MAKATITIKIM ng P17 billion financial aid ang mga taga-Quezon City kapag naupo na bilang Mayor at Vice Mayor sina Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at Councilor Winnie Castelo. Ito ang blueprint na inilatag nina Defensor at Castelo na ipatutupad umano ng kanilang administrasyon bilang panimula ng economic recovery ng lungsod mula sa pandemya sa COVID-19. Ayon kay Defensor, agad na maglalaan ang mga ito ng P3 billion na direct financial aid sa mga walang trabaho, informal workers, medical frontliners, teachers, police officers at public-sector personnel. Aabot din aniya ng P5 billion ang…
Read MoreAuthor: admin 2
2 TIKLO SA P.2-M SHABU SA NAVOTAS
SWAK sa hoyo ang dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga nang makumpiskahan ng halos P.2 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Navotas City noong Sabado ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Val Christopher Valentin, 32, at Martin Pangilinan, 46, kapwa ng Brgy. Tangos South, ng lungsod. Ayon sa ulat, alas-11:10 ng gabi nang isagawa ang operasyon sa F. Pascual St., Brgy. Tangos South kung saan isang undercover ang umiskor sa mga suspek ng P500 halaga ng droga. Nang kunin…
Read MoreMay 354 active cases, 23 gumaling COVID DEATHS SA NAVOTAS NADAGDAGAN
ISANG COVID-19 patient ang binawian ng buhay sa Navotas City habang 354 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 8 matapos na 12 ang nagpositibo sa virus at 23 naman ang nakarekober. Pumalo na sa 17,419 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 16,532 na ang gumaling at 533 ang namatay. Samantala, wala namang iniulat na namatay sa Malabon City dahil sa pandemya, habang anim ang nadagdag na confirmed cases noong Oktubre 9. Sa kabuuan ay nasa 20,824 ang positive cases sa lungsod, 257…
Read More8 pasahero sugatan sa nasunog na bagon BIYAHE NG MRT 3 NABALAM
NABALAM ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nang magkaroon ng sunog sa isa sa mga bagon nito naging dahilan ng pagkakasugat ng walong pasahero noong Sabado ng gabi. “Eight passengers (4 male and 4 female) sustained minor injuries (minor bruises on their arms and legs), which they obtained from jumping off the trains,” ayon sa pahayag ng MRT-3 nitong Linggo. Ayon sa ulat, pasado alas-9:00 ng gabi noong Sabado, ang isang bagon ng MRT na may byaheng patungong North Ave., Quezon City, ang biglang sumiklab ang apoy.…
Read MoreDUPLIKADONG PAMBATO UMEKSENA SA QUEZON
PAGKALITO ang inaasahang dulot ng pagpasok ng mga aspiranteng ka-apelyido ng dalawang higanteng politiko sa lalawigan ng Quezon. Sa salpukan para sa pwesto ng gobernador sa pagitan nina incumbent Gov. Danilo Suarez at Quezon 4th district Rep. Angelina “Helen” Tan, biglang lumutang at naghain din ng kanilang certificate of candidacy (COC) ang dalawang iba pang kapwa Suarez din ang apelyido – sina Sonny Suarez at Romeo Suarez. Bukod sa dalawang Suarez na naghain ng kandidatura, pasok din sa talaan ng mga aspirante sa pagka gobernador ang isang Frumencio Danilo “Sonny”…
Read MoreGOBERNADOR, ANAK KINASUHAN SA OMBUDSMAN
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IPINAGHARAP ng reklamong kriminal at administratibo sa Tanggapan ng Ombudsman si Quezon Province Governor Danilo Suarez at anak nitong si Atty. Joana Suarez. Ayon ito sa grupong Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Inc. sa pamumuno ni Prof. Salvador Singson-de Guzman. Ang mga kaso ay kinabibilangan ng accessory to the crime of kidnapping and serious illegal detention with rape, obstruction of justice, accessory to the crime of child abuse at paglabag sa paragraph (e) sa Section 3 ng Republic Act 3019 o anti-graft…
Read MoreMga kaibigan biniktima TIRADOR NG MOTORSIKLO ARESTADO
CAVITE – Hinihiram muna ng isang 21-anyos na lalaki ang motorsiklo at ipadu-duplicate ang susi nito at pagkaraan ay saka tatangayin ang nasabing sasakyan sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito. Arestado ang nasabing suspek na kinilalang si Lester Cedrick Moreno, 21, binata, ng Brgy. San Juan 1, Gen. Trias City, makaraang ireklamo ng biktimang si Emelyn Cases, 35, residente ng Mendoza St., Gen. Trias City. Ayon sa ulat ni Pat. John Paul Cruz ng Tanza Police Station, ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklong Yamaha Mio Aerox na may plakang…
Read MoreP100K PATONG SA ULO NG KILLER NG SIKLISTA
CAVITE – Naglaan ng P100,000 pabuya ang tanggapan ni Kawit Mayor Angelo G. Aguinaldo sa sino mang makapagtuturo sa pulisya sa suspek sa pagpaslang sa isang 20-anyos na siklistang natagpuang patay sa nasabing bayan noong Linggo ng gabi. Sa Facebook account ni Mayor Aguinaldo, ipinag-utos nito ang paglalaan ng P100,00 na pabuya sa sino mang makapagtuturo sa pumatay sa biktimang si Kenneth Ponce. “Ipinag-utos ko po ang paghahain ng P100,000 na pabuya sa sino mang makapagtuturo sa pulisya sa suspek sa pagkamatay ng isang batang siklistang natagpuan sa ating bayan ng Kawit.…
Read MoreMAG-UTOL NA YNARES UNOPPOSED SA RIZAL
KAPWA walang kalaban sa nalalapit na 2022 general elections ang magkapatid na Ynares – si presidential adviser for Southern Luzon Sec. Casimiro Ynares at ang nakababatang kapatid na si mayor ng Binangonan, Rizal. Target ng nakatatandang Ynares na bumalik bilang gobernador – pwestong kanyang hinawakan sa mahabang panahon bago pa maupo bilang punong lalawigan ang nag-iisang anak na lalaking si Jun Ynares III taong 2007. Una nang napaulat ang napipintong pagsagupa ni Cainta Mayor Keith Nieto, na lubhang nadismaya makaraang magpatakbo umano ang matandang Ynares ng kandidato para mayor ng…
Read More