KNICKS NAKATAKAS SA BULLS

NAGPAKATATAG sina Kemba Walker (21 points), RJ Barrett (20 points) at ibinalik ng New York Knicks sa lupa ang Bulls, nang ipalasap dito ang ­unang kabiguan sa season via 104-103 sa Chicago.

Si Julius Randle ay may 13 points at 16 rebounds.

Mula sa bench ng New York, tumulong si Derrick Rose at umiskor ng 12 points laban sa former team niya tungo sa ikalawang sunod na panalo ng Knicks para umangat sa 4-1.
Sa kabila ng torn ligament sa left thumb, umiskor si Chicago star Zack LaVine ng 25 puntos.

Ang Bulls ay suminga-sing sa 12-0 run sa final ­minutes para sana makatabla sa larong sinelyuhan na ang Knicks.

Nag-dunk pa si LaVine sa huling 9.5 seconds at idinikit sa isang puntos ang Bulls, kasunod ng 104-91 lead ng Knicks sa huling 2:59. Naka-tape ang thumb ni LaVine matapos ma-injure laban sa Toronto noong Lunes.

Nagmintis si Randle sa dalawang free throws sa ­huling 4.7 seconds at binigay sa Chicago ang ­huling ­posesyon, pero sablay si DeMar DeRozan sa kanyang 15-foot, pull-up shot sabay sa pagkaubos ng oras.

Si Nikola Vucevic ay may 22 points at 20 points kay DeRozan para sa Chicago, nalaglag sa 4-1. ­Sinimulan ng Bulls sa 4-0 ang season, pinakamagandang start mula noong 1996-97 season.

Mula sa 27-25 lead mula sa long jumper ni Immanuel Quickley sa huling 1.3 seconds sa first quarter, nanatiling angat ang Knicks sa halos kabuuan ng laro, at sa tuwing didikit ang Bulls, kakaripas ang Knicks para hindi makaabante ang kalaban.

Sa kaagahan ng laro, nagtala ang Knicks ng 14-0 run tungo sa 16-6 lead. Rumesponde ang Bulls, 15-3 spurt at naagaw ang 21-19 lead mula sa tres ni Alex Caruso.

Muling umabante ang Knicks sa second quarter, pati sa pagtatapos ng first half, 55-51. Na-outshot ng New York ang Chicago, 53.5% laban sa 51.3% sa floor sa unang 24 minuto ng laro.

Nagtangka ang Bulls agawin ang driver’s seat, pero nakadikit lang nang hanggang dalawang puntos sa second quarter, kung saan nanguna si LaVine sa scoring, 17 points sa half.

Sa simula ng third period, dalawang free throws ang naipasok ni Patrick Williams para ibaba sa isa ang abante, 57-56, pero sumagot ang Knicks ng 10-0 run.

Samantala, ipinagdiwang ng Bulls ang career ni former center Joakim Noah na pinangalanang team ambassador. Ang 36-anyos na si Noah, nagretiro matapos ang limang laro sa Clippers noong 2019-2020 season, ay pinalakpakan ng crowd habang ipinakikita ang video tribute sa second quarter.

Si Noah ay first-round draft pick ng Chicago (ninth overall) noong 2007 at lumaro ng 13 season sa team, kung saan naging two-time All-Star at tatlong beses napasama sa All-Defensive team selection.

Una si Noah sa Bulls team history sa offensive rebounds (1,910), third sa blocked shots (803) at fourth sa total rebounds (5,387).

Bagama’t nami-miss niya ang NBA, ayon kay Noah, “Feels a lot less anxiety and sleeps better” na raw siya ngayong retirado na.
Hindi rin siya interesado sa coaching.

”To be a coach, you have to be a little bit sick,” lahad ni Noah. ”When you’re not feeling it, you have to motivate a group of men to get a job done. That’s a tough job.”

Tinawag ni Noah si Knicks coach Tom Thibodeau, naging coach niya ng limang season sa Bulls at sinabihang: ”He’s sick for sure, but I love him.”

Tutungo ang Knicks sa New Orleans sa Sabado para harapin ang Pelicans. Habang ang Bulls ay iwe-welcome naman ang Utah Jazz sa Sabado rin.

181

Related posts

Leave a Comment