SA hangaring mabilis na maabot ang target na herd immunity kontra COVID-19, inilunsad ng Department of Health – Calabarzon ang gimik na buwanang pa-premyo para sa mga residenteng magpapabakuna. Ayon kay DOH-Calabarzon regional director Eduardo Janairo, mayroon na silang nakalaang premyong salapi kada buwan sa ilalim ng kanilang programang “Resbakuna: Bakunado Panalo,” para sa mapapalad na mabubunot para magwagi ng salaping nagkakahalaga ng P5,000 hanggang isang milyon. Aniya, simple lang manalo — kinakailangan lamang magpabakuna upang makasali sa “Resbakuna: Bakunado, Panalo” promo. “This is to encourage everyone to enlist and…
Read MoreAuthor: admin 2
NEGOSYANTE, 2 PANG TULAK NALAMBAT
SWAK sa kalaboso ang isang negosyante matapos mahulihan ng isang pakete ng selyadong plastik ng hinihinalang shabu sa inilatag na buy-bust operation ng Sorsogon Police Provincial Office sa Brgy. Cogon, Sorsogon City. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, kinilala ang suspek na si Julius Cesar Roque Empleo, 40, residente ng Brgy. Pangpang. Samantala, dalawang kabilang sa Naga City drug watchlist database ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga operatiba ng Naga City Police Office, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA ROV. Alas…
Read MoreISA PA, HIRIT NG LAGUNA GOB
CALAMBA City, Laguna — Muling naghain ng kandidatura sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) para ikatlo at huling termino si incumbent Governor Ramil Hernandez. Kasabay namang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ng gobernador ang katambal nitong si Vice Governor Karen Agapay at kabiyak nitong si Laguna 2nd district Rep. Ruth Hernandez. Sasagupain naman ng tambalang Hernandez at Agapay ang ang dating TV news reporter na si Rep. Sol Aragones bilang gobernador at Jerico Ejercito para naman bise gobernador. Kabilang din sa mga naghain ng kandidatura ang transgender na…
Read MoreMAG-AMA PATAY SA PAMAMARIL
LAGUNA – Patay ang isang lalaki at nadamay ang 6-anyos nitong anak na babae makaraang pagbabarilin habang natutulog sa kanilang maliit na dampa sa bayan ng Calauan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Arnold Bustarga, 34, at anak nitong Ayesha Denise. Batay sa report, bandang alas-10:00 ng gabi, magkatabing natutulog ang mag-ama nang pitong beses na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek si Bustarga ngunit nahagip din ng mga bala ang anak ng biktima. Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang mag-ama habang mabilis na…
Read More9 MANGINGISDA NASAGIP SA TUMAOB NA BANGKA
SIYAM na mangingisda ang nasagip ng mga mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 na nasa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, sa karagatan matapos tumaob ang sinasakyan nilang fishing boat malapit sa baybayin ng Mercedes town sa lalawigan ng Camarines Norte. Ayon sa ulat na ibinahagi ni PNP-PRO5 Public Information Office chief, Police Major Malou Calubaquib, matapos na makatanggap ng distress call ay agad nagbuo ng rescue team ang mga tauhan ng Jose Panganiban Municipal Police Station at Camarines Norte Maritime Police Station para saklolohan ang mga tripulante…
Read MoreSa joint ops ng PNP-PRO5, AFP SAKO-SAKONG MAGAZINES, BALA NG M-16 NASAMSAM
BUNSOD ng sumbong ng mga residente, nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine ang sako-sakong bala at sangkap na pampasabog sa Barangay San Bartolome, Sta. Magdalena, Sorsogon noong Martes ng umaga. “Ito ang panlaban natin sa CTG (Communist Terrorist Group), ang pagkakaisa natin tungo sa iisang layuning tapusin na ang mahigit limang dekadang armadong tunggalian,” ani P/BGen. Jonnel C. Estomo, regional Director ng PNP-PRO5, matapos na matunton ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang isang M-16 armalite rifle; tatlong sako na…
Read MoreWalang kuryente, limitadong oxygen COVID CASES LUMOLOBO SA BATANES
BATANES – Nalalagay sa balag ng alanganin ang 28 positibo sa COVID-19 na naka-confine sa nag-iisang pampublikong pagamutan, bunsod ng kawalan ng kuryente at kapos na supply ng oxygen sa lalawigang ito. Sa tala ng Batanes General Hospital, halos kalahati ng kanilang mga pasyente ang tinamaan ng nakahahawang sakit na pinaniniwalaang nakuha sa evacuation centers nang salantain ang nasabing lugar ng bagyong Kiko. Ayon kay Dr. Jeffrey Canceran, 16 sa 28 nagpositibo ang kinakitaan ng moderate symptoms, habang tatlo ang kritikal. Dalawa naman ang sinasabing mild cases pero kinailangang i-confine…
Read More27 TULAK NASAKOTE SA CAVITE
CAVITE – Umabot sa 27 hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), sa pagitan ng alas-12:30 noong Lunes ng hapon hanggang alas-2:30 ng madaling araw noong Martes nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa limang lungsod at apat na bayan sa lalawigan ng Cavite. Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming bilang ng tulak ng ilegal na droga na inaresto ang Lungsod ng Dasmariñas, 6;…
Read MoreSALPUKAN NG MGA KILALANG POLITICAL CLAN SA BATANGAS
NAGHAIN ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) ang mga kandidatong miyembro ng mga kilalang political clan sa Batangas noong Martes. Pinangunahan ni Senador Sen Ralph Recto ang paghahain ng COC para tumakbong kongresista sa ikaanim na distrito ng lalawigan o lone district of Lipa City sa tanggapan ng Comelec sa Batangas City. Wala naman ang misis nito na si Representative Vilma Santos-Recto sa paghahain ng senador. Si Santos-Recto ay nagpaplano umanong tumakbo sa pagka Senador. Naghain din ng COC sa pagka kongresista sa 1st district ng Batangas si Liza Ermita,…
Read More