PAGTAAS NG SUICIDE CASES NAKAAALARMA – SOLON

bigti

KUNG ang pagbabasehan ay ang dami ng mga nagpatiwakal nitong nakaraang taon, posibleng malagay sa alanganin ang maraming Pilipino lalo pa’t malaki ang itinaas ng bilang ng mga Pilipinong dumaranas ng mental disorder, base na rin sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA). Giit ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, hindi dapat ipagwalang-bahala ng Department of Health (DOH) ang datos mula sa PSA, kasabay ng panawagang paglaanan ng panahon at sapat na pondo ang aniya’y estadong pinagdadaanan ng maraming Pilipinong lubos na nasadlak sa dusang dulot ng pandemya. Aniya, lumobo…

Read More

WANTED SA PAGPATAY SA KADUGO ARESTADO

ARESTADO ang 54-anyos na top 1 most wanted person sa kasong parricide ng Eastern Police District (EPD) sa Pasig City. Kinilala ni P/BGen. Matthew Baccay, EPD director, ang naaresto na si Alfonso Sto. Domingo y Senadan, nakatira sa Katarungan St., Brgy. Caniogan sa lungsod. Dakong alas-1:00 ng hapon noong Oktubre 21 nang arestuhin ng mga tauhan ng Warrant Section ang suspek sa Brgy. Del Rosario Minalabac, Camarines Sur. Dala ng mga tauhan ng EPD-Special Operation Unit at District Intelligence Unit (DIU) ang warrant of arrest na isyu ni Judge Nicanor…

Read More

4 BARANGAY SA NAVOTAS COVID FREE NA

APAT na barangay na sa Navotas ang wala nang active COVID cases, habang 76 ang active cases sa lungsod hanggang 11:59 pm noong Oktubre 23, 2021. Ang mga barangay na zero COVID na sa nasabing petsa ay ang Bagumbayan North, Bagumbayan South, Navotas West, at Tanza 2. Anim ang nagpositibo sa virus sa fishing capital sa nasabing araw habang 12 naman ang gumaling. Pumalo na sa 17,544 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 16,928 na ang gumaling at hindi nadagdagan ang 540 casualties. Samantala,…

Read More

Kapag on-duty at naka-uniporme BI OFFICERS BAWAL MAG-TIKTOK

MAHIGPIT na nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa kanilang mga opisyales na nakatalaga sa international airports, na bawal silang mag-post ng videos na sumasayaw o kumakanta (Tiktok) habang naka-duty at unipormado. Sa memorandum na inisyu sa lahat ng port personnel ni Immigration Port Operations chief, Atty. Carlos Capulong, nakasaad na maaari silang maharap sa administrative cases for insubordination and misconduct. Ayon kay Capulong, ipinag-utos ni BI Commissioner Jaime Morente sa kanya na imbestigahan ang mga ulat na may BI employees na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang…

Read More

LIQUID MARIJUANA, NAPURNADA

HINDI nagawang ikubli ng pagiging malikhain ng sindikato ang tangka nitong magpasok ng bote-botelyang liquid marijuana sa Clark International Airport kama­kailan. Silat sa Bureau of Customs – Port of Clark (BOC-POC) ang mga kontrabandong idineklarang “over-the-counter drugs for personal use” makaraang dumaan sa maingat na pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Bagama’t hindi gaano kalakihan ang nasabat na liquid marijuana, naging hudyat naman ito para mas paigtingin pa ng ahensya ang paghihigpit sa mga ipinapasok na selyadong botelya, pildora, kapsula at maging mga herbal at cosmetic products sa bansa.…

Read More

MAKINARYANG PANGGAWA NG YOSI, WINASAK

BUKOD sa mga smuggling ng sigarilyo, maging ang makinaryang gamit sa paggawa ng yosi ipi­nupuslit na rin bagay na hindi pinalusot ng Bureau of Customs (BOC) nang wasakin nang tuluyan ang makinang gamit sa cigarette manufacturing na iligal na ipinasok sa bansa kamakailanSa harap ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng kawanihan, winasak ng BOC-Port of Aparri ang pagdurog ng mga makinang gamit sa paggawa at pamemeke ng sigarilyo. Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad sina BOC-Port of Aparri District Collector Arienito Claveria at ang mga kasapi…

Read More

Pakinabang ng x-ray machines DROGA NA NAMAN!

SA tulong ng mga makabagong kagamitan ng Bureau of Customs (BOC), nabisto ng pinagsanib na operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng nasabing kawanihan ang tinatayang P15.64-milyong halaga ng mga iligal na drogang laman ng dalawang bagaheng nakabarega sa FedEx warehouse ng Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA). Unang nasabat ng mga operatiba ang isang parcel na idineklarang mga damit mula sa nagngangalang Alam Persiaran Dato Menteri, ng Sec. 14, Shah Alam, Malaysia. Sa tala ng ahensya, isang Edmar Blay ng SJV, Blk. 10, Lot. 22, Brgy. Langgam,…

Read More

Imbakan sa Pampanga, QC BROOM-BROOM NASIPAT NG BOC

NATUNTON ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang hinihinalang pinag-iimbakan ng mga mamahaling sasak­yang pinaniniwalaang iligal na ipinasok sa bansa. Sa tala ng Manila Inter­national Container Port (MICP), hindi bababa sa P500 milyon ang kabuuang halaga ng mga kotseng tumambad sa showrooms sa Xavierville, Quezon City at sa bayan ng San Simon sa lalawigan ng Pampanga. Ayon sa isang pahayag, Oktubre 21 nang sadyain ng mga operatiba ng BOC-MICP at NBI ang mga nasabing showroom, bitbit ang isang Letter of…

Read More

PANGINGISDA TAYMPERS MUNA MULA DISYEMBRE

BATANGAS – Inilalatag na ng mga grupong makakalikasan ang anila’y mga panuntunan kaugnay ng taunang tigil-pangingisda sa mga karagatang sakop ng Batangas upang bigyang daan ang paglaki ng mga yamang dagat sa taong 2022. Kasabay ng isang pulong sa pagitan ng Batangas Marine Protected Area at Bantay Dagat Network, inilunsad na rin ang temang “Panandaliang Sakrupisyo, Pangmatagalang Benepisyo” bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa dalawang buwang “closed season” na hudyat ng pansamantalang pagtigil ng anomang pangingisda sa mga anyong tubig sa nasabing lalawigan. Nakatakdang magsimula ang tigil-pangingisda sa unang…

Read More