at…

Read More

1 patay sa sagupaan 6 TOP NPA LEADERS SA NORTHERN LUZON, TIMBOG

SA pagsusumikap ng Armed Forces of the Philippine Northern Luzon Command na matupad ang kanilang self-imposed deadline na wakasan ang communist terrorist group sa kanilang area, sunod-sunod na military offensive ang kanilang inilulunsad. Ayon kay Northern Luzon Command chief, Lt. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos, sa kanilang pinal na operasyon para tuluyang durugin ang CPP-NPA sa hilaga at gitnang Luzon, anim na mataas na pinuno ng communist terrorist group ang nadakip ng kanyang mga tauhan sa kahapon. Kinilala ang mga arestado na sina Gil Peralta alyas “Elmo”, secretary ng Komiteng Rehiyon – Cagayan…

Read More

GUN-FOR-HIRE, LAGLAG SA BITAG NG PNP-PRO5

HABANG papalapit ang eleksyon sa susunod na taon, puspusan ang paglalatag ng iba’t ibang operasyon kontra kriminalidad ng PNP Bicol upang matiyak ang maayos at tahimik na pagboto ng mga Bicolano, ayon kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo. Ang pahayag ni P/BGen. Estomo ay kasunod nang pagkaka-aresto sa isang hired killer na miyembro ng isang robbery at gun for hire group sa Mercedes, Camarines Norte. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib, nadakip sa ikinasang law enforcement operation si Domingo Babagay Base Jr., na isang miyembro…

Read More