JAZZ PERPEKTO SA 4-0

utah jazz

UMISKOR si Bojan Bogdanovic ng 19 at pitong Utah Jazz players ang may double figures sa 122-91 win kontra ­­Houston Rockets.

Ikaapat na sunod na panalo ito ng Utah, pinakamagandang start mula noong 2006-2007 season.

Bukod kay Bogdanovic, sina Rudy Gobert, Donovan Mitchell, Eric Paschall, Hassan Whiteside, Jordan Clarkson at Joe Ingles ay umiskor din ng double figures.

Si Christian Wood naman ang nanguna sa ­Houston, 16 points habang si  Fil-Am player Jalen Green ay may 13 points mula sa 3-of-16 shooting. Sablay ang walo niyang 3-point attempts. May 14 points naman si rookie ­Alperen Sengun.

Nangamote ang Hous-ton sa shooting, partikular sa likod ng 3-point line. Nakagawa lamang ang ­Rockets ng 9-of-44 (beyond the arc) o 20.5%.

Kabaligtaran naman ng Utah, na halos nakabulas ang basket at nakatulong pa ang kakulangan sa depensa ng Houston para sa 16-of-46 (34.8%). Si Ingles ay may 4-of-9 sa 3s.
Na-outscore ng Utah ang Houston, 46-40 sa paint at na-outrebound din, 58-41. Si Gobert, ang league’s leading rebounder (19.0 per game), ang ­nanguna sa Utah na may 14 rebounds sa 28 ­minutes.

Angat ang Jazz, 61-40 sa halftime at lumamang pa hanggang 36 points sa laro.

Limang beses na ring tinatalo ng Utah ang ­Houston sa anim na ­paghahrap.

Si Houston shooting guard Kevin Porter Jr. ay nagtamo ng left ankle sprain sa second quarter at hindi na sumalang sa ­second half, may five points at two assists siya sa 19 minutes.

Makikipagtipan ang Jazz sa Bulls sa Sabado, habang bibisita ang ­Rockets sa Lakers sa Linggo sa simula ng five-game road trip.

192

Related posts

Leave a Comment