BAGAMA’T isang pasyente ang namatay, bumaba na sa 134 ang active COVID-19 cases sa Navotas City hanggang 11:59 pm noong Oktubre 16 matapos na lima ang nagpositibo sa virus at 28 naman ang gumaling. Kaugnay nito, dahil ibinaba na ang Metro Manila sa Alert Level 3, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod at pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2021-56 na nagpapawalang-bisa sa liquor ban sa lungsod. Gayunpaman, iginiit ng punong lungsod na bawal pa rin ang pag-inom sa mga pampublikong lugar batay sa Municipal Ordinance 2002-06, kabilang ang…
Read MoreAuthor: admin 2
LAND TAX INCREASE SA QC, ‘DI FAKE NEWS – DEFENSOR
PINANINDIGAN ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang kanyang babala na tataas ang buwis sa mga residential, commercial o industrial lot sa Quezon City simula sa Enero 2023. Ginawa ni Defensor ang pahayag matapos tawagin umano ng Quezon City government sa pamamagitan ng kanilang legal officer na si Orlando Casimiro, na fake news ang pending na land tax increase. “There is no fake news. I am not a purveyor of falsehood. It is the current leadership of Quezon City that purveys fake news and even uses the media to spread it,” ayon…
Read MorePagbayad ng Smart-PLDT ng daang milyong piso sa foreign endorsers hinagupit ng kongresista
BINATIKOS ng isang partylist congressman ang top executives ng Smart-PLDT dahil sa pagkuha ng mga dayuhan bilang product endorsers na nagpababa sa mga Filipino artist. Sinabi ng mambabatas, na dismayado sa pagiging bias umano nina telco’s chair Manny Pangilinan at president Al Panlilio laban sa local talents na, “paying hundreds of million-pesos to foreign artists for the telco’s product promotions amid this pandemic that wrought havoc in our economy is immensely insensitive and unsympathetic to say the least.” Reaksiyon ito ni Rep. Ronnie Ong, ng Probinsiyano Ako Partylist, sa mga…
Read MoreBIYAHERO MULA NORTH AMERICA PINALULUWAGAN
WELCOME kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pag-alis sa mandatory quarantine mula “green” countries. Subalit, umaasa si Concepcion na pagbibigyan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF-EID) ang lesser restrictions para sa mga byahero mula North America kabilang na ang United States, Canada, at Mexico. Aniya, ang pag-lift sa mandatory quarantine ay makababawas sa gastusin ng mga byahero at makatutulong na muling buhayin ang sektor ng turismo. Gayunman, hindi naman ito sapat para tulungan ang airlines at tourism enterprises na makabawi lalo pa’t hindi…
Read MorePAGLABAS NG MINORS LIMITADO PA RIN
MAGLALABAS ng paglilinaw ang Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong araw hinggil sa paglabas ng mga kabataan sa ilalim ng Alert Level 3 sa Kalakhang Maynila. Ani Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, “Local governments only have a say in the interzonal and intrazonal travel of children,” na ang tinutukoy ay ang IATF resolution. Matatandaang pinagbawalan ng pamahalaan ang mga kabataan na lumabas ng kanilang bahay dahil sa paniniwala ng mga eksperto na maaari silang maging “superspreaders.” Pinayagan naman ng pamahalaan ang limited in-person classes at sinimulan na rin…
Read MoreNO. 6 MOST WANTED SA MALABON, ARESTADO
SWAK sa selda ang isang top 6 most wanted person sa Malabon City, makaraang maaresto ng mga tauhan ng Manila Police District sa Brgy. Dipintin sa bayan ng Maddela, lalawigan ng Quirino noong Sabado ng hapon. Kinilala ni Manila Police District Director, P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco ang suspek na si Christian Andres y Espiritu, 31, farmer, binata at residente ng Francisco St., Brgy. 590, Sta. Mesa, Manila. Batay sa ulat ni P/Major Cicero Pura, hepe ng District Special Operation Unit ng MPD, humingi ng tulong ang mga tauhan ng Malabon…
Read More5% TAX DISCOUNT SA QC BUSINESSMEN – DEFENSOR
BIBIGYAN ng limang porsyentong discount ang mga negosyante sa Quezon City kapag naupo na bilang mayor ng lungsod si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, upang kunin muli ng mga ito ang kanilang mga empleyado na tinanggal sa trabaho matapos silang maapektuhan sa pandemya sa COVID-19. Ayon kay Defensor, aabot sa 74,750 enterprises na nag-o-operate sa Quezon City ang makikinabang sa 5% discount sa kanilang local business tax na kada taon nilang binabayaran. “The tax discount is just one of our highly aggressive strategies to swiftly revive all employment-generating economic activities in…
Read MoreLALAKI TINARAKAN, IPINAANOD NG KAINUMAN
BATANGAS – Patay ang isang 29-anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang kainuman at itapon sa ilog sa Sto. Tomas City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Ayon sa ulat, umaga noong Sabado nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Alvin Maraquilla na lumutang sa ilog sa boundary ng Barangay San Vicente at San Roque sa nasabing syudad. Ayon sa Sto. Tomas Police, nangyari ang pananaksak sa Barangay Sta. Maria kung saan nag-inuman at biktima at ang suspek na si Ariel Almarez, 26, residente ng Biñan. Nang matapos ang inuman ay nagpasya…
Read MoreP1.6-B SHABU NASAMSAM SA LIVE-IN PARTNERS
CAVITE – Tinatayang P1.656 bilyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam makaraang maaresto ang live-in partners sa buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang restaurant sa Dasmariñas City noong Sabado ng hapon. Kinilala ang mga arestadong sina Wilfredo Blanco Jr., 37, at Megan Lemon Pedroro, 38, kapwa residente ng Kasiglahan Village, Montalban, Rizal. Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 noong Sabado ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA 4A, PDEA IIS, PDEA SES, PDEA NCR, AFP TF NOAH, NICA, PDEG-RONCR, BOC, RID-NCRPO, PDEG SOU4, Cavite PPO at Dasmariñas…
Read More