2 sa Valenzuela 52 PATAY SA COVID SA CALOOCAN

UMABOT sa 52 ang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City sa loob ng 13 araw. Ayon sa City Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit, mula sa 1,436 noong Setyembre 24, umangat sa 1,488 ang total COVID deaths sa lungsod noong Oktubre 7, habang 1,553 ang active cases. Pumalo na sa 58,043 ang total confirmed COVID cases sa lungsod at 55,002 sa mga ito ang nakarekober. Dalawa naman ang iniulat na namatay sa Valenzuela City dahil sa COVID noong Oktubre 7, habang 948 ang active cases matapos na 74…

Read More

Oplan Sita, ginawang Oplan Kita MAJOR, 5 PULIS ARESTADO

NAHAHARAP sa patung-patong na kasong kriminal at administratibo ang anim na pulis-Pasay, kabilang ang isang major, makaraang ipaaresto mismo ng hepe ng pulisya kaugnay ng ini-release na Chinese national na una na nilang dinakip. Ani Pasay City Police chief, Colonel Cesar Paday-os, sibak na sa pwesto bilang sub-station police chief si Major Crisanto Racoma ng Pasay City MOA Sub-Station, kasama ang lima pang ibang naging bahagi ng isinagawang Oplan Sita noong n Oktubre 2. Kinilala naman ang lima pang kasamang inaresto na sina Lt. Noelson Garcera, Sgt. Johnvir Tagacay, Cpl. Jayson…

Read More

SARI-SARING REKLAMO VS SMART-PLDT DUMAGSA

INULAN ng samu’t saring reklamo sa social media ang telecommunications company na Smart-PLDT. Sa kanilang posts sa Facebook, idinaing ng mga subscriber ang umano’y palpak na serbisyo ng kompanya, kabilang ang napakabagal na internet na sinu-supply nito, madalas na pagkawala ng signal o connection, madayang promo, at hindi maaasahang customer service. Ayon sa isang netizen, dahil sa kupad ng internet ng Smart-PLDT ay naaapektuhan na ang online class ng kanyang kapatid. “Hrap tlaga pag gnyan! Nangyan! Pati nga pagoonline class ng kapatid ko apektado dhil sa madalas nlang sgnal putol…

Read More

43K NEGOSYO SA QC MAY SAFETY SEAL NA

NAPATUNAYAN ang bisa ng paghihigpit ng Quezon City government sa mga negosyanteng pasaway, kaugnay ng pinakahuling datos kung saan lumalabas na higit ng mas marami ang sumusunod sa mga alituntuning itinakda ng gobyerno sa gitna ng patuloy na banta ng nakamamatay na COVID-19. Sa tala ng pamahalaang lungsod, lumalabas na 43,332 na establisimyento sa nasabing lungsod ang ginawaran na ng safety seals bilang patunay ng pagsunod sa health and safety protocols na magkatuwang na inilatag ng ng Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), mga local…

Read More

BI sa mga Pinoy-foreigner couple TIIS PA MORE

KONTING tiis pa at magkakapiling muli ang mga Pinoy na may kabiyak o karelasyong dayuhan. Pagtiyak ito ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay ng pinaiiral na panuntunan sa pagbabawal makapasok sa bansa ang mga banyaga dulot ng COVID-19. “May malaking epekto ang travel ban sa mga hindi pa ikinakasal na couple at sa kanilang pamilya. Marami ang kailangang magtiis habang may pandemya na wala ang kanilang mahal sa buhay. Naririnig namin kayo at naiintindihan namin ang hirap ninyo,” ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente. Tugon ito ng BI sa ‘global…

Read More

7 ARMADO NASABAT SA QUIAPO

BLANGKO pa ang Manila Police District sa pakay ng pitong indibidwal na nasita makaraang madiskubre sa kanilang sasakyan ang matataas na kalibre ng baril habang nakaparada sa Quiapo, Manila, kamakailan. Ang mga suspek na sina Policarpio Magbanwa Jr., 48; Mark Abion, 37; Arnel Poso, 44; Alex Aniñon, 45; Marlou Sanghilan, 37; Leonardo Aguilar, 37 at Elmer Gawat, 38, ay nasukol bandang 12:58 ng tanghali nitong nakaraang Oktubre 5 habang lulan ng tatlong sasakyan na nakaparada sa panulukan ng Rizal Avenue at Carriedo, Quiapo, base sa ulat kay P/Lt. Col. John…

Read More

VENDOR ITINUMBA SA PALENGKE

PATAY ang isang vendor matapos barilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa kanyang stall sa loob ng palengke sa Malabon City nitong Huwebes ng madaling araw. Agad binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Michael De Ocampo, 48, residente ng S. Pascual St., Brgy. San Agustin. Ayon sa report nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Diego Ngippol kay Malabon Police chief, Col. Albert Barot, dakong alas-3:09 ng madaling araw, abala ang biktima sa paghahanda ng kanyang mga panindang manok sa Mike…

Read More

Pananalasa ng COVID patuloy MALABON, NAVOTAS TIG-ISA NG NATODAS

ISA ang patay sa Malabon City dahil sa COVID-19 noong Oktubre 6, habang 40 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 20,774 ang positive cases sa lungsod, 361 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Acacia (1), Bayan-bayanan (4), Catmon (9), Concepcion (1), Hulong Duhat (1), Panghulo (1), Potrero (2), Santulan (7), Tinajeros (4), Tonsuya (7), at Tugatog (3). Sa kabilang banda, 34 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Acacia (1), Bayan-bayanan (1), Hulong Duhat (1),…

Read More

5 DRUG SUSPECTS NABITAG SA QC

TINATAYANG aabot sa halagang P102,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Galas Police Station (PS-11) at Holy Spirit Police Station (PS-14) ng Quezon City Police District habang limang drug suspect ang nadakip sa magkahiwalay na anti-drugs operation sa nabanggit na lungsod. Kinilala ni PS-11 commander, P/Lt. Col. Von June Nuyda, ang mga arestado sa unang operasyon na sina Jeff Orge, 22; John Lloyd Angelo Delos Reyes, 21, at Mark Joseph Escoto, 24-anyos. Ang tatlong suspek ay naaresto bandang alas-10:15 noong Miyerkoles ng gabi sa Bayani St., Brgy. Doña Imelda, Quezon City. Nakumpiska sa tatlong suspek…

Read More