ANAK NG BILYONARYO NO BAIL ANG ASUNTO

NAKATAKDANG sampahan anomang oras mula ngayon ng kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act si Julian Ongpin matapos marekober ng mga rumespondeng pulis ang droga sa silid ng hotel kung saan umano nagpakamatay ang nobya nitong si Bree Jonson sa La Union nitong nakaraang buwan. Makaraan ang masusing pag-aaral, inirekomenda ng mga itinalagang state prosecutors mula sa Department of Justice ang paghahain ng kasong paglabag ng Section 11 ng Republic Act 9165 si Ongpin, na anak ng isang kilalang bilyonaryong nagmamay-ari ng isang isla sa lalawigan ng Quezon at ilang…

Read More

NLEX NAMAHAGI NG AYUDA SA LGU FRONTLINERS

TUMANGGAP ng kahon-kahong essential food items ang mga Local Government Unit (LGU) na nasasakupan ng NLEX Corporation expressway network sa pamamagitan ng kanilang food donation program na naglalayong ayudahan ang mga government health worker sa Metro Manila, North at Central Luzon. Ang nasabing tollway company, na siyang builder/concessionaire ng NLEX at SCTEX ay ipinagkaloob ang boxes ng food and snacks para sa mga health worker partikular na sa mga nakatalaga sa vaccination sites sa 13 LGUs sa Manila, Quezon City, Caloocan City, Malabon City, Navotas City, Bulacan, Pampanga, at Bataan.…

Read More

SEKYU ITINUMBA SA DUTY

security guard

BATANGAS – Dead on the spot ang isang security guard makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek dakong alas-3:30 ng madaling araw nitong Lunes sa Lipa City. Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Arnold dela Cruz y Ebora makaraang pagbabarilin ng mga suspek habang naka-duty sa Villa Sto. Niño Townhomes, Brgy. Sabang, Lipa City, Batangas. Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril. Sinusuri na ng mga awtoridad ang footages ng mga CCTV sa lugar upang mabatid kung nahagip ang insidente. (CYRILL…

Read More

MAG-UTOL NA MURDER SUSPECTS, UTAS SA PULIS

CAVITE – Patay ang magkapatid na suspek sa pagpatay sa isang fruit vendor, makaraang manlaban umano sa mga awtoridad sa isinagawang hot pursuit operation sa Tagaytay City noong Linggo ng umaga. Kinilala ang mga napatay na sina Denmark Consumo at Ariel Consumo, kapwa nasa hustong edad at mga residente ng Brgy. Halang, Naic, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Braiann Balani ng Tagaytay City Police Station, dakong alas-11:00 ng umaga noong Linggo, nagsagawa ng hot pursuit operation ang pinagsamang puwersa ng Naic Police Station, Force Commander at Tagaytay CPS sa…

Read More

P262-M shabu kumpiskado 4 CHINESE PATAY SA ANTI-DRUG OPS *2 drug dealer napatay sa Tawi-tawi

droga

TINATAYANG 38 kilos ng ilegal na droga ang nakumpiska sa ikinasang magkasanib na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (lead agency), Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na ikinamatay ng apat na Chinese national sa Angeles City, Pampanga nitong Lunes. Ayon sa ulat, ang apat na Chinese national na hinihinalang mga kasapi ng bigtime international drug syndicate, ay napatay sa inilunsad na composite operation ng combined forces mula sa PDEA RO3, PDEA-IIS, PDEA SES, PDEA NCR, AFP Task Force NOAH, MIG41, NOLCOM, NICA, PDEG NCR, NCRPO-RID,…

Read More

Dinedma ng barangay at pulisya HUSTISYA GIIT SA 2 BINUGBOG NA PASLIT

suntok

WALA umanong hustisyang nakamit sa barangay at mga awtoridad ang dalawang paslit na ginulpi ng 40-anyos na kapitbahay noong Oktubre 9 sa Tanay, Rizal. Ayon sa mag-asawang Andro at Carol Loberiano, ginulpi umano ng suspek na si Nolito Inasis na kanilang kapitbahay, ang kanilang dalawang anak na sina Kyd, 6-anyos, at Sapphire, 7, sa P. Castillo St., Brgy. Katipunan Bayani sa nabanggit na bayan. Sa pahayag ng mag-asawa, agad silang nagtungo sa kanilang barangay hall para i-blotter ang insidente ngunit wala umanong available na magtatala sa blotter. Dahil dito, nagtungo…

Read More

Kinasuhan sa ‘overpriced’ food packs PANDARAMBONG VS. QC MAYOR BELMONTE

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SINAMPAHAN ng kasong pandarambong at korapsyon si Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte sa Office of the Ombudsman noong Biyernes bunsod ng maanomalya umanong pagbili ng ‘food packs’ na nagkakahalaga ng P108 milyon. Bukod kay Belmonte, sabit din sa kaso na isinampa ni John Jamili Chiong, founder and national commander of the anti-corruption group Task Force Kasanag, sina Ruby G. Manangu, officer-in-charge, Accounting department ng Quezon City government, Angelica Solis, representative of LXS Trading, at iba pang opisyal at empleyado na direktang may kinalaman at partisipasyon…

Read More

NCRPO, GAME NA SA 2O22 ELECTION

KUNG pagbabatayan ang mga nakalatag na plano kaugnay ng nalalapit na halalan, handang-handa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na tiyakin ang kaayusan sa Metro Manila. Giit ni NCRPO director Major General Vicente Danao, may inilatag na silang peace and order plan para sa 17 lokalidad sa rehiyong kanyang nasasakupan. Kabilang sa kanyang ibinabang direktiba ay ang pagpapalawig ng intelligence driven at target hardening laban sa mga posibleng maghasik ng karahasan tulad ng mga komunistang terorista at maging mga tinawag niyang organized crime groups. “We cannot be complacent.…

Read More

HEALTH CENTER SA BASECO GAGAWING GENERAL HOSPITAL

MAY 100,000 residente ng Baseco Compound sa Port Area, Manila ang makikinabang sa sandaling maging fully operational bilang general hospital ang President Corazon C. Aquino Health Center. Nitong Lunes, pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang ground breaking ng itatayong ospital na pinaglaanan ng P110 milyon pondo. Ito rin ang ikawalong ospital na magkakaloob ng libreng serbisyo sa Maynila. Tatawagin itong President Corazon C. Aquino General Hospital bilang pag-alala at paggalang sa dating pangulo at kay dating Manila Mayor Alfredo Lim. (RENE CRISOSTOMO) 536

Read More