PHILIPPINE passport na lang ang kailangan ng mga Filipino-foreign players para maging eligible sumali sa annual draft at tuluyang makapaglaro sa Philippine Basketball Association (PBA). Ito ang ibinalita ni league chairman Ricky Vargas kahapon sa PSA online Forum, kung saan sinabi niyang aprubado na sa board ang nasabing usapin sa Fil-foreign players. Kung maaalala, maliban sa Philippine passport, ang Fil-foreign players ay kinakailangang magsumite ng certification mula sa Bureau of Immigration at affirmation buhat sa Department of Justice. Pero, hindi na ngayon. Mas pinagaan na ng liga ang requirement para…
Read MoreAuthor: admin 2
PBA 46th season Second Conference sisimulan na
HANDA na ang PBA na simulan ang Second Conference ng ika- 46 season ng liga sa huling linggo ng Nobyembre. Handa na rin ang kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at Asya na muling tanggapin ang fans sa mismong venue. Isang conference lamang (Philippine Cup) ang naidaos sa Clark bubble noong nakaraang taon sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. At bagama’t mas maluwag kumpara noong 45th season ang 2021 All-Filipino sa Bacolor, Pampanga pa rin, bawal pa rin ang live audience. Ngunit ngayong nasa Alert Level 2 na ang Metro Manila, tuloy…
Read MoreLOTTO 6/42 JACKPOT WINNER!
Congratulations! Lotto 6/42 Jackpot Winner PHP 8,244,527.20 – Jackpot Prize 24 – 27 – 29 – 08 – 22 – 04 : Winning Combination Draw Date: Saturday, November 06, 2021 Winner Ticket Was Bought in Cagayan De Oro City, Misamis Oriental Prize above 10,000.00 are subject to 20% tax pursuant to TRAIN LAW Prizes not claimed by the public within one year from date of draw shall be considered forfeited. (RA 1169) #LarongMayPuso #PCSOCares #IpaalamKayGM #ConqueringCOVID19 213
Read MorePinatunayan ng 68% rating sa Manila Times survey BONGBONG MALAPIT SA PUSO NG MGA BOTANTE
SA kabila ng garapalan at malisyosong pag-atake na ginagawa ng anti-Marcos forces, patuloy na napapamahal sa mga botanteng Pinoy si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. Sinabi ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Secretary General Thompson Lantion na isang malinaw na halimbawa rito ay ang walang humpay na pagsirit paitaas sa survey ni BBM. Sa nakalipas na survey ng Manila Times para sa presidential preference poll, si Marcos ay nakakuha ng napakalaking 68 percent share. Malayong nakasunod sa kanya si Vice-President Leni Robredo na may 10.8 percent; pangatlo si Manila…
Read MoreSMART-PLDT inulan ng reklamo mula sa netizens
NAGING trending topic sa social media ang Telecommunications company SMART-PLDT makaraang ulanin ito ng mga reklamo mula sa netizens dahil sa malawakang fiber outage noong Lunes ng gabi. Ang mga apektadong lugar ay ang San Luis, Aurora; Batangas City; Calamba, Laguna: Taytay, Rizal: Manila; Mandaluyong; Gamay, Northern Samar; Talisay City, Cebu; Iloilo City; Cebu City; Pilar, Bohol; Cagayan De Oro; Misamis Occidental; Isabela, Basilan; Davao City; at Isabela, Basilan. Binatikos ng mga galit na netizens ang SMART- PLDT dahil sa outage na nangyari nang wala umanong abiso at nakasira sa…
Read MoreNUMBER CODING MULING IKAKASA
TINITINGNAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabalik ng pagpapatupad ng number coding scheme sa Kalakhang Maynila habang ang bigat ng daloy ng trapiko sa rehiyon ay nagsisimula nang bumalik sa pre-pandemic level. Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na pag-uusapan ng ahensya kung paano nila ipatutupad ang polisiya na hindi mauuwi sa marahas na implementasyon. “So we were thinking what if gawin naming, kasi merong oras na talagang napupuno lang tayo eh,” ayon kay Abalos. “We were thinking what if yung number coding doon lamang sa oras na…
Read MorePAGBASURA NG FACE SHIELD SA MAYNILA, OK SA DILG
SANG-AYON si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa desisyon ni Manila City Mayor Isko Moreno, na tanggalin na ang polisiya hinggil sa mandatory use ng face shields sa lungsod, maliban na lamang kung ito ay sa medical at hospital facilities. “Maluwag naman tayo dyan (paggamit ng face shield), remember when we are very strict on face shield it was the time that we don’t have (COVID-19) vaccines and we have a lot of cases and we don’t have enough healthcare facilities,” ayon kay Año.…
Read MoreItutulak ni Defensor DAGDAG 10% DISCOUNT SA PROPERTY TAX SA QC
MADADAGDAGAN ng sampung porsiyento ang discount ng mga residente ng Quezon City sa kanilang real estate tax. Ito ang isa sa mga isusulong nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Councilor Winnie Castelo sakaling mahalal sila bilang mayor at vice mayor ng lungsod sa susunod na taon. Layunin ni Defensor na matulungan ang mga residente ng lungsod na makabangon mula sa pandemya. “This would be a pandemic relief to city residents and those who own pieces of real estate in Quezon City,” ayon kay Defensor. Sa ngayon aniya ay nagbibigay…
Read MoreNagsulputan na naman sa kalye DSWD PINAKIKILOS VS BATANG HAMOG
(CHRISTIAN DALE) HINILING ni Presidential spokesperson Harry Roque sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tulungan ang mga street children o mga batang hamog na nagsusulputan na naman sa mga kalye para mamalimos lalo pa’t papalapit na ang Christmas season sa bansa. “We call on the DSWD to give attention to these children. Besides that it concerns the well being of the children, it is very important to look after them because of the lingering COVID-19 pandemic,” ayon kay Sec. Roque. Ang mga batang hamog ay kadalasang nakikitang…
Read More