DEAD on the spot ang tatlong estudyante nang salpukin ng rumaragasang 10-wheeler truck noong Linggo ng hapon sa Barangay Matagangtang, Placer, Masbate, ayon sa ulat ng PNP-PRO5 kahapon. Kinilala ang mga biktimang sina Christy Francisco, 16, Grade 11; Ferdalyn Cañete, 10, Grade 5, at Jelian Tamayo, 13, Grade 7, pawang mga residente ng Barangay Matagantang. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo mula kay Police Major Emerson Ecalnir, hepe ng Placer, Masbate Municipal Police Station, sinuro ang mga biktima sa tabi ng kalsada, ng…
Read MoreAuthor: admin 2
NCR POSIBLENG IBABA SA ALERT LEVEL 3
HABANG patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19, sinabi ng Malakanyang na may “good chance” ang National Capital Region (NCR) na i-downgrade o ibaba sa Alert Level 3 stage ang bagong coronavirus response system na ikinasa sa rehiyon. Layon nito na payagan ang mas maraming negosyo at aktibidad para magbalik operasyon. Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesman Harry Roque ay kasunod ng ulat na ang reproduction rate ng virus sa Kalakhang Maynila ay bumaba sa 0.6 percent, habang ang positivity rate naman ay 13%. Ani Sec. Roque, sa kamakailan…
Read MoreWag makisawsaw sa pulitika PULIS BINALAAN SA SOCIAL MEDIA POST
BINALAAN ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan sa kanilang mga social media post kaugnay ng nalalapit ng halalan. Giit ni PNP chief General Guillermo Eleazar, mananatiling apolitical o walang pinapanigan ang kanilang hanay pagdating sa usapin sa pulitika. Paalala ni Eleazar, lahat ng mga pulis ay dapat manatiling apolitical kahit sa social media, kasabay ng direktibang pagbabawal ng pangangampanya pabor o kontra sa isang kandidato kahit sa kanilang mga Facebook, Twitter at Instagram accounts. “I am reminding all police personnel to be mindful of what…
Read MoreBago magkaubusan PONDO SA BOOSTER SHOTS ILAAN SA COVID-19 ANTIBIOTIC
IMBES na booster shots ang bilhin, inatasan ng isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Inter-agency task forces (IATF) na bumili ng Molnupiravir, isang antibiotic na mabisang panlaban umano sa COVID-19. “Of course, vaccination is the key to some sort of normalcy, but if we really want a world where COVID-19 is not only controlled, but is no longer a fearsome disease, we need drugs that can cure them quickly,” ani Albay Rep. Joey Salceda. Ayon sa mambabatas, pormal nang inanunsyo ng Mercks, na ang kanilang anti-viral Molnupiravir ay…
Read MoreLALAKI KULONG SA PAGBALIKTAD SA BANDILA SA NAIA
NAGULANTANG ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang tumambad sa kanila ang bandilang binaliktad na tila pahiwatig na ang bansa ay nasa ilalim ng digmaan. Mabilis namang nadakip ng Aviation Security Group ang isang lalaking ayon sa Airport Police, ay siyang responsable sa pagbaliktad ng bandila sa open parking area ng NAIA Terminal 3. Kinilala ang suspek na si Jay-Ar Beril, 27-anyos, mula sa bayan ng Jose Dalman sa lalawigan ng Zamboanga del Norte. Ayon sa awtoridad, nahagip sa close-circuit television (CCTV) camera ang suspek habang ibinababa ang…
Read MorePulis sablay sa pagpapaputok sa aktor SORRY SA NAHAGIP NG LIGAW NA BALA
PAUMANHIN ang tanging naging tugon ng pamunuan ng Philippine National Police kaugnay ng isang ligaw na balang tumama sa isang delivery rider sa gitna ng habulan sa pagitan ng mga operatiba ng Eastern Police District (EPD) at ng aktor na si Jake Cuenca. Pagtitiyak naman ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, magpapatupad ng mga pagtatama at pagdidisiplina ang PNP sa kanilang mga tauhang nagpaputok habang hinahabol ang sasakyang minamaneho umano ng aktor noong Linggo ng gabi sa Pasig City. Giit ng Mandaluyong Police, tinakbuhan umano ni Cuenca ang mga pulis…
Read MoreSa gitna ng pandemya at kahirapan NO CONTACT APPREHENSION NILARGA SA QC
SA kabila na maraming tumututol sa No Contact Apprehension Program (NCAP) ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon, sinimulan na itong ipatupad kahapon. Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at kinatawan ng local government, ang pag-anunsyo ng implementasyon ng NCAP sa siyudad. Layunin ng programa ang pagpapabuti ng ‘road safety, alleviate traffic congestion, and instill traffic discipline among motorists traversing the city’. Sa NCAP ay gagamit ng state-of-the-art cameras na may artificial intelligence technology para makakuha ng litrato, at mai-record ang conduction stickers at plate numbers ng mga sasakyan na…
Read MoreMONTALBAN LIGHTNING RALLY: NOGRALES PA RIN!
TILA dumadagundong na kidlat nang maglabasan ang mahigit tatlong libong tao sa kalsada ng Montalban, Rizal noong Huwebes, Oktubre 7, upang salubungin si Congressman Fidel Nograles na naghain ng kanyang kandidatura para sa kanyang ikalawang termino bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Rizal. Bumuo ng isang mahabang pila ang mga tao mula sa bungad ng Montalban hanggang sa sentro ng bayan na aabot sa tatlong kilometro na haba. Hindi natinag ang pila ng mga tao ng ulan at habang hawak nila ang placard na “Nograles pa rin!” ay nagsigawan…
Read MoreNCR POSIBLENG IBABA NA SA ‘LOW-RISK’
POSIBLENG maklasipika na ang National Capital Region (NCR) bilang ‘low risk’ sa COVID-19 sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre kung magpapatuloy ang trend ng pagbaba ng mga bagong kaso, ayon sa OCTA Research Group. Ito ay dahil bumaba sa 2,000 ang ‘seven-day daily average’ ng COVID cases sa rehiyon, ayon kay OCTA member Dr. Guido David. “Wala tayong nakikitang variant of concern ngayon na threatening, na pwedeng pumasok sa bansa natin. So ang talagang tingin natin, tuloy-tuloy na ‘yan hanggang Pasko,” ayon pa kay David. Kasalukuyan din na nasa 0.6…
Read More