MAKARAAN ang mahabang panahon, nagbabalik lansangan ang mga militanteng aktibista at mga kinatawan at kasapi ng iba’t ibang sektor sa ikinasang kilos-protesta laban sa lingguhang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo. Kabilang sa mga lumahok sa kilos protestang sinimulan sa Quezon City Circle ang mga tsuper at operator na miyembro ng grupong Piston, Anakpawis, Kilusang Mayo Uno (KMU), Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Kadamay. Anila, marami pang susunod at mas malaking kilos protesta ang kanilang pangungunahan hangga’t hindi dinidinig ng gobyerno ang kanilang panawagang pagbasura sa oil deregulation law na…
Read MoreAuthor: admin 2
Apela sa mga magulang PASLIT HUWAG MUNANG IPASYAL
NANAWAGAN ang Malakanyang sa publiko lalo na sa mga magulang at guardians na huwag palabasin ang mga bata o isama sa mga pasyalan lalo na kung ang lugar ay dinudumog ng mga tao. Kaugnay ito ng patuloy na pagdagsa ng tao sa kontrobersyal na Manila Baywalk Dolomite Beach. Katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, nasa panahon pa rin ng pandemiya ang bansa kaya’t hindi pupuwede na magpasyal-pasyal ang mga bata lalo na sa matataong lugar. “Well, unang-una po, ang mga bata talagang for essentials lang po na dapat lumalabas ng…
Read MoreVIBER DIRECTIVES NG LTO VS MANDATORY PMVIC INSPECTION PINALAGAN
KINASTIGO ni Sen. Grace Poe ang Land Transportation Office (LTO) sa gitna ng kawalan nito ng pormal na memorandum ukol sa pananatiling opsyonal at hindi mandatory ng pag-iinspeksyon ng mga Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs), na nagbunsod ng kalituhan at kaguluhan sa mga motorista sa iba’t ibang rehiyon. “‘Yan ay napaka-unprofessional. Ano ba naman ‘yung isang page na ipa-type ninyo, ipa-press release na ninyo kung hindi niyo mapaabot o ma-email sa mga regional directors ninyo,” ayon kay Poe. Sa pagdinig ng Senate finance subcommittee sa pondo ng Department of…
Read MoreIMEE: PAGGUNITA SA UNDAS, GAWING VIRTUAL KUNDI MAAGAHAN O MAIPAGPALIBAN
INIHAYAG ni Senadora Imee Marcos ang tatlong opsyon na maaaring gawin ng publiko sa ligtas na paggunita ng Undas, partikular ang maaga o ipinagpaliban na pagpunta sa mga sementeryo o kaya nama’y gawing ‘virtual’ na lamang. Sa gitna ito ng utos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at mga local government unit (LGU) na ipasasara ang lahat ng sementeryo sa Metro Manila at iba pang mga lugar na may mataas pa ring kaso ng COVID-19, para iwas sa hawahan. Dahil dito, ipinakakasa na agad…
Read More2 BIGTIME DRUG PUSHERS LAGLAG SA PNP-PRO5
DALAWANG bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang anti narcotics operation ng PNP-Police Regional Office 5 na pinamumunuan ni Police Brig. General Jonnel C. Estomo, sa Camaligan, Camarines Sur. Kinilala ni PNP-PRO5 Public Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib ang mga nadakip na sina Armando Del Rosario y Buelva, 51, at Gil San Buenaventura y Flores, 52, pawang mga residente ng Zone 5, Brgy. San Roque, Camaligan, Camarines Sur. Tinatayang may street value na aabot sa P1 milyon ang nasamsam ng mga tauhan ng Camarines Sur PNP, Camaligan Municipal Police Station sa inilatag…
Read More4 SENIORS, 11 PA DINAKMA SA TUPADA
CAVITE – Umabot sa 15 sabungero, kabilang ang apat na senior citizens, ang dinakma ng mga tauhan ng Cavite Police habang nagsasagawa ng tupada sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang anti-illegal gambling operation sa Gen. Trias City, Dasmariñas City at Naic sa pagitan ng alas-10:50 noong Linggo ng umaga hanggang hanggang alas-4:30 ng hapon. Sa Gen. Trias City, dakong alas-10:50 ng umaga nang isagawa ang tupada sa Brgy. San Francisco ng naturang lungsod kung saan anim…
Read MoreCOVID CASES SA CALABARZON PATULOY SA PAGBABA
CALAMBA CITY – Bunga ng nakaraang lockdowns ang patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon). Sa pinakabagong talaan ng Department of Health 4-A na inilabas noong Oktubre 23, nasa 603 na lamang ang bagong kaso ng mga tinamaan ng sakit kumpara noong mga nakaraang linggo na halos umabot sa limang libong katao ang mga tinamaan ng nasabing sakit. Nasa 17,991 na lamang ang aktibong kaso ng COVID habang 40 ang namatay. Ang lalawigan ng Laguna ay nakapagtala ng 4,295 active cases;…
Read More5 NPA PATAY SA PNP-PRO5 AT AFP SOLCOM JOINT OPS
LIMANG sinasabing mga kasapi ng communist New People’s Army ang napatay sa inilunsad na composite law enforcement operation ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Police Regional Office 5 na pinamumunuan ni Regional Director Jonnel C. Estomo, at ng AFP Southern Luzon Command na nasa ilalim ng pamumuno ni Lt. Gen Bartolome VO Bacarro, sa lalawigan ng Masbate. Ayon kay Maj. Maria Luisa Calubaquib, Bicol Police spokesperson, nauwi sa armed confrontation ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng PNP Bicol, katuwang ang mga tauhan ng AFP-SOLCOM, sa Brgy. Bugtong, Mandaon, Masbate. Target ng…
Read MoreDAGSA NG TAO SA DOLOMITE BEACH, BABASAGIN NG PULIS
KASUNOD ng kabi-kabilang batikos sa mala piyestang pagdagsa ng libo-libong tao sa Dolomite Beach sa Maynila, inatasan ni Philippine National Police chief Guillermo Eleazar ang Manila Police District (MPD) na pangunahan ang pagpapatupad ng minimum public health standards sa sinasabing kontrobersyal na pasyalan. Kasabay nito, pinaalalahanan din ng heneral ang publiko sa patuloy na banta ng nakamamatay na COVID-19 sa bansa. Sa kanyang direktiba, inutusan ni Eleazar si MPD chief General Leo Francisco na makipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources, mga administrador ng nasabing pasyalan at maging sa…
Read More