BIGLANG nagkagulo at nabulabog ang beach party nang ihudyat ang anti-narcotics operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) sa isang beach resort sa Mabini, Davao de Oro. Ayon sa ulat, 17 high value targets ang naaresto sa operasyon noong gabi ng Sabado sa Sea Eagle Beach Resort sa Purok Manaklay, Barangay Pindasan, Mabini, Davao De Oro. Kinilala ang target ng operasyon na si Reysan Ethelbert Elizalde, gayundin ang sinasabing mga kasabwat nito na sina Faye Olea, Bryk Archival, Bryan Tiu at…
Read MoreAuthor: admin 2
War vs communist terrorist group 2 PATAY SA ARMY, MOST WANTED LAGLAG SA PNP-PRO5
DALAWANG hinihinalang miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Army sa umano’y engkwentro sa Bayugan City, Agusan del Sur. Sa ulat ni Army commanding officer, Lieutenant General Andres Centino, patay sa sagupaan sina alyas Ka Joseph at Ka Aykay na miyembro umano ng NPA sa nasabing lugar. Gayunpaman, bigo ang mga sundalo na madakip ang target ng nasabing operasyon na sina Edilberto Dabal alyas “Bong/ Waco” na tumatayong pinuno ng Regional Operations Command ng NPA, at isang Judel Vertudazo alyas “Janjalani” na siyang…
Read More49 CPP-NPA MEMBERS SA BICOL, SUMUKO
“TULUNGAN n’yo rin po kami na kumbinsihin ang inyong mga kaanak at kakilala na sumuko na rin sa pamahalaan upang maranasan nila ang maayos at mapayapang pamumuhay.” Ito ang pahayag ni Police Regional Office 5 director, P/BGen. Jonnel C. Estomo kasunod ng nangyaring mass surrender ng 49 kasapi ng CPP-NPA bitbit ang may 57 baril, sa Task Force Bicolandia Kasabay nito, nanawagan si P/BGen. Estomo sa mga Bicolano na huwag nang magkaloob ng ano mang suporta sa communist terrorist group na pilit pa ring niyayakap ang armadong pakikibaka laban sa…
Read More2 SUSPECT SA PLACER SLAY CASE, HULI SA PNP-PRO5
NADAKIP na ang dalawang lalaking suspek sa Placer slay case na itinuturong sumaksak sa driver at cook sa loob ng Catholic Parish Church sa Placer, Masbate noong nakalipas na Linggo matapos ang inilunsad na manhunt operation ng mga tauhan ng PNP Regional Office 5. Sa report na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, napatay sa pananaksak si Arnel Dela Paz y Beroy, residente ng Roxas St., Brgy. Poblacion, Cataingan, Masbate. Si Delapoz ay natagpuang duguan sa isang kwarto sa loob mismo ng simbahan dakong 9:00 ng umaga ng…
Read More2 BATAY PATAY SA CHOLERA SA TANZA
CAVITE – Tatlong barangay ang tinamaan cholera na ikinamatay ng dalawang bata noong Linggo sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, binawian ng buhay ang dalawang bata makaraang isugod sa ospital dahil sa pagsusuka at pagtatae. Habang isang mangingisda at asawa ang nasa malubha namang kalagayan. Ayon sa Rural Health Unit ng Tanza, ang nasabing sakit ay naitala sa Barangay Punta Uno, Sahud-ulan at Calibuyo. Nakumpirma ito makaraang lumabas ang resulta ng pagsusuri sa specimen ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) Inaalam pa ng mga awtoridad…
Read MoreWag larga nang larga, may pandemya pa MGA BATA OBLIGASYON NG MAGULANG
MAY obligasyon ang mga magulang na gamitin nito ang tamang pagpapasya para sa kanilang mga anak sa gitna ng desisyon ng pamahalaan na pwede nang makapag-mall ang mga bata. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi naman kayang protektahan ng estado o gobyerno sa lahat ng pagkakataon ang bawat isa lalo na ang mga bata. Nandiyan aniya ang mga magulang na siyang may karapatang gamitin ang kanilang legal obligation at parental authority upang maibigay ang proteksyon sa kanilang mga anak. “Well, kagaya ng sabi ko po ‘no, nandiyan po ang…
Read MoreMANDATORY VAX SA WORKERS, TIANGGE OWNERS
NAGKAISA ang mga National Capital Region (NCR) mayor na sapilitang bakunahan ang mga manggagawa at may-ari ng tiangge. Ang katuwiran ng mga ito, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ang mga tao sa tiangge ay nagmula sa iba’t ibang lugar at mayroon lamang seasonal visitors. Nangangahulugan lamang aniya ito na malaking hamon ang contact tracing. “Ang napagkasunduan is that ‘yung mga tiangge na magpa-pop out dito, gagawing mandatory na ‘yung mga tatao rito o may-ari ay mabakunahan,” ayon kay Abalos. Nauna rito, hindi pabor ang ilang…
Read MoreSa pagdagsa ng foreign tourists RESPONSE PLAN ILALATAG
IKINAKASA na ng Bureau of Immigration (BI) ang plano sa inaasahang pagdagsa muli ng mga dayuhang turista sa bansa makaraang ihayag ng Malacañang ang posibleng pagbubukas ng mga paliparan para sa naturang mga biyahero. Ani Immigration Commissioner Jaime Morente, sa kabila na kulang ang mga tauhan ng ahensya sa kasalukuyan, nakapaglagay na umano sila ng ‘response plan’ para matugunan ang kakulangang ito. Ipinaliwanag naman ni Atty. Carlos Capulong, BI acting port operations chief, na kabilang dito ang pagpapakilos sa mga tauhan ng BI na nakatalaga sa ibang operating units para…
Read MorePETRON HANDANG IBENTA MULI SA GOBYERNO
BILANG tugon sa panawagan ng mga militanteng kongresista, nagpahayag ng kahandaan ang higanteng kumpanyang nagmamay-ari Petron na ibenta na lamang ulit sa gobyerno ang nabiling kumpanya ng langis nang walang patong o tubo. Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means kaugnay ng panukalang suspendihin ang excise and value-added tax (VAT) sa mga produktong petrolyo, hayagang sinabi ni San Miguel Corporation chairman Ramon Ang na payag din aniya siyang ipautang ang kumpanya sa kondisyong babayaran ito sa loob ng limang taon. “Anytime po puwede kong ipautang sa Philippine government,…
Read More