MARIJUANA IPINASOK SA MP3 SPEAKERS, BUKING

NASABAT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang pitong bloke ng marijuana na tinatayang P354,000 ang halaga, sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Tondo, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Judem Alleck Padilla, residenre ng CM Recto Avenue sa Brgy. 14 sa Tondo. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., commander ng MPD-Station 2, bandang alas-2:00 ng hapon, habang nagsasagawa ng “Oplan Sita” ang kanyang mga tauhan sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue at Asuncion St. sakop ng Tondo, nang mamataan…

Read More

1 sa Malabon 48 PATAY SA COVID SA VALENZUELA

UMABOT sa 48 katao ang namatay sa Valenzuela City dahil sa COVID-19 noong Oktubre 19, ayon sa City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Bumaba naman sa 469 ang active COVID cases sa lungsod matapos na 83 ang nagpositibo sa virus at 49 naman ang gumaling. Pumalo na sa 34,994 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 33,712 na ang gumaling at 813 ang namatay. Samantala, isang pasyente naman ang namatay sa Malabon City noong Oktubre 19 habang siyam ang nadagdag na confirmed cases.…

Read More

BI NAGBABALA VS ILLEGAL RECRUITERS

NAGPALABAS ng babala si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa mga gustong maging overseas Filipino workers (OFWs) na mag-ingat sa illegal recruiters na nagbibigay ng mga pekeng dokumento. Ang babala ni Morente ay matapos na may dalawang pasahero na nagpanggap na mga turista ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kamakailan. Ayon kay Morente, ang mga pasahero ay pinigil para sa kanilang proteksyon, na nagtangkang sumakay sa Emirates Airlines flight patungong Dubai noong Oktubre 17. “We are currently in a pandemic, and it is disheartening…

Read More

Para sa proteksyon ng riders, pasahero MOTORCYCLES-FOR-HIRE ACT APRUB NA SA KAMARA

motor

INAPRUBAHAN na sa Committee Level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang isailalim sa regulasyon ng gobyerno ang operasyon ng motorcycles-for-hire sa bansa. Walang tumutol nang isalang sa Committee Approval ng House Committee on Transportation, na pinamumunuan ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, ang Motorcycles-for-Hire Act. “This would be a perfect Christmas gift for our thousands of motorcycle-for-hire riders. This law would surely free them from worries caused by possible policy shifts and law enforcement abuse,” ani Sarmiento. Ayon sa mambabatas, hindi maitatanggi na ang motorcycle taxis at motorcycle delivery services…

Read More

Subscribers na lumipat sa Dito napakakaunti

TALIWAS sa inaasahan ay napakaliit na bilang lamang ng mga subscriber ang nagpalit ng network sa ilalim ng tinatawag na MNP o mobile number portability. Marami ang nag-akala na malaking bilang ng mga subscriber ng Philippine Long Distance Telephone Co.-Smart Communications at Globe Telecom ang lilipat sa Dito Telecommunity Corp., ang third telco player sa bansa, sa gitna ng kaliwa’t kanang promo na iniaalok ng kompanya na mas mura at mas mabilis na internet. Ngunit ang Telecommunications Connectivity Inc. (TCI), ang joint venture company ng telcos na naatasang mangasiwa sa…

Read More

BELMONTE DESPERADO NA – DEFENSOR

defensor

DESPERADO na si Quezon City Mayor Joy Belmonte dahil ginagamit na umano nito ang Philippine Star para banatan si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos nitong hindi pagbigyan ang kanilang hiling na ilaglag ng Partido Federal si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na kanyang makakalaban sa mayoralty race sa nasabing lungsod. “Ako tingin ko talaga, ang ginagawa nilang yun parang act of desperation. Medyo desperado talaga. Hindi dapat gawin yun,” ani Defensor sa press conference kahapon sa ilang mamamahayag sa Kamara. Isiniwalat ni Defensor na isang buwan bago ang…

Read More

SENIORS PWEDE NA SA NCR MALLS

PINAYAGANG lumabas ng bahay ang mga lolo’t lola o senior citizens at mamasyal sa mga mall sa Kalakhang Maynila sa ilalim ng Alert Level 3. Iyon nga lamang, kailangan na sila ay fully vaccinated laban sa COVID-19. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa patuloy na pagbabawal ng mga mall operator sa Alert Level 3 areas sa mga lolo’t lola o ang mga may edad na 60 pataas na makapasok sa nasabing establisimyento kahit pa ang mga ito ay fully vaccinated laban sa COVID-19. “Hindi…

Read More

PAGBABA NG TARIPA SA IMPORTED CORNS TABLADO

corn

SINUPALPAL sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang hirit ng Philippine Association of Feed Millers Inc. (PAFMI) sa gobyerno na ikonsidera ang pagbaba ng taripa ng mga inaangkat nilang yellow corns na ginagamit nila sa kanilang produkto. Ayon kay Minority Congressman Argel Cabatbat, isinisi ng PAFMI sa mataas na taripa ng imported yellow corn ang pagtaas ng gastos sa meat at poultry product sa bansa. Base sa report ng National Economic and Development Authority (NEDA), tumaas umano sa P112.14 ang production cost ng baboy habang P92.40 naman sa manok at ginamit umano ito ng PAFMI…

Read More

Sa pagbaba ng alert level POLICE VISIBILITY SA NCR PINAIGTING

ncr

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa lahat ng unit commanders sa National Capital Region (NCR) na mas paigtingin pa ang police visibility sa matataong mga lugar ngayong nakababa na sa Level 3 ang COVID-19 alert sa Metro Manila. Ito ay matapos na manawagan ang Department of Health na patuloy na magpatupad ng minimum public health safety protocol nang magdagsaan ang mga tao sa simbahan, mall, pasyalan at iba pang mga lugar nitong weekend. “Based on the order of our SILG (Secretary of…

Read More