4 TODAS SA COVID-19 SA MALABON, NAVOTAS

TATLO ang patay sa Malabon City dahil sa COVID-19 noong Oktubre 8, habang 14 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 20,818 ang positive cases sa Malabon, 268 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangays Bayan-bayanan (2), Ibaba (1), Longos (1), Maysilo (1), Niugan (1), Santulan (1), Tañong (2), Tinajeros (4) at Tugatog (1). Habang 27 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Baritan (1), Concepcion (5), Ibaba (5), Maysilo (4), Potrero (6), San Agustin (1), Santulan (1),…

Read More

Proyekto para sa tao tututukan ni Areza PAG-UNLAD NG PAGSANJAN UNA SA TEAM AGA

HANDA nang umarangkada ang Team AGa (Areza-Gamit Team) matapos pormal na mag-file ng Certificate of Candidacy (COC) sina Cesar Areza bilang kandidato sa pagka-alkalde at Dra. Terryl Gamit, pangalawang alkalde, sa Commission on Election (Comelec) Office sa Pagsanjan, Laguna noong Oktubre 7, 2021. Sa panayam ng SAKSINGAYON (Peryodiko Filipino Incorporated) kay Areza, sinabi niyang handa na ang kanilang team para sa 2022 national at local elections. Nakasentro ang plataporma ng Team AGa sa kabuhayan para sa mga mamamayan ng Pagsanjan, partikular ang mga nawalan ng pinagkakakitaan dahil sa halos magdadalawang…

Read More

OBRERO PINATAY, INILIBING NI KAPITAN

CAVITE – Makalipas ang halos 14 araw, natunton ang bangkay ng isang 22-anyos na construction worker noong Huwebes ng hapon, matapos umanong patayin ng isang dating barangay captain at inilibing ang katawan nito sa isang madamong lugar Cavite City. Kinilala ang arestadong suspek na si Rowell Tamboon, 40, residente ng Soriano St., Brgy. 24, Caridad, Cavite City habang pinaghahanap ang mga kasama nito na sina Reynald Angeles Mayo, 20; at alyas Totoy, pawang mga responsable sa pagpatay sa biktimang si Ricky Boy Aleman Colarte, ng Soriano St., Brgy. 24, Caridad St.,…

Read More

CHINESE NATIONAL, INIHULOG MULA SA VAN

china

CAVITE – Itinulak at inihulog mula sa sasakyan ang isang Chinese national at natagpuan ng mga awtoridad habang pagala-gala sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Dinala sa Gen. Trias Medicare Hospital si Xiao Kong, 57, pansamantalang tumutuloy sa Makati City, dahil sa mga sugat sa katawan. Ayon sa ulat ni Corporal R-Jay Magwale ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-6:00 ng umaga noong Huwebes, habang nagpapatrulya ang mga operatiba ng PASCAM COMPAC ng Gen. Trias CPS nang madaanan ng mga awtoridad ang biktima habang tulalang naglalakad…

Read More

9 WANTED SA BICOL LAGLAG SA PNP-PRO5

SA pinalawak na kampanya kontra kriminalidad ng PNP Police Regional Office 5 na nasa pamumuno ni Regional Director Jonnel C. Estomo, nagwakas na ang ilang taong pagtatago sa batas ng siyam na indibidwal sa ikinasang manhunt operation ng PNP Bicol nitong nakalipas na araw sa iba’t ibang panig ng rehiyon. Sa probinsya ng Sorsogon, tatlong wanted ang nadakip ng pulisya ng Sorsogon Police Provincial Office katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 5, dakong 10:30 ng hapon noong Huwebes sa Brgy. 4, Poblacion, Sta. Magdalena. Kabilang sa mga nahuli ay ang…

Read More

151 LUGAR PA SA NCR NAKA-GRANULAR LOCKDOWN

BAGAMAN nabawasan na ang mga lugar na isinailalim sa granular lockdown sa National Capital Region (NCR), mayroon pa rin itong 151 bilang. Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), mula sa 186 na lugar noong October 6, nabawasan ng 35 ang mga naka-granular lockdown kaya umaabot na lang ito sa 151 as of October 7. Sa naturang bilang, 108 dito ay mga kabahayan, 16 ang residential buildings kasama ang building floor, 13 ang kalye, at 13 ang subdivision o village. Nagmula sa 108 na barangay mula sa iba’t ibang lungsod…

Read More

COVID-19 CASES SA 3 REGIONS TUMATAAS

UMAKYAT ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa tatlong rehiyon sa bansa. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga ito ay naitala sa Bicol Region, Zamboanga Peninsula at MIMAROPA. Ipinabatid ni Vergeire na ang Bicol ay nakapagtala ng halos 44,000 COVID-19 cases, mahigit 43,000 naman ang Zamboanga Peninsula at halos 30,000 cases sa MIMAROPA. Samantala, inihayag ni Vergeire na ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region at Cagayan Valley ay nananatiling nasa high risk classification dahil sa bilang ng COVID-19 cases. (RENE CRISOSTOMO) 272

Read More

MGA SEMENTERYO SA MALABON ILA-LOCKDOWN

PANSAMANTALANG isasara ang lahat ng mga sementeryo sa Lungsod ng Malabon, alinsunod sa Executive Order No. 21-10-06-030 Series of 2021. Sisimulan ang “lockdown” sa mga sementeryo sa Oktubre 29 at tatagal hanggang Nobyembre 3, Gagawin ito upang maiwasan ang pagdami ng mga tao sa sementeryo na maaaring maging sanhi ng pagkalat ng COVID-19. Samantala, maaaring bisitahin ng mga taga-Malabon, o may mga mahal sa buhay na nakalibing sa lungsod, ang kanilang mga yumao bago ang nakatakdang araw ng pagsasara ng mga sementeryo. (ALAIN AJERO) 846

Read More

Kasunod ng alak KARERA LARGA NA RIN SA VALENZUELA

alak

KASUNOD ng pagpapahintulot sa pag-inom ng alak, larga na rin ang karera ng kabayo sa Valenzuela City. Ayon sa pamahalaang lungsod, pinapayagan na ang operasyon ng mga Off-track Betting Stations sa lungsod. Gayunpaman, ito ay limitado lamang sa pagbebenta ng mga ticket. Pwede na rin ang operasyon ng lotto outlets, basta’t nasisiguro ng mga awtorisadong ahente ang ang pagsunod sa minimum health standards. Alinsunod umano ito sa memorandum na inilabas ng Office of the President, ayon sa pamahalaang lungsod ng Valenzuela. (ALAIN AJERO) 395

Read More